OS185: ANGEL AND MERMAID LOVE STORY

4 0 0
                                    

ANGEL AND MERMAID LOVE STORY

(This is a work of fiction. Names, characters, places and events are written in a fictitious manner.)

Being an angel is the most beautiful thing that happened in my life not until I broke the second rule of the ruler.

'You must not fall in love with your co-angel'

It was supposed to be a secret but someone caught me murmuring his name and telling him how much I love him.

Napalunok ako. "A traitor!" sigaw ng ibang mga anghel at yung iba ay sinisira na ang pakpak ko. Nasasaktan ako ngunit kailangan ko itong tiisin dahil alam kong may nagawa akong labag sa batas ng pinuno.

"I'm sorry!" I said then I closed my eyes.

Naramdaman ko ang pagkamanhid ng aking katawan nang biglang may nagsalita sa aking harapan.

"Who's that angel?" the ruler asked me pertaining to the man I fell inlove with. Napalunok ako at hindi agad makapagsalita. Nananatili lamang akong nakayuko na para bang iniiwasan ang mga titig nito.

Nakakatakot ang presensiya ng aming pinuno.

"Speak." kalmadong aniya. Huminga ako ng malalim tsaka ay magsasalita na sana ngunit naunahan akong magsalita ng ibang anghel na nakapalibot sa akin.

"Si Gabriel ang kaniyang napupusuan, pinuno!" nag-uunahan sabi nila. Wala naman akong karapatang magalit sa kanila dahil normal lang naman iyon sa anghel na sasabihin ang totoo. Dapat nga akong magalit sa sarili ko dahil sa may nilabag akong batas ng pinuno.

Tinawag naman kaagad ng pinuno si Gabriel na ngayon ay dala-dala parin ang kaniyang trumpeta dahil tulad ko isa siyang tagahatid mensahe sa mga tao. Isang mensahero at isang mensahero, iyan kaming dalawa. Magkaibigan kami kaya madali lang talagang mapalapit ang kalooban ko sa kaniya.

Agad naman akong napaiwas ng tingin nang mapatitig siya sa aking mga mata dahil sa may nararamdaman akong kakaiba.

Nagustuhan ko lang naman siya dahil sa kabaitan na taglay niya at sa mga ngiti niya.

"Alam mo na ang mangyayari sa iyo, Zhenya." nanatili ako nakayuko at unti-unting napatango sa sinabi ng pinuno.

Mahuhulog ako sa mundo ng mga tao ngunit hindi ako magiging isang tao. Magiging isang sirena ako.

Hindi pa umabot ng minuto ay naramdaman ko na ang pwersa na para bang hinuhulog na ako pababa. Napatingin naman ako kaagad I'll probably miss this place, especially him.

Nakakahiya lang dahil ako ang unang anghel na nahulog mula sa itaas at ngayong ay malalaman ko na kung ano nga ba talaga ang pagiging sirena.

Mermaids are those fallen angels who neglected the rules and commandments that was given by the ruler. Once you'll become a mermaid, you'll never become an angel again. Having a fish tail with a human upper body will be the punishment for what you've done.

Naimulat ko ang aking mga mata na nasa gitna na ako ng karagatan. Agad kong tinignan ang aking pang-ibabang katawan at nakita ko ang buntot ng isda. Isa na akong sirena.

Bilang isang baguhan na sirena, hindi ko pa alam kung ano ang mga dapat gawin ko rito dahil nga ako ang unang naging sirena.

Zhenya, ang unang naging sirena.

Lahat na makikita kong isda ay kinukuha ko at sinusubukan kong kainin dahil kung sa itaas ay hindi ako nagugutom, dito sa ilalim ng tubig ay nagugutom na ako.

Living under the ominous ocean is the worst thing that happened in my life. Hindi ko alam kung saan ako titira dahil kung sa itaas walang kaaway, sa ilalim ng dagat marami. Kahit saan ka lalangoy may mga shark na kumakain ng tao. Iyan ang nalaman ko nong nasa itaas pa ako.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now