OS145: YOU'RE NOT FOR SALE

3 1 0
                                    

YOU'RE NOT FOR SALE

"Kylie, bigyan mo na ako ng apo," sabi ni papa kaya natawa ako. Iyan palagi ang hinihingi niya sa akin pati rin si mama. Apo, apo, apo. Iyan palagi ang maririnig ko.

They're growing old and I'm growing old, too. I'm now 28 years old. A successful teacher. Ako lang ang anak nila at gustong-gusto daw nila ng apo. Namomroblema pa ako sa mga lesson plans and mga grades ng students ko kaya wala akong time sa paghahanap ng jowa.

No boyfriend since birth. Ganiyan ako kaseryoso sa pag-aaral at hanggang sa ngayong teacher na ako, ganun parin. Walang nagbago. Pero naranasan ko din naman magkacrush pero karamihan sa mga nacrushan ko ay crush na iba, so auto uncrush. Natry ko naman din magconfess pero rejected. Ayos lang bata pa naman ako non, Grade 10 pa ata ako non.

"Go get yourself a boyfriend." my co-teacher said. I just smiled. I have no time for that. I'm busy with my teaching life.

"Iyan ang problema sayo e, pinapatay mo sarili sa pagtuturo. Pwede ka naman kasing lumandi habang nagtuturo." sabi niya at alam ko namang pabiro lang iyon. Sumang-ayon naman 'yong isang teacher dito sa faculty room. Napabuntonghinga ako.

What if I'll try?

Pero baka kasi hindi na ako makapagfocus sa pagtuturo ko lalo na ngayon na sa gitna ng pandemic. We experience a new normal learning system. Sa amin, online class at natatakot ako na once magkajowa ako, wala akong time sa pagtuturo. Tanga pa naman ako.

"Try lang naman, may irereto ako sa iyo." aniya pero tumanggi ako. Ayoko pa talaga. Gusto ko kapag magjowa ako ay iyong gusto ko talaga parang pinagtagpo ng tadhana ganoon. Kahit 50/50 na totoo iyon, 100% naman na naniniwala ako.

Then one night, while I'm preparing some quizzes for tomorrow's online class. O got a message from someone. Unknown number. Who's this?

Unknown number:

"Could you please calm yourself and wait for me?"

Iyan ang nakasulat. Nagtaka naman ako pero syempre di ko iyon nireplyan. I don't like mending people I don't even know.

Then, I received a message again. Binasa ko iyon and same number parin.

Unknown number:

"Reply or else I'll go there."

Ano bang problema ng taong ito? Who is this?

Dahil sa reply niya ay nagtitipa nalang ako ng irereply sa kaniya. Tinanong ko kung sino siya and kung saan niya nakuha ang number ko. Ilang minuto ang nakalipas ay nagreply siya.

Unknown number:

"Someone you don't know. Promise me, you'll wait for me."

Simula non, palagi na akong makakatanggap ng messages galing sa kaniya and tinanong ko naman ang co-teacher ko kung familiar ba sa kaniya yun number sabi niya naman ay hindi.

Sa online class, lutang aki palagi dahil sa kakaisip kung sino nga ba talaga ang palaging nagtetext sa akin. Yung mga students ko naman tuwang-tuwa dahil daw hindi na ako masyadong nagpapaactivity sa kanila.

Ayun, nadidisturbo na ang sistema ko. Hindi ko na alam paano magfocus sa pagtuturo ko dahil sa naba-bothered ako sa mga sweet text ng taong ito. And for sure, lalaki talaga ito.

Sa text niya, palagi niyang pinapaalala sa akin na kumain na ako, matulog ng maaga, yung vitamins ko, tas mag-alarm daw ako para maaga magising.

Aaminin ko, may konting kilig akong nararamdaman.

Sa tuwing pupunta ako sa paaralan para magpass ng forms sa principal, maaalala ko palagi yung isang text niya about sa sarili niya. Isa daw principal. Tinanong ko siya kung hint ba iyon, tas depende nalang daw sa akin kung isasali ko ba iyon sa hint.

What if isa lamang siya sa mga kasamahan kong teachers dito? Or principal? Ewan, pero imposible kapag principal kasi nga matanda na ang principal namin dito.

Hindi naman kami nagtatawagan dahil gusto niyang hulaan ko daw kung sino siya. Ewan, wala naman akong mamsyadong kaibigan na lalaki. Except sa mga kaibigan kong male teachers sa school.

May pinagduduhan na din ako. Baka kasi ibinigay ni Clarisse (yung nasabi sa akin na irereto niya ako) yung number ko sa iba.

One day, nagulat nalang ako nang may message siya sa akin. Malalaman ko na daw kung sino siya. May delivery daw akong matatanggap kaya maghintay daw ako sa labas ng bahay. Kahit hindi naman sigurado ay lumabas ako sa bahay at nagulat ako nang may isang malaking box na nandoon sa harap. Buksan ko na ba?

Akmang bubuksan ko na yung box nang bigla naman itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Halos hindi ako makapaniwala.

"Paanong-"

"Surprise!!" sigaw niya. Napakurap ako ng ilang beses nang makita ko siya. So all this time? Siya yung nakakausap ko? Napalunok ako.

"It's been awhile..." sabi niya at ngumiti. Hindi ko alam pero sa oras na ito ay tumitibok ng mabilis ang puso ko.

"Magsalita ka hoy" sabi niya. Natawa naman nsiya nang mas lalong lumaki ang mga mata ko.

Syempre nagulat ako sa presensiya siya.

Siya ang bestfriend ng lalaking nagustuhan ko noong grade 10, bestfrirnd siya ng lalaking nireject ako noong grade 10. Siya ay anak ng principal namin.

Nagkikita naman kami minsan sa paaralan dahil bumibisita siya sa papa niya pero hindi kami nagpapansinan.

His name is Levi.

"Saan mo nakuha number ko?" tanong ko.

"Ibinenta ka sakin ni Clarisse." natawa pa siya. Aba bwesit na babaeng yun. "Hey, hindi kita binili alam ko namang free ka."

"Hindi ako free, mahal ako" sabi ko.

"Mahal naman kita" aniya kaya napaiwas ako ng tingin. Bwesit, yung puso ko.

"I like you since then. Hindi mo lang napansin dahil focus na focus ka sa kaibigan kong gago. Ngayon nagsisisi siya kung bakit ka daw niya nireject noon, ewan ko kung bakit siya nagsisisi. Tsaka I realize that love isn't something you can win. It's not a competition. You're the winner of you're own love story." mahabang sabi niya tas ako nakatulala lang.

"Ah, okay?"

"I'm not for sale. I'm free. You're not for sale, you're free but let me buy you. Let me buy your love. I want to have that one. I love to buy your love." sabi nito sa akin. Hindi ako makapagreact.

Simula nong araw na iyon, magugulat nalang ako dahil binibisita na niya ako doon sa faculty room. Inaasar na ako ng ibang teacher dito dahil daw may police na naghihintay sa akin. Police kasi tong si Levi.

He courted me. Pinayagan ko.

Sinagot ko siya sa mismong birthday niya.

Kilala naman siya ng parents ko dahil nga isa siyang kilalang police and anak pa ng principal namin.

"Ma, nandito po si Levi" sabi ko.

"Oh, akala ko nakabuo na kayo ng bata. Gusto ko na ng apo" sabi ni mama. Nagkatinginan naman kami ni Levi at natawa. Napalingon ako kay mama at papa at halos mangilabot ako nong bumulong si Levi sa akin. "Tara gawa tayo?"

Hinampas ko siya.

"Kasal muna hoy"

"Okay alright, alright."

Years had passed, akala ko maghihiwalay kami dahil sa mga away away namin pero mas lalo pang tumatag ang aming pagmamahalan. Naikasal na kami at may anak na kaming babae.

Sa wakas, nabigyan ko na din ng apo sila mama at papa.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now