OS26: UNTITLED

10 1 0
                                    

We are lovers.

I am a writer and he's an actor. I write stories for their upcoming movie. He asked me, "Love, kung sakaling mainlove ako sa iba, ano ang gagawin mo?" hindi ako nagsalita at nakikibit balikat nalang. Bumuntonghinga siya at tinawag ako. "Love?"

Sino bang matinong lalaki ang magtatanong sa girlfriend nila ng ganun? Harap-harapan. Akala niya siguro hindi ako nasaktan.

"Kung masaya ka naman, di kita pipigilan at susuportahan kita" sabi ko at binalik ang atensyon sa istoryang magiging pelikula nila.

"Hindi mo ako pipigilan? Bakit?" tanong niya.

"Kasiyahan mo e, may karapatan pa ba akong pigilan ka kapag nalaman kong may mahal ka ng iba?" sabi ko at tumitig siya sa akin, parang nasasaktan siya sa sinabi ko.

"Ako kasi, kapag ikaw magmahal ng iba, gagawin ko lahat para maibalik ang pagmamahal mo sa akin." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Yumuko siya at hinalikan ang pisngi ko dahil mas matangkad naman siya kesa sakin. "I'll be right back, shooting na kami. I love you!" sabi niya.

Napatulala ako, totoo ba Brix? Totoo bang gagawin mo lahat? Bakit nakikita ko sa mga mata mo na iba na ang nararamdaman mo sa babaeng ka loveteam mo? Napalingon ako sa kanilang dalawa. Masaya silang nag-uusap habang hinihintay nilang maset ang mga camera. Napabuntonghinga ako. Sakit sa puso.

"Are you okay?" may biglang nagsalita sa tabi ko. Nilingon ko ito at tipid na ngumiti. Si Mike, isa sa mga actor sa pelikula, I mean ang second lead sa movie na gagawin. Wala pa sya sa scene na gagawin ngayon at minsan ay nag-uusap naman kami. Palagi niya akong tinatanong kung bakit daw second lead daw siya eh mas gwapo naman daw siya kay Brix.

"Nag-away na naman kayo ni Brix?" tanong niya. Umiling lang ako. Minsan din kasi ay naririnig niya kaming nag-aaway ni Brix. Akala niya kasi noon, magkapatid kami tapos noong nalaman nilang magjowa kami, halos hindi sila makareact lahat. Akala ko paghihiwalayin nila kami pero sinabihan lang niya kaming huwag ipaannounce sa lahat at sa kasama lang sa paggawa nitong movie. Kahit nga si Direk napailing-iling lang din sa amin ni Brix. Naalala ko pa nga ang sinabi niya sakin bago namin inanunsyo na kami ni Brix.

"Rieann, are you okay with their kissing scene?" tanong niya habang nanonood kami ng kissing scene sa movie na gawa nila. Napalunok ako pero dahil ayokong maging kontrabida ay ngumiti ako at tumango.

"Ayos lang po, nakakakilig" but deep inside napakasakit. Ganito ba talaga kasakit kapag jowa mk ay isang artista? Tahimik ka lang kapag may mga scene na napakasakit ng panoorin at magkukunwaring susuportahan at kinikilig sa kanila.

"Rieann" nabalik ang katinuan ko nang muli akong tinawag ni Mike sa gilid. Nagulat pa nga ako nang nilagay niya ang kamay niya sa noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat pero bakit namumutla ka?" umiling ako at ngumiti sa kanya. "Okay lang ako"

"Sigurado ka ba?" tanong niya. Napalingon naman ako sa direksiyon nila Brix. Seryoso siyang nakatingin sa amin ni
Mike. Wala akong ginawa, pero bakit galit siya? Masaya naman siguro siyang kasama niya yang babaeng kaloveteam niya.

"Got to go, ang sama ng tingin ng boyfriend mo" tinapik ni Mike ang balikat ko at ako naman ay bumalik na sa pagsusulat ng istorya para sa susunod na pelikula nila Brix, next year pa naman 'to pero kapag talaga writer ka, you need more time to write your story at para naman maedit mo yung mga scenes na sa tingin mo ay cringe. Napabuntonghinga ako. Narinig ko ang mga yapak ng paa papunta sa harap ko. Si Brix.

"Close na pala kayo ni Mike?" tanong niya. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na sa pagsusulat. "Love" lumingon ako sa kanya. Nakakunot na ang noo niya sa akin. "Nag-uusap lang kami pero di kami masyadong close" sabi ko. Tumitig lang siya sa mga mata ko. Tumango siya at nagpaalam na dahil tinawag na sila ng direktor.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now