OS89: LIHAM KO PARA SA IYO

1 1 0
                                    

LIHAM KO PARA SA IYO
Abril 30, 2021

Para sa aking ginoo,
Sana'y mabasa mo ito. Ang munting sulat na iaalay ko sa iyo. Ito ay tungkol sa ating dalawa. Ano na ang nangyari? Kumusta na ang katagang 'tayong dalawa? Nasaan kana't bakit ako nalang mag-isa? Nangakong hindi mo ako bibitawan. Nangakong hindi mo ako iiwanan. Nangakong handa mo akong ipaglaban. Ngunit bakit ako lang ang pilit na lumaban sa ating pag-iibigan? Pagod ka na ba? O may mahal ka ng iba?
Ikaw ba'y nagsisisi noong panahong nakilala ako? O ikaw ba'y nagsisisi noong panahong nagkaroon ng tayo? Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko pinagsisihan. Bakit ko naman pagsisihan ang pangyayaring naging dahilan ng aking kasiyahan? Isang malaking pagkakamali ang magsisisi sa mga araw na ating pinagsamahan.
Kaya pala hindi na nagparamdam. Nakita kita masaya na sa piling ng iba. Ako'y iyong nakita ngunit ako'y iyong binalewala. O kay sakit man lang isipin, hindi ko na mapigilan aking damdamin. Ika'y masaya na habang ako ay hindi pa.
Kaya ngayon naisipan kong maging masaya nalang sa inyong dalawa at magsisimula na akong kalimutan ka. Sa liham na ito, aking Ginoo gusto ko lang malaman mo, salamat sa lahat na pinaramdam mo sakin kahit nasaktan ako nong nalaman kong laro lamang para sa iyo ang namamagitan sa atin.

Nagmamamahal,
Roselia Amanda

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now