OS42: UNTITLED

5 1 0
                                    

My favorite color is blue and I'm feeling blue.

Buntis ako at hindi ko ito ginusto.

Nakita ko ang boyfriend ko na masayang lumapit sa akin. "How are you baby?" umirap ako at kinuha ang dala niyang chuckie. Hinalikan niya ang pisngi ko kaya nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.

"Namumula ka HAHAH hey baby, namumula ang mommy mo" pakikipag-usap niya sa tiyan ko. Ngumiti naman ako ng pilit.

His name is Gerald.

Kapatid siya ng ex boyfriend kong wala na ngayon. I mean namatay na 6 months ago. Namatay dahil sa isang aksidente, kasama na doon ang kaibigan niya.

Si Gerald ang unang nanligaw sa akin ngunit ang kuya niya ang sinagot ko. Sinayang lang niya ang isang taon na panliligaw sa akin. Hindi ko nga alam kung paano agad niya natanggap na yung kuya niya ang pinili ko.

Noong nalaman niya nabuntis ako ng kapatid niya, sabi niya ay siya ang tatayong ama ng magiging anak namin ng kuya niya.

Noong una, ayoko dahil kakamatay lang ng kapatid niya pero habang lumilipas ang mga buwan ay nararamdaman ko talaga na handang handa siyang maging tatay ng dinadala kong bata.

Sa totoo lang ay walang pinagkaiba si Gerald at ang kuya niya, pareho silang maalaga pero ang pinagkaiba lang ay mahal ko ang kuya niya pero si Gerald mahal ko siya bilang kaibigan.

"Rena..." tawag sa akin ni Gerald. Nilingon ko siya at ngumiti ng konti. Bumuntonghinga siya at umuo sa tabi ko. "Mahirap ba talaga akong mahalin?" napalunok ako. Hindi ako makapagsalita. May bumara sa lalamunan ko.

"Ayos lang kung ayaw mong sagutin" ngumiti siya at hinawakan niya ang kamay ko. "Basta tandaan mo, handa ko kayong buhayin ng magiging anak nyo ni k-kuya" kitang-kita ko sa kanyang mga mata na nasasaktan talaga siya pero ako, hindi ko man lang magawang magsalita.

"Tara, umuwi na tayo. Gumagabi na oh" sabi niya at ngumiti. Dahan-dahan niya akong pinatayo at inalalayan hanggang sa makapasok na sa kotse.

Tinignan ko siya habang nagmamaneho ng sasakyan.

"Hey, baby, take a rest. I'll wake you up when we arrive." tumango ako sa kanya. At tinagilid na ang ulo ko. Kung pwede lang turuan ang puso, ikaw na sana ang mamahalin ko, Gerald.

Nagising ako na nasa kama na ako, bakit ako agad nandito?

Bumukas ang pinto at nakita ko si Gerald na may dalang tray ng pagkain at inilapag niya ito sa lamesa. Lumapit siya at hinalikan ang noo ko. "Dinner is ready." ngumiti siya sakin.

"Kinarga mo ako dito?" tumango siya.

"Mahimbing kang natutulog kaya kinarga nalang kita, ayokong diturbuhin ang pagtulog mo"

"Salamat"

Ngumiti lang siya at inilapit na ang pagkain. Sinubuan niya ako ng pagkain at hindi naman ako pumalag. Ganito siya palagi. Napakamaalaga talaga nitong si Gerald kaya nagtataka ako kung hindi ko siya kayang magustuhan.

"Kumain ka na din" sabi ko habang ngumunguya ng pagkain.

"Kapag tapos ka na" nakikibit balikat lang ako at patuloy niya akong pinakain.

Pagkatapos ay tinabihan niya muna ako sa pagtulog. Sabi ko sa kanya kumain na siya kaso umiling lang siya at sasabihing kapag nakatulog na ako, tatabihan niya muna ako.

Sumapit ang umaga na nakayakap ang kamay niya sa bewang ko. Hinalikan niya ang pisngi ko sabay sabing "Good morning" ngumiti ako.

"Good morning"

"Breakfast is ready, tara na?" tumango ako.

Inalalayan niya akong makatayo at makalabas ng kwarto.

"Salamat" sabi ko nong tinulungan niya ako sa pag-upo. Ngumiti lang siya sa akin.

Habang kumakain na kami napatitig ako sa kanya at napaisip. Oras na ba na sabihin ko sa kanya ang katotohanan?

Nakokonsensiya ako.Tatanggapin niya parin ba ako kapag nalaman niya ang totoo? Natatakot ako.

Natatakot akong iiwan niya ako na ngayon ay may nararamdaman na ako sa kanya. Natatakot akong mandidiri siya sa akin at tatalikuran na niya ako.

Natatakot akong maiwang mag-isa.

Hindi ang kuya niya ang ama ng batang dinadala ko kundi ang bestfriend nito. Ginahasa ako ng bestfriend ng kuya niya.

"Baby, what's wrong?"

"I have something to tell you" sabi ko at lumunok. Huminto siya sa pagkain at tinitigan ako.

"Yung batang dala ko-"

"Hindi si kuya ang ama, oo alam ko na yan"

Napayuko ako. "H-how did you know?"

"Noong gabing iyon, bago ang aksidente nag-uusap kami ng bestfriend ni kuya. Nasuntok ko pa iyon dahil sa sobrang galit ko" napalunok ako. Iiwanan na ba niya ako?

"If you are thinking about me leaving you, that will never happen." sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya at napalunok. "Kahit hindi mo ito anak?" tumango siya.

"Kahit naging jowa ko ang kuya mo?"

Tumango ulit siya.

"Kahit binasted kita noon?" napatawa siya at tumango. "Kahit anong meron sa iyo na hindi mo masabi sa akin, hinding-hindi kita iiwanan, ganyan kita kamahal" he said. Tumayo siya at nilapitan ako. Hinalikan niya ang noo ko.

Simula noong namatay ang kuya niya, hinding-hindi niya ako hinalikan sa labi kaya ngayon ako na ang gagawa. Nagulat pa nga siya nong ginawa ko iyon.

"I love you" naluluha kong sabi. Napakurap siya kaya napatawa ako ng bahagya. "I love you Gerald." sabi ko. Agad niya akong hinalikan sa labi.

I will never let go of this man, never.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now