OS62: UNTITLED

4 1 0
                                    

Isa akong kuwento na hindi mo man lang binasa.

Isa akong kuwento na naghahangad na ikaw ang bumasa sa akin.

Isa akong kuwento na hindi mo pinapansin.

"Pwede mo ba akong basahin?" tanong ko sa kanya. Tumitig lang siya sakin, walang kahit anong ekspresyon ang mukha. Nagmamakaawa ako ngunit parang hindi siya interesado.

"Pakiusap"

"May nagbabasa sa 'yo ngunit hindi ako"

"Bakit di mo man lang ako basahin?" tanong ko dahilan upang lumapit siya sa akin sabay sabing "Paano kita babasahin kung mismong kapatid ko magiging kaagaw ko sayo?"

"Ikaw naman ang gusto ko"

"Pasensya na, yung kapatid ko ang nakabuntis sayo at siya ang asawa mo, bakit sa akin mo pa pinipilit ang sarili mo?" sabi niya at ako naman ay nasaktan. Oo asawa ko ang kanyang kapatid ngunit siya naman ang gusto ko noon palang. Nakasal lang kami ng kapatid niya dahil sa isang gabi na hindi namin inaasahang mangyari.

"Hindi ko siya mahal." sabi ko at siya'y napangiwi. Nakatingin siya sa likuran ko kaya ako ay napalingon. Nakita ko ang kapatid niya, nakatitig sa akin, dala-dala akong pulang rosas. Ngumiti siya ng peke at siya ay tumango. Nabitawan niya ang rosas at siya ay umalis.

Pasensya na, mas mahal ko yung kapatid mo kesa sa iyo.

"Tigilan mo na ang kalokohan mo, buntis ka at siya ang ama"

"Pwede naman na ikaw" sabi ko. Nakikiusap ngunit tinignan niya ako ng masama. "Nasasaktan ang kapatid ko at wag ako, may kasintahan ako."

"Hiwalayan mo siya at ako nalang ang mahalin mo" sabi ko ngunit inirapan niya ako at umalis na.

Napaiyak ako, bakit hindi niya ako kayang mahalin? Bakit hindi niya ako kayang basahin? Ako lang naman 'to nagmamahal lang.

Nabigla naman ako noong may biglang yumakap sa akin. Tumitig ako sa kanya at ako'y mas lalong naiyak.

"Tumahan ka na, nakakasama yan sa bata"

Tumango ako. Siya ang asawa ko na kapatid ng nagugustuhan ko. "Mahal ko ang kapatid mo" umiiyak kong sabi.

"Alam ko, tumahan ka na"

Pasensya na, nabuntis mo man ako, yung kapatid mo naman ang mahal ko.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now