OS83: I LET MY BOYFRIEND CHEAT BEHIND ME

8 2 0
                                    

I LET MY BOYFRIEND CHEAT BEHIND ME

"I need to call someone" paalam ng manager sa akin at tumango lang ako. Naghintay lang ako sa kanya nang may bigla ang naalala. Today is his birthday, tapos wala pa akong birthday gift. Dadaan nalang ako sa mall mamaya. But ano ba ang gusto ng lalaking yun? Kapag bibigyan ko ng brief, matutuwa kaya yun?

"Hmm, Miss, sabi ko ni madame, bukas nalang daw po kayo mag-usap may biglaang meeting siya" sabi ng secrety. Tumango ako at lumabas na sa office ni madame. Agad naman akong nagtungo sa mall at pumili ng pwedeng iregalo sa kanya. Pagkatapos ay bumili din ako ng cake for him. Maybe yung maliit lang kasi di naman yun mahilig sa sweets, gusto ko lang may maisurpresa sa kanya.

Dahil sa nagutom ako, naghanap ako ng malapit na fast food chain. Sa Jollibee lang open so doon nalang ako.

I was about to enter but someone caught my attention that made me froze for a minute.

He is with someone...

My boyfriend is with someone...

At dahil hindi naman ako yung tipo ng tao na mangingistorbo ay umuwi nalang ako sa bahay namin at nagtaka naman si mama kung bakit may cake at gift akong dala. Nilagay ko sa ref yung cake at dinala ko naman sa kwarto yung gift ko para sa kanya. Sinabihan ko namang birthday ni Vince. Tumango lang si mama at hindi na nagtanong pa.

Nasa kwarto ako nagchecheck ng files na sinend ng secretary ni madame sakin. Ito trabaho ko e tas kakaapply ko lang kanina buti nalang ay tanggap ako.

Inaantok na ako pero ginawa ko ang lahat upang magising ang buong diwa ko nang biglang may kumatok. Bumuntonghinga ako bago tumayo at pinagbuksan iyon nang nagulat ako dahil sa biglaang pagsunggab nito ng halik sa akin.

It's Vince.

At amoy alak siya.

"V-vince, calm down.." I said in between our kisses kaya tumigil siya at tumingin sa akin. Ngumiti siya. "Nakalimutan mo?" sabi niya na lasing na lasing.

Napabuntonghinga. Hinding-hindi ko malilimutan ang kaarawan niya. Pinaupo ko muna siya sa kama ko bago ko kinuha ang regalo na ibibigay ko sa kanya. Isang rolex watch. Alam kong marami naman siyang relo pero wala na talaga kong maisip na iregalo sa kanya.

"Come here" sabi niya at bigla niya akong niyakap at niyakap ko naman siya pabalik at grabe ang bigat ng katawan niya. Yun pala natutulog na pala. Rinig na rinig ko pa ang paghilik niya kaya napatawa ako ng mahina. Inihiga ko siya sa kama at tinapos ko muna ang ginawa ko bago tumabi sa kanya.

Pagsapit ng umaga, wala na siya sa tabi ko. Ang sabi lang ni mama ay nauwi na. Hindi naman ako nagtanong pa dahil naghanda na lara magtrabaho.

"Good morning, ma'am" bati ko sa manager namin. Ngumiti siya at tumango. Buti nalang talaga at sobrang bait niya talaga. Ibinigay ko ang files sa kanya at nag-okay sign naman siya kaya lumabas na ako ng office. Nang napunta na ako sa cubicle ko, may nakita akong isang letter kaya binasa ko iyon, napangiti naman ako ng makita ko ang sulat niya. His handwriting is the best for me.

"Selena, kinikilig." sabi ng katrabaho ko na kasabay ko din mangapply kahapon. Si Jarred.

"Tumahimik ka" sabi ko habang tinutupi ang letter at nilagay ko sa bag ko. Umupo na ako at nagsimula ng magtipa ng document na bukas pa naman ipapasa.

Nakilala ko lang si Jarred kahapon. Siya lang talaga ang kumausap sa akin kahapon kaya ayun naging close ko siya kahit kahapon ko lang siya nakilala. Madaldal. Sobra.

"Baka sa susunod iiyak ka na dahil may kasama na siyang iba" sabi niya. Tinignan ko siya ng masama kaya napatawa siya't bumalik na sa cubicle niya. Bigla naman ang napaisip. Kahapon, may nakita akong di ko inaasahan pero di naman ako umiyak. Wala naman sigurong namamagitan sa kanila diba?Kakilala lang niya yun diba? Nagkikita lang naman sila dahil birthday ni Vince diba?

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now