OS90: PAANO LUMANDI SA SEMENTERYO?

3 2 0
                                    

PAANO LUMANDI SA SEMENTERYO?

Papunta kami ngayon ni lola sa sementeryo para dalawin namin si lolo. Kasama din namin ngayon ang kapit bahay namin kasi dadalawin din daw nya ang kanyang anak na pumanaw, ewan ko ba kung totoo ba kasi tawa lang sya ng tawa. Hindi ba nya namimiss ang anak nya? Napakasamang ina naman nya.

"Aling Cora? Ano po pangalan ng anak nyo? " tanong ko pero ayon tumawa na naman sya. Nababaliw na ba to?

"Malalaman mo mamaya. " sabi nya. Tumawa nalang din si Lola na katabi ko ngayon.

"Hayaan mo na yan si Cora apo" tawa ni Lola. Ngi? Ano ba talaga?

Nong nasa sementaryo na kami ay nagpaiwan muna si Aling Cora sa may malaking kahoy. Don ba nakalibing ang kanyang anak?

"Apo, tara na. " sabi ni lola kaya sumunod ako sa kanya.

Pumunta kami sa puntod ni lolo. Kinuha ko ang cellphone ko at pinikchuran si lola na ngayon ay nakahawak sa lapida ni lolo at nakipag-usap. Medyo malayo ako sa kanya para hindi nya malaman na nagpicture pala ako sa kanya.

Napangiti ako nong tinignan ko ang litrato na kinuha ko pero nong nizoom-in ko napakunot ang noo ko. Eh bakit may lalaking nagpeace sign sa malayo? Hindi ko napansin kanina ah?

"Kinuhaan mo pala ako ng litrato miss?"

"Hala nabuhay yung patayyyyy!!"

Napatakbo ako palapit may lola noong may biglang nagsakita malapit sa tenga ko. Nagtago ako sa likod ni lola.

"Oh apo anong nangyari sayo?"

"Shh, lola, wag kang maingay. May nabuhay na patay" sabi ko.

Tumingin ako sa lalaki na ngayon ay nasa malayo tawa ng tawa.

Hemegesh eng kyet nye pele. Kaya lumabas na ako sa pagtago ako.

"Apo, anong patay na nabuhay?"

"Wala po la. Hihihi joki joki lang po" sabi ko tas nagpeace sign.

Napatingin akong muli sa lalaki na ngayon ay nakatalikod na sakin. Ngi yun na yun?

Lalapitan ko kaya? Ehee neheheye eke.

May naisip akong kalokohan HAHAHAHAHA

Lumapit nga ako sa kanya.

"Hoy!" nahihiyang sabi ko.

"Hmm?" napatingin sya sakin at doon ngumiti. Sheteee nekekeselew yeng ngete nye bes.

"Serre pe keye" ako

"Huh?"

Ito naman. Ang slow.

"Serre pe" pag-uulit ko. Nahihiya lang talaga ako

"Bulol ka ba miss?" Nakangising aniya.

Ngina.

"Hoy po! Sinong nagsabi sayo na bulol akoo?" Naiinis na ako kahit kyut to. Baka masapak ko to e.

"Ah, magalang na medyo bastos" tawa nya. Baliw ba tong lalaking to.

"Ewan ko sayo, sasapakin kita dyaaann ee" naiinis na sabi ko.

"Subukan mo lang" sabi nya and then he showed me his fist.

"Hindi mo ako pinatapos, sasaoakin kita sa pagmamahal ko" nakakalokang sabi ko HAHAHAH bingo ayan na namula na syaaa.

"Tigilan mo ako" napaiwas sya.

Humawak ako sa tyan nya. Uy may abs.

"H-hoy anong ginagawa mo?" natatakot na sabi nya WAHAHAHAH

"Babe, wag malikot" sabi ko WAHAHAHA ayan na

"Babe?"

"Yes babe?" sabi ko HAHAHAHAH namumula na sya.

"H-hoy babae bitawan mo ako" sabi nya sabay hampas sa kamay akong nakahawak sa abs nya. Enebeee

"Babee, naman pahawak, andamot mooo"

"Ew yuck! " sabi nya may pasuka suka pa.

"Oo na joke lang. Ano pangaln mo?" tanong ko. "Ako pala si Jean, ikaw?" dagdag ko pa.

"Emmanuel. Emmanuel Salazar"

"Ayieeee, emmanuel babbeee HAHAHAH"

Namula na sya. HAHAHA iinisin ko pa sana sya kaso bigla akong tinawag ni lola.

"Hoy apo? Anong pinagsasabi mo dyan may jowa ka? Sino ba yan?" tanong ni lola habang papalapit sakin.

"Si Emmanuel Salazar po. Boyfriend ko ayieeee. Ang gwapo nya dibaa? Tignan mo mukha nya" sabi ko sabay tuto may emmanuel babe. HAHAHAH

"Emmanuel Salazar? Diba yan ang anak ng Aling Cora mo? Tsaka hindi ko makita asan ba sya?" sabi nya.

"P-po? A-anak ni aling cora?"

"Oo"

Nagoosebumps ako bigla. Emegeshhh patayy na toooo? Dahan-dahan akong tumingin sa tabi ko at wala na. Nginnnaaa waaahhhhh

"Tara lola uwi napo tayo. " sabi ko sabay hila kay lola.

"Ang landi-landi mo kasi Apo, yan tuloy patay ang nalandi mo" sabi pa ni lola.

Huhuhu ayoko na pooooooong lumanddiii.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now