OS35: UNTITLED

6 2 0
                                    

"Where did you go?" agad na sinalubong ako ng yakap ni mama. Hinalikan niya ako sa pisngi. Wala ako sa mood ngayon para sa ganito. Nag-away kami ng boyfriend kong si Israel dahil lang sa napakawalang kwentang bagay sabi niya iyan.

Sinabihan ko siya na kailan ba ang kasal naming dalawa, at sabi niya hindi na muna dapat namin pag-usapan iyon. Ngunit gusto ko ng matali sa kaniya mahal na mahal ko siya at hindi na ako maghahanap ng iba. We've been in a relationship for 5 years, parehas lang kami ng edad 29 at nasa legal age na kami para maikasal kaso ayaw niya daw muna kasi may mga kapatid pa siyang pinapaaral. Sinabi ko naman sa kanya na tutulong ako sa pagpapaaral ng kapatid niya ngunit ayaw niya talaga kaya heto ako mgayong badtrip na badtrip.

"Looks like you are not in the mood, sabihin mo anong nangyari?" tanong ni mama. Bumuntong hinga muna ako, "Ma, please lang wag muna ngayon" sambit ko. Napatikom naman ang bibig niya. Umakyat na ako papuntang kwarto at padabog na nanilagay ang bag ko.

Napaupo ako sa kama at napatulala, iniisip ang mga bagay na sinasabi ni Israel sa akin kanina.

"Alam mo namang mahirap lang kami at ako ang nagsisilbing breadwinner nila dahil wala na si papa" sambit niya napasimangot naman ako. Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.

"Sabi ko kasi sayo maghintay ka lang, darating din tayo diyan" sabi niya habang sinasagutan ang modules ng kapatid niya kaya mas lalo akong napasimangot ang ayoko sa lahat ay hindi nila nagawang pagbigyan na gawing totoo ang mga pangarap at gusto ko.

"Tutulungan naman kita sa pagpapaaral sa kanila, okay na okay ako non" sabi ko. Tumigil siya sa pagsagot. Tinignan niya ako gamit ng nagmamakaawa nitang mukha, sign na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Wala naman akong nasabing mali ah?

"Ayokong gumastos ka" aniya. Ayan na naman yan! Gusto niya siya palagi ang masusunod kesyo daw babae daw ako, kesyo daw nahihiya siya. Talaga? Di ba pwedeng gumastos kapag babae ka?

"Bakit ba kasi ayaw mo tayong magpakasal?" tanong ko ulit. Ngumiti siya ng peke. "May mga bagay na di dapat madaliin at kelangan mo pang siguraduhin" sabi niya. Kaya heto ako ngayon nakaupo lang sa kwarto nakatulala.

So di pala siya sigurado sa akin kung ganun?

"Anak?" kumatok si mama at tinawag ako. Ganun siya sakin kahit sasabihin kong wala ko sa mood ay mangungulit pa rin yan.

"Pumasok ka po" ani ko, agad naman pumasok si mama na ngayon ay may dalang paper bag. Ano na naman itong regalong to?

Noong nakaraang araw kasi may regalo na natanggap ko galing sa di kilalang tao, isang gucci bag. Alam kong kilala ito ni mama at papa kaso ewan bakit di nila sasabihin sakin. Tanong ako ng tanong sa kanila kong
sino at tanging isasagot nila lang ay "malalman mo rin"

"Ano po ito ma?" tanong ko, ininguso ni mama ang paper bag na para bang sinabing, buksan ko nalang daw. Tinignan ko ang laman isang simple na red-dress. Mukhang mamahalin ulit. Kanino ba talaga galing ito at parang ang mahal naman ng mga pinnabibili niya?

"May pupuntahan tayo next Friday. Dapat iyan ang isusuot mo" aniya. Kahit nalilito ako ay tumango parin ako. Lumabas na si mama sa kwarto ko at agad namang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at pangalan agad ni Israel ang bumungad sa akin. Napangiti ako. Oo marupok na ako. Sinagot ko na ito.

"Baby, let's date?' aniya. Para naman akong timang na gumulong gulong sa kama ko at narinig ko pang napatawa ang kabilang linya. Sumang-ayon ako sa sinabi niya.

Nagkita kami sa isang restaurant, kanina pa ako dito naghihintay sa kanya, mga isang oras na ngunit wala pa siya. Aalis na sana ako nong bigla ko siyang nakita may babaeng kausap, tumawa tawa pa nga sila e. Ito ba ang dahilan kaya ayaw niyang magpakasal sa akin? May iba na pala siya? O baka kaibigan niya? Aba hindi ko alam.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now