OS18: UNTITLED

9 1 0
                                    

I saw her staring at a man who's talking to a girl. She sighed. She walked away so I followed her. She went to a wishing well and a coin with her.

“cupid, shot your arrow to that man kapag magkita kami” she wished. Or should I say she asked for my help I nodded kahit hindi naman niya ako makikita.

Namamana ako ng puso ng mga tao nang makita ko siyang nakaupo at nakatulala sa lilim ng puno. I just looked at her pouting her lips. She's cute.

“Bobo nga ko, naniwala pa ako sa pana ni kupido” sabi niya. Napangiti lang ako habang nakatingin sa kanya.

hey, I'm always here.

she cried pero di ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi naman niya ako makikita. Napangiti ako nang tumulo ang luha niya kasabay non ang pagtulo ng sipon niya.

“Sipon, wag wag tumulo baka pagsabihan akong may COVID ako” umiiyak parin siya.

Nang mahimashimasan na siya ay tumayo ay ay sumimangot “maghanap nalang ako ng bagong crush” at lumakad siya palayo. Nakangiti akong tinitigan siya.

Umuwi ako sa kinaroroonan ko at nakita ko doon si ina masamang nakatingin sa akin. “Napapadalas ang pagpunta mo sa mundo ng mga tao” aniya. Yumuko ako at nag-isip ng irarason sa kanya.

“Naghahanap lang ng mga tao na pareho ang nararamdaman sa isa't isa, mahal na ina”

Tumango siya at tinitigan ako. Tinitigan ko rin siya pero nagtaka ako kung bakit siya ngumiti. “Ngunit nakikita ko sa iyong mata na ika'y sumusunod sa isang babae” napalunok ako sa sinabi ni ina at hindi nakapagsalita.

“Magbibigay kamalasan ang babaeng iyon sa buhay mo kapag magsisimula kang mahalin siya”

“Hindi ko siya mahal, ina”

“Pero nakikita ko kung paano ka tumitig sa babaeng iyon at nararamdaman ko ang pagtibok ng puso mo sa kanya”

Napalunok ako, ganoon pala ang pagmamahal? “Huwag ka ng bumalik sa mundo ng mga tao.” huling sinabi ni ina at bigla siyang nawala. Pumasok ako sa kwarto ko napatingin sa mundo ng mga tao. Hindi na ba talaga ako babalik diyan?

Sa mga sumunod na araw, plano kong bumalik sa mundo ng mga tao ngunit nagulat ako dahil nawala na ang portal kung saan kami pwedeng makapunta doon.

“Pinasara ko” tumingin ako sa likuran ko, si ina. Nakaramdam ako ng galit kay ina bakit niya ginawa yun? May mga tao pa akong dapat gawing magkasintahan at syempre para makita ang babaeng iyon.

Hindi ko alam ang pangalan niya tanging babae lang ang itawag ko sa kanya.

“Kaya ko iyong buksan” sabi ko. Kumuha ako ng pana at at susugatan sana ang palapulsuhan ko nang bigla itong naputol.

Pinutol ito ni ina gamit ang kanyang kapangyarihan. Hindi  na ako magtaka, dahil siya si Venus.

Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik na sa kwarto ko. Naging mahina ako sa mga sumusunod na araw. Hindi ko alam kung bakit. Nag-alala si ina at mabuti nalang na nandito sa palagi sa tabi ko.

Isang araw may dumating na isang diyos na makakatulong sa kalagayan ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang ulo ko. “Ikaw ba'y umiibig sa isang tao?” hindi ako agad makasagot dahil hindi naman ako sigurado ko mahal ko siya.

“Psyche.” sabi niya.

“Ano po?”

“Psyche ang pangalan niya”

Napalunok ako at kumabog ng malakas ang puso ko. Unang pagkarinig ko sa pangalang iyon, sigurado akong siya na yun.

“Tigilan mo ang nararamdaman mo para sa kanya” umiling ako. “Mas lalo akong manghihina kapag titigilan ko” napatitig siya sa akin”

“You are a god, a god of love”

“I know”

“Pero di ibig sabihin non ay pwede ka ng umibig lalo na sa isang tao” naiinis ako sa sinabi niya. Bakit bawal, bakit?

“Hindi totoo yan”

“Ikaw ang nagsisilbing daan para umibig ang tao sa isang tao, hindi ka pwedeng magmahal dahil daan ka lang ng pag-iibigan” parang ilang ulit sinaksak ng kutsilyo ang puso ko. Daan lang?

“Mawawala ka kapag ipagpatuloy mo ang nararamdaman mo, at posibleng mamamatay din ang taong iniibig mo” sabi niya at bigla ng nawala.

Ilang araw akong nag-isip-isip hanggang sa naisipan ko ang desisyon na masakit para sa akin.

Papanain ko ang puso ng lalaking iniibig niya kapag nagkita silang dalawa

“Ina, babalik ako sa mundo ng mga tao”

“At ano ang gagawin mo don?”

“Hindi ko man kayang sabihin sayo ina, nanghihingi ako ng pahintulot na papayagan mo ako dahil ito na ang huli kong pagbaba sa mundo ng mga tao.” sabi ko tumango si ina at gamit ang kapangyarihan niya ay binuksan niya ang portal.

14th day of February.

The so called valentine's day.

Agad hinanap sa mga mata ko si Psyche at agad ko naman siyang nakita sa lilim ng puno kung saan ko siya nakitang umiiyak. Mas mabuting kalimutan ang nararamdaman ko at makita ka sa malayo kaysa mamamatay ka at hindi na muling makita. Bumuntong hinga ako.

Agad bumuhos ang malakas na ulan at saktong lumapit ang lalaking matagal na niyang gusto agad akong humarap sa lalaking iyon. Buti nalang ay hindi nila ako makikita. Kumuha ako ng pana at sa huling pagkakataon. Sinaksak ko ito sa may bandang puso niya.

Nakita ko ang pag-alala ng lalaki nang makita niya si Psyche at nasaksihan ko pa ang masakit na pag-uusap ng dalawa para sa akin.

“Sinong nagsabing di kita magugustuhan? Fvck, Psyche I'm inlove with you so stop crying” the man said.

I'm inlove with her, too. So please take care of her.

Goodbye Psyche, your wish is granted.

—END—

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now