OS19: I WON THE GAME

13 1 0
                                    

I WON THE GAME

"Kapag natalo ko si Shanice, break up with her" matapang na sabi ko sa bestfriend ko. Alam kong labag sa kanya ang sinabi ko. Kilalang kilala ko ang bestfriend ko.

"Go, alam kong imposibleng matatalo mo siya, my girlfriend is the BEST when it comes to badminton" he said and them smiled. Hindi ko alam kung may ideya ba siya sa plano ko basta hindi ako susuko kailangan siyang mapunta sakin. Desperada na kung desperada, gusto ko siya.

Magsasalita pa sana ako nong makita ko siyang nakangiti na habang nakatingin sa may likuran ko. Iniwan niya ako ditong nakatayo. Lumingon ako kung sino ang nilapitan niya.

His girlfriend. Shanice.

"Babe, galingan mo ah?" sabi ng bestfriend ko at ngumiti naman sa kanya ang girlfriend niyang unggoy.

I can't help it but judge her. I don't like her for my bestfriend. Ako lang kasi ang para sa kanya.

Nagsisimula na ang game.

Sa first game, lamang ako kaya nangingiti na ako dito. Hinanap ng mga mata ko ang bestfriend ko at nakita ko siyang nakatitig sa girlfriend niya habang nakangiti at nakita ko pa yung banner na hawak niya.

'Go, ShaniBabe'

Kumirot ang puso ko. Bakit wala sakin

Second game na at kinabahan na ako dahil nangunguna na siya. Hanggang sa matapos na ang second game. Lamang siya. Grabeng cheer si bestfriend sa girlfriend niya. Bakit ako walang cheer galing sa iyo.

Third game na.

Nangunguna na ako, makikipagbreak na siya sa kay Shanice.

And boom I gave her my stronget Spike hindi niya naabot kaya nadapa siya.

Nanalo ako yes, nanalo ako!

Nakangiti akong lalapit na sana sa bestfriend ko ngunit natigilan ako. Dali-dali siyanglumapit kay Shanice at tinukungan niya itong makatayo. Nakita kong may sugat siya sa tuhod. Dali dali naman niyang sinamahan ito sa clinic.

Bakit ganun? Ako yung nanalo ngunit para ako yung talo?

Alam niyo yung feeling na ganun?

Bigla nalang nagbeep ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon.

From: Baliw kong Bestfriend.

Congratulations, but sorry I can't break up with her, I know what you're planning, sorry but i love her more than you.

Bigla nalang tumulo ang luha ko.

Yes, I may won the game but I will never win his heart.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now