OS65: SHE WANTS TO MARRY ME BUT I DISAGREED

7 1 0
                                    

SHE WANTS TO MARRY ME BUT I DISAGREED

"Sama ka sa 'kin babe?" tanong ko sa kanya. Umirap siya at umiling sa akin. Ang sungit ng babaeng 'to. Tinanong ko lang namann kung sasama ba siya sa basketball court, syempre maglalaro ako at gusto ko siyang makita doon pero wala e, ayaw sumama.

"Kapag gusto mong manuod sa laro namin, punta ka lang doon sa court." tumango siya at in-on ang TV. Meron ba siya? Ewan? Bakit ang init ng dugo niya ngayon? May nagawa ba akong kasalanan?

Hinalikan ko siya bago ako umalis. Hindi man lang niya ako hinalikan, tampo ako.

Just kidding.

Nang nasa court na ako, nakita ko kaagad ang barkada ko doon. Kumaway ako sa kanila.

"Oh pre, hindi sumama si misis?" ayon nang-aasar na naman.

"Awit, misis soon pa" sabi ko at ngumiti, gago inaasar na ako bwiset 'to.

Nagpaplano akong pakasalan siya. I mean, syempre magpopropose muna ako kaso nag-iipon pa. Bibili pa ako ng singsing tapos makipag-usap pa ako sa mama at papa niya.

"Tulala ka nalang ba dyan o maglalaro tayo?"

"Iba talaga pag may jowa, nababaliw kaya ayokonh magjowa e," ani tropa ko kaya binatukan ko na. No girlfriend since birth siya tapos gayfriend lang daw. Stick daw siya sa 150. Gago.

Naging maayos naman ang laro namin kahit talo kami, wala kasi yung inspirasyon ko. Oh nagagago na ako no?

Pag-uwi ko sa condo namin, nakita ko yung jowa ko nanonood parin ng anime kaya hinayaan ko nalang. Pumunta ako sa kusina upang magluto kasi nakaschedule sa akin ngayon ang pagluto tapis sa kanya paghuhugas ng pinggan pero alam ko namang ako na naman ang maghuhugas tamad yan e pero mahal ko parin.

"Babe kain na tayo" ani ko. Tumayo naman siya at lumapit sa lamesa. Nakangiti na siya habang kumakain kaya masaya na ako. Bigla naman akong nabilaukan sa sinabi niya sa akin.

"Pakasal na tayo sa Japan"

Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot.

"Bakit sa Japan kung pwede naman dyan lang sa simbahan?" sumimangot siya at inirapan ako. Napabuntonghinga naman ako dahil nagtatampo na naman siya.

Lumipad ang mga araw palagi akong nakatanggap ng irap galing sa kanya. At ako naman palagi siyang sinusuyo, bakit ba kasi napakatoyoin ng babaeng 'to?

Nakapag-usap na din kami ng parents niya at sobrang saya nila dahil daw sa sobrang tagal na namin buti daw naisipan kong magpropose sa kanya.

Dumating ang araw na kailangan ko ng magpopropose, nakahanda na ang lahat sa condo namin. Wala siya ngayon dahil nasa trabaho tapos nakipag-usap din ako sa bestfriend niya na huwag muna siyang papauwiin kung hindi pa ako tatawag sa bestfriend niya.

Tatawag na sana ako kaso naunahan niya akong tinawagan.

"Mark, punta ka dito dali" nagmamadaling sabi ni Clarissa, bestfriend ni Jona na girlfriend ko. Kinakabahan ako. Bakit may nangyari bang masama?

Itinext naman niya ang lokasyon kung nasaan sila. Nandito na agad ako. Sa isang bar? Anong ginawa nila sa loob ng bar? Pumasok agad ako at buti nalang nakita ko sila agad. Si Jona, sobrang lasing paano pa ako makapagpropose nito?

Agad ko naman siyang kinarga bridal style.

"Sino ka?" sabi niya. Hindi ako nagsalita. "Tutal di naman kita kilala may sasabihin ako" aniya at natawa naman ako. Napakakyut. "Kilala mo si Gerald?" tanong niya pero di ako sumagot, si Clarissa naman nauna na sa labas para ihanda yung sasakyan niya.

"Hindi mo siya kilala? Ako kilala ko" sabi pa niya. Hindi ko siya pinansin at pumasok na kami sa loob ng kotse. "Mahal na mahal ko yun e"

Hindi parin ako nagsalita at nakikinig lang sa kanya. Di ko naman alam ang pinagsasabi niya baka si Gerald Anderson lang yan. Tumingin naman sa akin si Clarissa at ngumiti pero parang kinakabahan siya.

Hanggang sa pagdating namin sa bahay, nakahanda na ang lahat pero sabi ko wag na muna bukas nalang ako magpopropose. Kaso nagulat ako dahil binasa naman ni Jona ang nakasulat sa harapan.

"Will you marry me? Gago, si Gerald ang gusto kong pakasalan." sabi niya. Nagtaka naman ang lahat kaya ngumiti lang ako sa kanila. "Sino si Gerald?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sabay sabing "Yung ex ko"

Parang tinusok ng isang libong kutsilyo ang puso ko.

Agad naman siyang kinuha ni Clarissa sa akin at dinala sa kwaryo niya. Pinigilan kong huwag umiyak habang tinitigan ang lahat ng mga taong nasa condo namin.

Nanghingi ako ng patawad sa kanila at ayon ayos lang naman daw at umuwi na sila.

Pagsapit ng umaga, wala ako sa mood, iniwan ko si Jona sa condo at nagjogging muna ako ng ilang minuto. Pagkauwi ko sa bahay nakita ko naman siya nanonood ng anime. "Good morning" sabi ko. Lumingon siya sa akin at tumango. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa kaya naupo na ako at nagsimulang kumain. Lumapit naman siya at nagsimula na ding kumain at parang natawa naman ako sa biglaang sambit niya.

"Pakasal na tayo, dito nalang sa simbahan, ayoko na sa Japan,"

I smirked. "Ayoko." sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. "Bakit? Okay naman tayo diba?" sabi niya.

"I don't wanna marry a girl who still loves their ex." sabi ko at tinapis na ang aking pagkain. Natulala siya. Yes mahal ko siya pero di ko naman siya mapipilit kung mahal niya pa talaga yung ex niya.

Hindi na kami katulad ng dati, hindi ko na nararamdaman na mahal niya ako kaya nakipaghiwalay ako. Lumipas ang mga taon, masaya akong nakatingin sa kanya habang suot ang kanyang pangkasal na bestida. Tumingin siya sa akin at ngumiti sabi niya "Thank you"

Tumango ako. My girl is now officially married with Gerald. Nagkabalikan sila. And I am here still loving her pero hindi ko madidiktahan ang puso niya. Kung saan siya masaya, susuportahan ko siya.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now