OS176: UNTITLED

1 0 0
                                    

"Friday the 13th ngayon kailangan nating mag-ingat" sabi ng isa sa mga kaibigan ko habang papunta kami sa dagat upang maligo.

Napakaweird lang dahil sa naniniwala sila sa mga ganyan. Hindi ko maintindihan kung ano ang meron sa araw na iyan dahil para sa akin isa lang 'yang normal na araw. Maraming nagsasabi na posibleng may mangyayaring masama ngunit sa buong buhay ko ay hindi ko pa talaga nasaksihan ang pangyayaring iyan.

"Totoo pala yan?" tanong ko sa kanila kaya napalingon sila sa akin na para bang hindi makapaniwalang sinabi ko iyon. Kasalanan ko bang di ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi nila?

"Oo day kaya mag-ingat tayo. Hindi nga sana ako papayagan ni mama ngayon. Buti nalang napilit ko basta daw mag-ingat lang tayo." aniya. Tumango-tango naman ako at inilibot ang mga mata ko sa dagat. Nandito na kami.

Nagsitakbuhan ang mga kaibigan ko sa isang kubo at inilagay nila lahat doon ang mga gamit namin. Napansin ko lang talaga, 13 kaming nandito ngayon. May kinalaman din ba ito sa araw na ito?

Nevermind.

Nagsimula nang magtakbuhan ang mga kaibigan ko patungo sa dagat habang ako naman ay nandito sa kubo at hinanap ko ang dinala kong pagkain. Nilagay ko iyon malapit sa mga tupperware nila bago ako tumungo sa dagat.

Nasa tabingdagat lang ako at tanging paa ko lamang ang nabasa dahil sa hindi ako marunong lumangoy. Kahit na pipilitin nila ako ay ayoko dahil natatakot akong malunod.

"Ang KJ!" reklamo nila. Hindi naman sana ako sasama kung hindi lang nila pinilit si mama. Sinabihan ko na rin si mama na ayoko pero pinilit niya ako kaya ako nandito ngayon.

"Hindi nga ako marunong lumangoy!" sabi ko. Akala ko nga pipigilan na nila ako ngunit ay hinila nila ako at iniwan na lang bigla. Malalim ang dagat kaya ay kinakabahan na ako. Hindi ako marunong lumangoy at natatakot akong malunod.

Tinatawanan nila ako at lumangoy sila papalayo habang ako ay ginawa lahat upang makabalik lang sa may buhanginan at thank God nakapunta agad ako roon. Kinakabahan talaga ako.

Nakakainis na ah.

Dahil don, napagplanuhan ko nalang na umuwi, hindi ako nagpaalam sa kanila na ngayon ay masaya namang naliligo. Ayoko nang ipahamak ang sarili ko.

Habang naglalakad ako ay nalilito ako kung saang daan ba ako ngayon. Tama ba 'to? Bakit feeling ko hindi? Ngunit kahit na ganun ay nagoatuloy parin ako sa paglalakad ngunit napahinto ako bigla nang mapagtanto kong nabalik ako sa kubo na malapit sa dagat. Tumingin ako sa dagat at nakita ko sila sa may dalampasigan na para bang nag-aaway.

"Kasalan mo! Kasalanan mo!" sigaw ng isa sa kanila. Yung iba ay umiiyak na kaya ay nagtataka na ako kung ano ba talaga ang nangyari. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanila.

"Anong nangyari?" tanong ko ngunit hindi sila sumagot. "Ayos lang ba kayo?" tanong ko ulit ngunit hindi sila sumagot sa akin at nag-iyakan na.

Lalapitan ko na sana ang isa sa kanila ngunit nagulat ako nang hindi ko siya mahawakan. Bigla nalang akong napahinto ay natulala nang makita ko ang katawan ko na nakahilata sa buhanginan. Putlang-putla na at wala ng buhay.

Patay na ako.

Kaluluwa nalang pala ako ngayon.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now