OS71: KNOCK, KNOCK, WHO'S THERE?

4 1 0
                                    

KNOCK, KNOCK, WHO'S THERE?

Ako si Cherry. Nasa isang mental hospital ako ngayon, kasama ang kapatid kong si Andrei. Hindi kami ang nabaliw kundi si mama namin.

"Miss, pakibantayan po muna si mama ah? Uuwi muna kami ng kapatid ko" tumango naman 'yung nurse na nandito sa loob. Tulog pa naman si mama kaya, okay lang iyon.

Sa sinabi ko nga, umuwi kami sa bahay, kumuha ako ng mga damit ni mama at inilagay sa isang bag. Kumuha din ako ng isang damit ni papa at inilagay sa isang bag gustong-gusto kasing amoyin ni mama ang damit niya. Si Andrei naman ay naghihintay lang sa akin sa labas kasi siya naman ang nagdadrive ng motor.

Pagkatapos kong eempake yun ay tinulungan naman ako kaagad ni Andrei.

"Ate ang dami naman nito" reklamo niya pero hindi nalang ako nagsalita, kahit nagrereklamo yan ay wala naman siyang magawa at sundin ang mga iuutos ko.

Bago kami nakarating sa mental hospital ay bumili muna kami ng prutas para kay mama.

"Aling pabili po nitong saging, isang kilo po" sabi ko. Tinitigan muna ako ng tindera bago binigay sakin yung binili ko. Aalis na sana ako ngunit bigla siyang nagtanong.

"Anak ka ni Precy?" tanong niya. Tumango ako.

"Oh asan na ba yung mama mong baliw?" tanong niya nababastusan ako, ayoko sa lahat ang ginaganun si mama. Nawawalan na sila ng respeto porke't may normal sila na pag-iisip ay gaganyanin nalang nila ang mama ko.

Isa sila sa dahilan kung bakit nabalow iyon si mama. Bata pa ako non at saksi ako sa mga pinagagawa nila.

"Oh Precy, pabili daw ng isang kilong isda!" ani isang costumer ni mama, ako naman dito ay naglalaro lang ng barbie kasama ang kaibigan kong si Marie.

"Sabi ng mama ko pokpok daw ang mama mo" nagulat ako sa sinabi ni Marie. Ayaw na ayaw kong nilalait nila ang mama ko. Kaibigan ko si Marie ngunit nabigla ako sa sinabi niya. Sinabunutan ko siya kaya siya ay napaiyak. Walang nakapansin sa amin dahil na loob kami ng isang tent. Pero dahil naaawa naman ako ay hininto ko ang pagsabunot sa kanya at bigla naman kaming nakarinig ng kaguluhan sa labas. Lumabas ako dala-dala ang barbie ko at napaiyak ako sa nakita ko.

Si mama, binabastos ng mga lalaki. Hinawakan ng isang lalaki ang kamay ni mama at pinasandal sa pader, gusto kong humingi ng tulong ngunit parang wala namang nakita ang mga tao sa paligid at patuloy lang na

"Wag niyong lapitan ang mama ko!" sigaw ko at nilapitan si mama sabi ni mama hindi dapat ako mangingialam sa problema niya ngunit hindi ko na kaya.

"Aling, ang ayaw ko sa lahat ay ginaganyan ang mama ko kaya please lang, kunting respeto naman" mahinahon na sabi ko ngunit ngumiti siya. "Totoo naman kasi yun kaya tumahimik ka nalang" aniya. Nag-iinit ang ulo ko.

"Ate, wag mo ng patulan," ani Andrei at hinila niya ako papunta sa motor. Tinulungan niya ako sa pagdala ng prutas at pumunta na kami sa mental hospital.

"Kaya dapat talaga kitang samahan ate! Baka mapaaway ka na naman dahil lang sa sinasabi ng mga tao tungkol kay mama" sabi ni Andrei habang naglalakad kami paputa sa kwarto ni mama.

"Alam mo namang ayaw ko ng ganun" napabuntonghiga siya. Oo wala siyang magawa sa pagiging ganito ko. Mahal na mahal ko si mama at gagawin ko lahat para maitanggol lang siya.

Pagkadating namin sa kwarto niya ay nabigla kami.

Si mama umiiyak na naman. Agad namin siyang nilapitan ni Andrei. Niyakap ko siya ngunit tinulak niya ako.

"Hindi ko ginawa yun! Wala akong kasalanan don" sigaw niya habang umiiyak. Napakasakit lang sa damdamin ganito palagi ang madadatnan namin kapag hindi siya natutulog.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now