OS17: UNTITLED

8 1 0
                                    

“Fairies are real.” sabi ko at agad namang umirap ang mga kaklase ko, yung iba naman ay tumatawa lang. Sumimangot ako at kamuntikan ng umiyak kung di lang pumasok ang guro namin sa room.

Nagsimula na ang discussion ni ma'am pero yung iba ay natatawang nakatingin sa akin. Ayaw naman kasi nilang maniwala kahit naman nagsasabi ako ng totoo.

“Class dismissed”

Kinuha ko ang bag ko at dumiretso na ako sa bahay. Nagbihis ako ng black pajama at black oversized t-shirt na may print na 'eve' tsaka pumunta sa likuran ng bahay namin kung saan nandon ang maliit naming bakuran. Iba't ibang bulaklak ang nakatanim dito. Mahilig magtanim si mama at papa pero ewan ko kung bakit hindi ako mahilig.

Umupo ako sa duyan at tulala lang na nakatingin sa kawalan. My name is Rose, a grade 6 student. Mahilig akong magbasa ng mga fantasy stories pero di ko naman akalain na ang isa sa mga paborito kong creature ay totoo pala.

“Pinaghihintay ba kita?” maliit na boses ang narinig ko sa ibabaw ng ulo ko. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko siya. My fairy friend.

“Felix...” nakangiti kong ani. Ngumiti siya. Inilahad ko ang aking kamay at doon siya umupo. “Bakit ayaw nila maniwala?” sabi ko. Tumagilid ang maliit niyang ulo habang nakatingin sa akin.

“Hindi naman kailangang marami ang maniwala. Sapat ka na” aniya. Ngumiti lang ako. Lumipad siya at humalik sa pisngi ko at niyakap yun. Ngumiti ako. He never failed to make me smile.

“Pwede bang maging  tao ang fairies?” sabi ko. Lumipad ulit siya at umupo sa kamay ko. “Yes.” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Pwede ka bang maging tao nalang?

“Pero magiging mahirap para sa amin kapag maging tao kami.” malungkot na sabi niya kaya nagtataka ako. Bakit kayo mahihirapan? Mawawala ba ang powers nila kapag naging tao sila tulad ng mga nababasa ko?

“If you're thinking about our powers, oo mawawala yun at tsaka m-ma—”

“Rose! Kumain na tayo!” tawag ni mama kaya hindi natapos ni Felix ang kanyang sasabihin. He sighed and looke at me. “Kumain ka na” tumango ako. Lumipad naman siya at umuwi na sa kanila. Nakatira siya sa isang Rose. Isang napakapulang rosas. Bago siya tuluyang pumasok ay lumingon siya sa akin at kinawayan ako. Ngumiti ako at kinawayan din siya.

Pumasok na ako sa bahay at nakita kong nakahanda na lahat ng pagkain don. Masaya akong umupo sa upuan ko at nagsimula ng kumain.

“Kumusta ang pag-aaral mo dito?” tanong ni mama. Ngumiti ako at nagthumbs up. Ngumiti naman si mama at si papa.

Si mama at papa, suportado sa lahat ng gagawin ko. Nag-iisa lang akong anak kaya gagawin at ibibigay daw nila lahat ang gusto ko pero yung presensya lang nila ay sapat na sakin. And yes of course, Felix.

Tuwing uuwi ako sa bahay ay palagi akong dumiretso sa bakuran namin at palagi kaming mag-uusap ni Felix tungkol sa mga bagay-bagay. Minsan nga ay ginagamit niya ang powers niya para lang mapangiti ako. Minsan din ay nakatitig lang siya sa akin habang ako ay tawa ng tawa.

Sa bakuran din ako gumagawa ng mga assignments ko. Yung mga activity na di ko alam. Ginagamitan niya ng powers sa pagsagot kaya ang resulta. Palagi akong perfect sa assignments ko.

“Nagtataka na siguro yung guro ko bakit ang tataas ng scores ko sa assignments pero sa klase niya ang hina ko naman” sabi ko pero gamit maliit na boses, tumawa siya. May pahawak hawak pa sa tiyan niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Sige tawanan mo lang ako” patampo kong sabi. Lumipad naman siya at lumapit sa mukha ko. Napansin kong ngumingiti parin siya habang napatingin sa labi ko dahilan upang mapalunok ako.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now