OS138: THE ABANDONED HOUSE

1 1 0
                                    

THE ABANDONED HOUSE

"Will you live inside an abandoned house? Will you face the things you'll discover? Will you face your fears or will you die in fear?"

-

"Jerick, Let's break up." I said. Tumango lang naman siya dahil sa tingin ko ay wala naman talaga siyang pakialam sa akin. Nasasaktan ako syempre isang taon na kami at parang ako lang yung palaging nag-eeffort sa aming dalawa.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo?" tanong niya sa akin kaya napailing ako. May isa pa.

"Aalis na kami, lilipat na kami ng bahay" I said. Tumango lang naman siya. Wala talaga siyang pakialam sa akin, halatang-halata sa mukha niya. Kaya din ako nakipagbreak dahil ayokong mas lalo pa akong masaktan.

Lilipat lang naman kami dahil sa pinapalayas na kami ng may-ari ng bahay na iyon. Nakikitira lang naman kasi kami doon pero di ko alam kung bakit kami pinalayas.

Then, that's what happened.

Umuwi na ako sa bahay at nakita ko doon si daddy, mommy at yung dalawa kong kapatid na naghihintay na sa akin. Nanghingi lang naman kasi ako ng kaunting oras para puntahan si Jerick. "Nak, nagkausap na ba kayo?" tanong ni daddy tumango na ako at inaya na silang aalis na.

Habang nasa kotse ako ay di ko maiwasang umiyak. Hinayaan lang naman nila ako dahil sa alam naman nila kung ano ang nangyari. Sinabi ko sa kanila.

Habang umiiyak ako ay may naramdaman akong haplos sa buhok ko kaya lumingon ako sa kapatid ko. Tulog naman ang dalawa. Sino yung humaplos?

"Yanna, ayos ka lang?" tanong ni mommy. Napansin siguro niya ang paghinto ko sa pag-iyak and pagtataka sa mukha ko kung bakit may parang humaplos sa buhok ko.

Ilang oras ang nakalipas ay nahinto kami sa isang bahay na nasa gitna ng gubat. Maganda ang bahay. Malaki ang bahay na iyon at sa tingin ko ay magugustuhan ko ito dahil tahimik lang dito.

Ayoko ng maingay na lugar.

Sa bahay na iyon ay may nakita akong isang babae na nakaupo sa isang rocking chair. Mahaba ang kaniyang buhok at nakabestida siyang puti. Nakatingin siya sa akin at ngumiti siya. Medyo creepy ngunit ngumiti nalang din ako sa kaniya.

"Nakangiti ka diyan ate, nagustuhan mo yung bahay?" napalingon naman ako sa kapatid ko. Tumango lang ako at sasabihin sana na may ngumiti sa akin na babae pero paglingon ko sa rocking chair ay walang tao. Nagtataka ako, nasaan kaya yun?

"Oh sige na, lumabas na kayo. Kailangan na nating pumasok sa bahay" sabi ni daddy.

Pagkalabas ko ay inilibot ko ang paningin. Hindi naman sa natatakot ako pero pagtingin ko sa second floor ng bahay ay may nakita akong isang dumaan na babae sa bintana. Kulot ang buhok nito at nakapulang damit ito.

"Mom, did you see that?" tanong ko sabay turo sa may bintana pero base sa reaksiyon ni mommy parang wala siyang nakita. I swear, babae iyong nakita ko.

Pagkapasok namin sa bahay. Malinis ang bahay pero may naamoy akong di ko maintindihan. Dugo?

Something's wrong with this house. "Ate Yanna, ang panget mo" nabalik ako sa katinuan ko nung sinabi iyon ng kapatid kong lalaki na si Jake, yung isa ay babae si Amber. Si Amber yung bunso at si Jake yung panggitna. Ako naman ang panganay.

"Pumili na kayo ng kwarto n'yo"

Pinili ko yung kwarto na nasa second floor. I mean nasa second floor naman lahat ng kwarto pero pinili ko yung nasa gitna. Yung nakaharap talaga sa hagdanan. Ganito din kasi yung kwarto ko noon sa bahay namin.

Sa kwarto na iyon, simple lang. May kama at may may kabinet naman doon. Kailangan ko lang talagang linisin itong kwarto para mapaganda ko ito.

Habang ina-arrange ko yung gamit ko, may narinig akong footsteps sa likuran ko kaya ay lumingon ako pero walang tao. Nagpatuloy lang ako sa pag-aarrange ngunit nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay walang tao.

One-Shot Stories [Collection]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon