OS132: HE FELT SORRY FOR MARRYING ME

4 1 0
                                    

HE FELT SORRY FOR MARRYING ME

1992, Ako ay labing-anim na taong gulang.

Usong-uso ang harana sa panahon namin noon ngunit wala akong alam sa mga ganon. Palagi lamang akong nasa bahay kasama ang apat kong kapatid ang ang mga magulang ko.

Hindi ko pa naranasan ang may magharana sa akin dahil sa una palang ay hindi naman ako kahanga-hangang babae. Yung mga damit ko may mga butas pa at nakatira pa kami sa isang maliit na kubo.

Hindi ko naman alam na yung kaibigan ng aking ina, nirereto ako sa isang lalaking hindi ko kilala. Nalaman ko lang nang sinabi sa akin ni mama na may paparating daw na lalaki dito sa amin. Ako daw ang hahanapin non.

Ayun nga sa aming maliit na kubo, may biglang kumatok kaya pinagbuksan ko at nahiya pa nga ako dahil sa itsura at kasuotan pa lang niya ay halatang mayaman niya. Napatingin naman ako sa suot ko. May butas ang pantalon ko.

Akala ko siya lang mag-isa ngunit may kasama pa pala siyang isa. Kapatid niya.

"Magandang umaga, binibini." aniya. Pilit akong ngumiti at pinapasok sila sa maliit naming kubo. Tinutukso na agad kami ng aking mga kapatid kesyo daw bagay daw kami.

Hindi kami bagay. Mayaman siya, mahirap ako.

Nakatitig lamang ako sa kaniya nang nagpakilala na siya. "Pangalan ko ay Nestor at ang pangalan ng aking kapatid ay Alfredo, lpuwede bang malaman ang iyong pangalan, binibini?" tanong niya sa akin. Hindi agad nagproseso sa utak ko ang tanong niya hanggang sa siniko ako ng bahagya ng aking kapatid na babae. "Gregoria ang aking pangalan, ginoo."

"Napakagandang pangalan naman iyan."

Marami kaming napag-usapan sa araw na iyon. Kahit nahihiya ako ay kinakausap ko parin sila dahil nga bisita ko silang dalawa. Nagulat pa nga ako dahil sa totoong pakay nila sa akin.

Manliligaw ko pala iyong si Nestor na galing sa siyudad. Ibig sabihin bumyahe siya galing siyudad papunta dito sa probinsya? Seryoso ba siya sa desisyon niyang ligawan ako?

"Desididong-desido akong ligawan ka binibinig Gregoria. Base lamang sa narinig ko sa aking tiyahin, ako'y nagkagusto na sa iyo." ani Nestor. Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi niya. Itinikom ko lamang ang bibig ko hanggang sa napag-isipan na nilang umuwi.

"Ako'y magpapadala ng sulat sa iyo araw-araw. Ipapangako ko sa iyo iyan. Sana ay sagutin mo na ako." aniya. Ngumiti lamang ako ng bahagya at hinatid sila papalabas ng bahay. Pagkaalis na nila ay agad akong tinutukso ng aking mga kapatid.

Iyon nga sa mga sumusunod na araw, palagi naman akong nakatanggap ng sulat galing sa kaniya. Imbis na ako yung kikiligin, mas kinilig pa yung mga kapatid ko. Pinapadalhan ko din siya ng sulat bilang paggalang sa kaniya. Nagdadalawang isip pa akong sagutin siya.

"Anak, sagutin mo na si Nestor. Siya ang makaahon sa atin sa kahirapan" sabi ni mama. Umiling ako. Hindi ako ganoong tao. Sasagutin ko naman iyon hindi sa pera, kundi dahil gusto ko na siya.

Huling sulat na natanggap ko galing kay Nestor ay nanghihingi na ng kasagutan. Sa araw na iyon ay ang ika-labing pitong kaarawan ko. Sinagot ko siya.

Kahit matagal kaming hindi nagkikita dahil nga malayo ang siyudad dito sa probinsiya. Hindi parin hadlang iyon dahil nagpapadala parin naman kami ng sulat sa isa't isa.

Nang tumuntong na ako sa edad na labing-walo, hiningi na niya ang kamay ko para sa kasal. Sinagot ko naman iyon. Nagpakasal ako sa kaniya.

Masaya, sobrang saya. Nararamdaman ko sa kaniya ang mga bagay na bago lamang sa akin. Kami ay mag-asawa na at pakiramdam ko ay parang magjowa pa lang kami.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now