OS114: LET'S GET MARRIED

4 1 0
                                    

LET'S GET MARRIED

"Write a story about your lover"

"Sir, paano na kaming walang mga lover?" reklamo ng aming kaklase. Sang-ayon naman ako sa tanong niya. Paano na kami? Tumawa si sir at umiling sabi niya ay problema na namin iyon. Depende nalang daw kung sino ang isusulat namin.

"Pagkatapos niyo ay pass niyo sa akin, babasahin ko."

Nag-iisip ako ng mga pwede kong itopic sa story ko nang maalala ko yung story na binasa ko sa isang pocketbook. Iyon nalang siguro ang ilalagay ko dito.

Kinikilig pa nga ako habang sinusulat ko iyon hanggang sa natapos ko tatlo kaming nagpass tsaka parehas naman yung binasa ni sir. Tumingin siya sa akin kaya inirapan ko siya. Attitude ako sir, wag ako.

Habang binabasa niya ang gawa namin ay pinatayo niya kaming tatlo. Ako at ang dalawa kong kaklaseng babae. "Sino si Elijah? Parehas ba kayo ng jowa?" tanong ni sir. Nagkatinginan naman kaming tatlo. So parehas kami ng sinusulat? Natawa naman ang mga kamag-aral namin pati na din kami. Sinamaan kami ng tingin ni sir kaya napatahimik naman kami.

Tumitig siya sa akin kaya inirapan ko lang bahala siya diyan.

Pagkatapos ng aming klase na bad mood si sir. Buti nalang talaga at tinanggap niya parin yung paper namin kahit magkaparehas kami ng jowa tatlo. Pero syemore sa story lang yun na nabasa namin.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahatid nalang kay yaya ng snacks. Isa akong anak ng engineer at doktora kaya masaya ang buhay ko. Buti nalang talaga na kahit minsan ay busy sila mommy at daddy, may family day talaga kami.

"Anak, Karen, nandito si Cedric" sabi ni mommy pagkatapos niya kumatok. Napairap naman ako sa kawalan tsaka ko binuksan iyon. Nakita ko don si Cedric na seryosong nakatitig sa akin. Syempre tinitigan ko din siya. Magtitigan kami hanggang sa may matunaw sa aming dalawa.

"Karen, let's talk." sabi niya. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya bahala siya diyan. Ayos lang akong mapapanis ang laway ko. "Karen, stop staring"

"Why are you here?" seryosong tanong ko sa kanya.

"I want to talk with you" he said. Isasara ko na sana ang pinto nang pinigilan niya ako at hinila ang braso ko papalabas ng kwarto ko. "Gago ka, masakit!" sigaw ko pero hindi siya nakinig sa akin. Ano bang problema ng lalaking 'to? "Hoy gago! Bitawan mo ako!" reklamo ko at buti nalang binitawan niya ako. Tinitigan ko siya ng masama at babalik na sana ako sa kwarto ngunit hinawakan niya yung braso ko.

"Ano bang problema mo?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Oh, diba sabi niya mag-uusap kami? Tas ngayon tatahimk lang siya? "Who is he?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko. He?

"Ewan, sinong he?"

"I don't know him, that's why I asked you!"

"Oh ba't ka galit?" tanong ko kaya napatahimik siya at napatitig sakin ng seryoso. "Hindi ako nakikipagbiruan, I'm your fiancée, may karapatan akong magselos o magalit." sabi nito.

He is Cedric, yung teacher namin kanina. 5 year gap lang kami. Ipinagkasundo lamang kami ng parents namin at ayoko sana dahil ng teacher siya sa school namin pero nagpumilit ang parents ko kaya wala akong magawa. Magkaibigan yung mommy niya at mommy ko tas ipinangako nila na yung magiging mga anak ang ipagkasundo. I hate situations like this. Hindi ko naman kasi siya gusto.

Nalilito nga ako ngayon dahil noong unang araw ng oagkikita namin ay napakasungit niya at may pasabi-sabi pa siyang ayaw niya sa mga estudyante. Bakit, gusto ko ba siya? Bakit siya nag-iba ngayon? Bakit ganyan na ang trato niya sa akin ngayon? Ano bang nakain niya?

"He's a character from a book that's all." iyan lamang ang sagot ko pero ayaw niya atang maniwala. Pumasok ako sa kwarto at buti nalang hindi niya hinawakan ang braso ko. Kukunin ko lang naman kasi ang libro at ipapakita ko sa kanya yung pangalan na iyon. Hindi ko naman kailangan lumabas kasi sumunod naman siya sa akin. Hinanap ko yung pangalan at pinabasa ko sa kanya. "Oh ayan, naniniwala ka na?" tumingin siya sa akin at nagpipigil ng ngiti.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now