OS161: I MET AN ALIEN NAMED ALLEN

4 1 0
                                    

I MET AN ALIEN NAMED ALLEN

I love aliens. I'm interested about them. Marami nga akong stuff toys na aliens. Marami ngang na-we-weirduhan sa akin. Sabi nila dapat raw na mabaliw ako sa mga girly stuffs and hindi sa mga aliens. Well, tulad nga ng sinabi ko, I'm interested about them.

One night, nasa loob lang ako ng kwarto ko, nagbabasa lang ako ng mga story and comics about aliens. May bigla namang kumatok sa pinto at nagsalita si mama. "Snow, kain na tayo" aniya. Dala ko ang aking cellphone, lumabas ako ng kwarto at pumunta na sa dining area.

Pinagalitan nga ako ni mama dahil busy parin ako sa pagbabasa kahit kumakain na ako. "Kainin mo nalang kaya yung cellphone mo" aniya. Hindi nalang ako nagsalita at in-off nalang ang cellphone.

"Tumigil ka sa pagka-obsess mo sa mga alien baka kapag nagkaanak ka na, mukhang alien ang anak mo" sabi papa. Hindi ako nakinig. Ayaw nila sa mga aliens. Hindi ko naman sila pinilit na gustuhin nila iyon.

Pagkatapos kong kumain ay pumasok ulit ako sa kwarto ko at napahinto bigla nang sa may bintana ay may napansin akong isang liwanag na sobrang nakakasilaw.

Dahan-dahan akong lumapit doon at nagulat ako nang hinigop ako ng liwanag na iyon. Malamig ang hangin ngunit mainit ang liwanag. Narinig ko ang pagtawag ni mama sa akin na ipapahugas ang mga plato ngunit kahit gusto kong bumalik sa bahay ay hindi ko makokontrol ang sarili ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa narinig ang kakaibang boses na hindi ko naman maintindihan. I opened my eyes and napabangon ako bigla nang sumalubong sa akin ang kakaibang mukha.

"Aru haru eru?" tanong nito sa akin at hindj ko naman maintindihan. Napatitig ako sa kaniya at halos mamangha ako dahil may kaharap na akong isang alien.

"Eru po go?" tanong niya. Wala akong maintindihan. Hindi ganito ang alam kong language ng alien.

Inilibot ko ang paningin ko ngunit walang ibang alien dito siya lang. Napalunok ako at dahan-dahang itinaas ang kamay ko para sana hawakan ang mukha niya nang bigla siyang lumayo. I bet aliens don't have a specifuc gender but the way siya kikilos ay parang lalaki ito.

He crossed his sticky arms with two fingers while his two big eyes became green and his mouth rounded.

"No, no." aniya kaya ibinaba ko ang kamay ko at napangiti. Amazing! Bumalik sa pagkaitim ang mata niya tsaka ay dahan-dahan na napalapit sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka ay umiikot-ikot siya sa akin.

"Taru eru" aniya. Natawa naman ako sa boses niya. Tumayo ako kaya ay napalayo siya bigla. Tumingin siya sa akin tsaka tinuro ang sarili niya at sarili ko tsaka ay umiling siya. Nalito naman ako. Sinenyasan niya ako na sundan siya kaya iyon ang ginawa ko hanggang sa narating namin ang isang unit kung saan maraming mga technologies doon. Namangha naman ako.

Sanaol alien may ganun.

Itinuro niya yung isang monitor tsaka nagsalita siya. Tinignan ko yung monitor at bigla naman iyong nagtransalate.

"What's your name?" napangiti naman ako. I cleared my throat and answered him. "Snow." I said. Nagsalita naman siya tsaka ay binasa ko naman iyon.

"I'm Allen" pagkabasa nito. Wow, pati rin pala aliens may pangalan.

Marami kaming napag-usapan rito gamit lamang ang monitor.

"Keru shunshun enu ymio teng reng fi to" sabi niya at binasa ko naman sa monitor.

'Don't touch me, something might happen to you' aniya. Hindi ko naman tinanong sa kaniya kung ano pero napatango naman ako. I respect him

Tinanong pa nga niya ako kung gutom na ba ako dahil nga tumunog ang tiyan ko. Hindi ko rin naman alam kung paano niya nalaman na gutom na pag ganun dahil ibang iba ang research ko about aliens.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now