OS166: I DON'T WANT YOU TO BE MY READER, I WANT YOU TO BE MY LOVER

4 1 0
                                    

I DON'T WANT YOU TO BE MY READER, I WANT YOU TO BE MY LOVER

"Kuya, mag-update ka na ng story." someone commented. Napabuntonghinga ako at tamad na nireplyan ang nagcomment. Tinatamad lang naman talaga ako magsulat ngayon.

Ewan ko, these past few days parang hindi ko na kayang mag-isip ng mga plots. Kung may maisip man ay agad ko nang makalimutan. Hindi na ako naeexcite sa tuwing nagsusulat ako.

Nawawalan na ako ng gana.

The next day, nagcomment ulit siya sa story ko na matagal na. Same parin ang comment nito. Hanggang sa nasanay na ako na magcocomment siya sa mga past stories ko.

Then, nagulat ako nang pag-open ko sa account ko ay may message siya sa akin. 30 message yun. Binasa ko lahat yun and natuwa ako dahil sa message niya parang naglalabas siya ng ano ang mga nararamdaman niya sa story ko na nababasa niya. Gigil na gigil siya dahil bakit pa daw nandoon yung kabit.

And that's the time nong nagsimula kaming magchat.

Nagsusulat na ako ulit dahil sa sobrang kulit niya. Palagi siyang nagpadedicate sa akin ng story and kahit nga lame para sa akin ay nagustuhan niya daw.

"Kuya, may sinulat akong kanta. Gusto ko ikaw una makarinig dahil syempre story mo yung kinunan ko ng idea" sabi niya sa chat. I agreed. It's been a month since nagkaroon kami ng communication and simula non, siya nalang palagi nakakachat ako. Parang tinatamad na ako mag-entertain ng iba.

Nagsend siya ng vm at don, speechless ako. Ang ganda ng boses niya at tsaka ang ganda ng song na ginawa niya. Napalunok ako.

"Uy Ychan, ba't namumula pisngi mo?" napalingon ako sa katabi ko na may mapang-asar na ngiti na ngayon. Umiwas ako ng tingin at inoff ko yung cellphone ko.

"Mama, si Ychan, kinikilig!" pagsusumbong ng kapatid ko dahilan upang mapatayo ako at dumiretso sa c.r. Naghilamos ako tsaka ay tinignan ko ang mukha ko sa salamin.

Ayos pa ba ako? Bakit ganito?

Pumasok ako sa kwarto at inilock yun. Humiga ako sa kama tsaka ay iniplay ulot yung kanta na ginawa niya.

Napakaganda ng boses niya.

Napangiti ako ng ilang beses nong nagchat siya. Tinanong niya ako kung ayos lang ba. I told her it's very amazing at nagpasalamat naman siya.

That time was also the time na nagstart akong makipagcall sa kaniya, call lang hindi videocall. Hindi ako confident sa mukha ko.

Ang cute ng boses niya. Nagpapakanta lang ako sa kaniya palagi and super comfortable ako kapag kausap ko siya. Parang nakahanap na ako ng pahinga ko.

I always stalk her account beforewriting some stories and call her before going to sleep.

Day by day, I'm starting tohave feelings for her. I wrote poems about her.I wrote stories about her. And I hope she knew that it's always her.

Natatakot lang akong magconfess dahil yung last confession ko sa classmate ko, rejected. To be honest, I'm afraid of rejections but rejection is part of our lives. Without rejection, hindi natin malalaman ang mas worth it na bagay para satin.

"Ang weak mo pare, magconfess ka na" ani kaibigan ko. Nagpaadvice lang talaga ako sa kaniya. Mabuti nga't matino yung pinag-aadvice niya sakin ngayon. Yes, I'm a writer but sometimes, hindi ko maaapply sa sarili ko iyong mga lessons na nasa story ko.

"Just tell her how you feel. That's it" aniya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimula nang magtipa. Siguro idadaan ko nalang sa isang poem.

Pagkatapos ko namang isulat ay itinag ko siya and yep, posted!

Naglog-out ako ng ilang minuto at naging busy sa pakikipag-usap sa kaibigan ko.

"Tignan mo baka nagcomment na yun" aniya.

Nang mag-open ako ay agad kong tinignan ang comment section maraming nagsasanaol and kinabahan talaga ako sa mga sasabihin niya ngunit wala akong nakitang comment niya doon sa halip ay may message siya sa akin.

"Totoo ba yun?" tanong nito.

Hindi ko siya nireplyan at agad ko siyang tinawagan. Tahimik kaming dalawa hanggang sa in-open up niya iyon.

"I don't want you to be my reader, I want you to be my lover" sabi ko at napalunok.

"Ychan..." first time calling my name sa call. Napalunok ako, ang sarap pakinggan.

"Hmm? I can wait naman-"

"I'm sorry..." aniya. Napalunok naman ako at hindi makapagsalita. "I love your works but..."

"What is it?"

"I only love your works... Not you..." napalunok ako.

Bang, heartbreak.

Sabi ko naman na naintindihan ko siya.

Paulit-ulit siyang nanghingi ng sorry sa akin and palagi ko lang naman sasabihin na ayos lang. Masakit pero naintindihan ko.

I deleted my confession ngunit hindi ko dinelete yung iba kong sulat na siya naman palagi ang paksa. Simula non, hindi na kami palaging nagkachat. Parang iniiwasan na niya ako. Sa mga akda na sinusulat ko, siya palagi ang paksa.

Years had passed, I became a succesful author, marami na akong mga booksigning and until now, hinahanap ko parin ang presensiya niya.

Hanggang sa dumating ang araw na nagkarron ako ng booksigning doon sa lugar nila at hindi ko naman inexpect na makita ko siya roon.

I smiled while watching them. Kilalang-kilala ko siya dahil walang nagbago sa mukha niya.

She's pregnant and I bet yung lalaking kasama niya ay ang lalaking ama ng dinadala niyang anak.

Dala-dala ang libro ko, lumapit silang dalawa sa akin at nagpasign ng book.

"I'm so proud of you" aniya.

"Thank you!" aniya. Hindi kami nagkausap ng maayos dahil naiilang ako, kasama na niya ang asawa niya and marami pang tao na magpapasign sa akin.

I guess hindi lang talaga kami para sa isa't isa.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now