OS140: THE GIRL I REJECTED BEFORE

3 1 0
                                    

THE GIRL I REJECTED BEFORE

"Pagod ka na 'ata, magpahinga ka muna" sabi ko sa kaniya pero nagpatuloy parin siya sa pag-aararo. Ang lakas naman ng babaeng 'to. Lalapitan ko na sana siya pero may napansin ako, umiiyak siya.

Napabuntonghinga naman ako at alam ko naman ang dahilan non. She's my childhood bestfriend. She confessed to me and I rejected her confession kasi nga wala na akong ibang nararamdaman sa kaniya kundi mahal ko siya bilang kaibigan lamang.

We're only 17 years old. Yes, magkaedad kami but mas matanda ako sa kaniya ng isang buwan.

"Pasensya na Von, nahihiya na akong magpakita sa iyo. Pagkatapos kong umamin" aniya na nakatalikod parin sa akin at nagpatuloy patin sa pag-aararo. Lumaki siya sa pagsasaka dito sa probinsya at ako naman ay lumaki dim rito sa probinsiya pero lumipat lang sa syudad. Kaya nga nagkakilala kami ng babaeng 'to.

Gusto ko pa sanang makipag-usap sa kaniya pero tinawag na ako ng papa ko hudyat na babalik na kami sa siyudad.

At iyon ang huling pagkikita namin.

5 years had passed, I became a member of the band named DASH. I'm the pianist and also a vocalist but ang main vocalist talaga sa DASH ay si Xion.

DASH is consist of 4 members.

Isa kaming kilalang grupo sa mundo at kahit saan na kami nagcoconcert.

Until this day, may concert kami sa isang school. Bago pa man kami makapasok sa school ay may nakita akong dalawang babae sa labas ng gate. Napatitig ako sa kaniya pero agad naman akong napailing. Namamalikmata lang ako.

Ayun nga ay nagpeperform na kami pagkatapos ay nagpapafansign at nagpapapicture yung iba hanggang sa nasa gate kami. Napakunot nama ang noo ko nang may nakita akong pink na cellphone sa kalsad kaya kinuha ko iyon. I turn it on and nakita ko ang mukha ni Xion doon. Napabuntong hinga naman ako.

"Xion, bias ka siguro ng may-ari " sabi ko at ibinigay ko ito kay Xion. Nagtataka naman si Xion at agad siya pero ngumiti naman. Nagkatitigan naman kaming tatlong ibang miyembro dahil alam naming may kalokohan na naman 'tong lalaking 'to.

Hanggang sa nakaabot kami sa restaurant, biglang bumukas ang pinto at nabangga nito si Xion. Tumitig ako sa babae pero bigla na naman akong umiwas. Napatingin ako kay Xion and nagsmirk siya or ngumiti ba. Ewan. Basta ang nangyari ay pumasok na kami sa loob tsaka ay palagi nang bukambibig ni Xion ang babaeng iyon.

Gabi na at oras na para matulog, pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama. Napatingin ako sa kisame at bigla ko namang naalala ang babae kanina. Posible kayang siya iyon?

They're very much look a like. Maybe look alike lang ewan.

As what we expected, napunta ang babae sa entertainment at ginawa siyang make-up artist ni Xion. Everytime na mapadaan naman siya sa amin ay ewan ko ba, talagang mapatitig talaga ako sa kaniya.

Magkamukhang-magkamukha sila. Pero kung siya talaga yun, sana maalala niya ako pero hindi talaga.

Then nakompirma kong hindi siya dahil sa pangalan nito. Her name is Rena. Tinanong niya ako kung bakit ganoon ako makatitig sa kaniya pero sabi ko wala lang. Ayokong sabihin na may naalala ako sa kaniya.

I missed her. Nagsisisi ako na nireject ko siya noon kasi sa ngayon, namimiss ko na siya. Gusto ko na siyang yakapin. At gusto kong aamin sa totoong nararamdaman ko.

Sa panahong sa siyudad ako at hindi na kami nagkikita. Palaging tumatawag si lola and palagi ko namang siyang kinakamusta tsaka si ano. Basta si ano.

Nasa in denial pa siguro ako non pero habang tumatagal na hindi ko siya nakikita, unti-unti ko nang naintindihan ang nararamdaman ko.

Then as the days go by, akala namin talaga nagloloko lang si Xion pero totoo pala ang sinabi niyang may feelings siya Rena. I'm happy for them but sa araw na iyon ay biglang lumabas about sa dating issue ng dalawa.

Minsan nalang kami makapagconcert dahil sa issue na iyon.

Then this day came, may contest ng mga banda. Sumali kami, ang hindi na namin nakakasama si Rena dahil nga marami ding bashers na pumapalibot sa kaniya. Naaawa ako, naging kaibigan ko din iyon.

Habang kumakanta kami ay may nakita akong babaeng tumatakbo papunta sa backstage. Pagkatapos naming kumanta ay pumunta kaagad kami sa backstage at sakto ding papunta sa stage ang babaeng iyon. Napalunok ako at nagulat.

Tumingin din siya sa akin and ngumiti.

Bumilis ang tibok ng puso ko at halos yakapin ko na agad siya pero pinipigilan ko ang sarili ko

Hindi agad ako makapagsalita nang nagpatuloy na siya papunta sa stage.

That's Zea, my childhood bestfriend. The girl I rejected before.

"Von, ayos ka lang?" saad ni Calyx. Tumango naman ako at pumunta na kami sa upuan namin. Saktong nagpatugtog ang banda nito. Ang banda nila. It consist of 2 boys and 2 girls.

She's the main vocalist. I gulped. All eyes on her. Yung atensiyon ko sa kaniya lang nakapokus. Walang nagbabago ang ganda parin ng boses niya.

We used to sing songs before. Ako yung maggigitara tas siya ang kakanta. Naaalala kong kapag inaantok ako, magpapakanta ako sa kaniya at kapag siya naman ang inaantok. Sisigawan ko siya.

Parehas kami ng pangarap. Sabay sana naming aabutin iyon kung hindi lang siya nagconfessed and hindi ako nagstay na sa siyudad.

Pagkatapos ng kanta ay nagsisigawan ang mga tao. At nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Yumakap si Zea sa lalaking pianist tsaka ay hinalikan niya ito.

"JoZea! Wohooo" sigawan ng mga tao. Nakarinig pa ako ng pag-uusap na ang tagal na nila ng lalaking iyon simula daw nong nabuo ang banda nila. Sana daw sila ang magkatuluyan ganun.

Napangiti ako ng peke. Akala ko magkakaroon na ako ng chance na makuha siya but I guess huli na ako.

Pumunta kami sa backstage para batiin ang ibang contestants at nagulat naman ako nang tumingin si Zea sa akin at nagpaalam sa boyftiend niya.

Napalunok ako nang bigla siyang lumapit sa akin at yumakap. "Kumusta ka na?" sabi niya pagkatapos niya akong yakapin tas nakangiti pa siya. Lumingon nama ako sa boyfriend niya at tumango naman ito sa akin at ngumiti.

"Ayos lang ako, kasali na sa banda" sabi ko. Ngumiti siya sa akin at marami pa siyang sinasabi. I can't help but to stare. She's beautiful.

Tinawag na siya ng boyfriend niya dahil snacks daw sila and nagpaalam naman siya sa akin. Ngumiti lang ako at hinayaan ko lang siya na umalis. Tinapik naman nila Xion ang balikat ko. Nasabi ko din kasi ito sa kanila.

Maybe I should keep my feelings as a secret. As long as she is happy, I'm happy too.

Years had passed, nadisband na ang banda namin at may mga fiancee na ang dalawa si Calyx at si Kiro. Si Rena at si Xion, kasal na at may anak na pero ako wala pa. Nabalitaan ko ding ikakasal na din si Zea tsaka yung lalaking kasama niya sa banda.

Maybe I should love myself more. Darating naman ang araw para sa akin.

One-Shot Stories [Collection]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora