OS181: I NEVER THOUGHT IT WAS YOU WHO CAUGHT MY HEART

5 0 0
                                    

I NEVER THOUGHT IT WAS YOU WHO CAUGHT MY HEART

"You must be really sad." Cindy said. I sighed and nodded a bit. "Don't worry, do your best next time." she hugged me. My heart beats fast when she did that one.

We're bestfriend since Grade 7 up until now and since then, I have a big crush on her. Hindi ko lang kayang aminin dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Hindi maayos ang kalagayan ko ngayong araw. Nakakuha ako ng pinakalowest na score sa dance activity namin and nakakahiya lang dahil ipinagyayabang ko ang kakayahan ko sa pagsasayaw. I really thought that it was my talent but seems like it's not.

"Ethan, don't be sad. You did a great job." sabi niya. I smiled para naman hindi siya mag-alala sa akin.

Inilibot ko ang aking mga mata at nakita ko ang kahihiyan ng mga classmates namin. I smiled. Well, hindi ko sila masisisi. Mataas ang expectation nila sa akin na gagalingan ko sa sayaw na ito but ayun nga, disappointed sila.

Nauna na akong umuwi at agad dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Agad naman din akong nilapitan ni mama at tumitig siya sa akin. "How's the activity?" tanong niya. Napabuntonghinga naman ako at hindi siya sinagot. I'm sorry, mom.

Pumasok ako sa kwarto ko at agad humiga sa kama. Napatitig ako sa kisame at inalala ang nangyari kanina. Malungkot man ako ay naging masaya naman nong niyakap ako ni Cindy. I can't stop myself from smiling lalo na nong itinext niya ako. Cheering me up.

"Pupunta ako sa inyo bukas." sabi niya sa text. Hindi lang ako nagreply dahil wala akong load at isa pa kahit sasabihin kong wag siyang pupunta dito, matigas parin ang ulo non.

Tomorrow is Saturday and wala kaming pasok so pwedeng-pwede makapunta si Cindy sa bahay.

Nagulat ako sa biglaang pagkatok ni mama. Hindi pa man ako sumagot ay pumasok na siya. May dala siyang pagkain na nilagay niya sa table na nasa tabi lang ng kama ko..

"Tinawagan ako ni Cindy at sinabi niya sa akin ang nangyari kanina." I remained silent at hinintay ang sunod na sasabihin niya.

"Alam mo, hindi tayo gagaling kapag hindi tayo nakaranas ng pagkatalo. Hindi natin maiimprove ang kakayahan natin kung walang pagsubok na haharapin kaya huwag kang sumuko. Support lang naman ako sayo. Tandaan mo iyan." she said. I stayed quiet hanggang sa lumabas na siya.

Napabuntonghinga naman ako tumayo na para kunin yung pagkain at kumain. Mom is always there for me.

Nakatulog agad ako pagkatapos kong kumain.

Pagsapit nang umaga, nagising lamang ako dahil sa isang hampas ng unan and kilala ko na agad kung sino ang humampas. Cindy, imbis na mainis o magalit, napangiti naman ako sa ginawa niya. Sigurado akong mamimiss ko 'to kapag aalis siya sa tabi ko.

Kaya nga ayaw kong magconfess, mas gusto ko pang manatili sa ganito.

Kadalasan sa mga magkakaibigan, may posibilidad na gusto n'yo ang isa't-isa at natatakot lang na sa oras na magconfess na, masisira ang pagkakaibigan. Mas mabuti na siguro yun.

"Oh bakit bihis-bihis ka?" tanong ko sabay hikab. Nagulat ako nang hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa mukha niya. Napalunok ako. Ang ganda ng bilog nyang mga mata. Pinilit ko ang sarili kong tumitig sa kaniya kahit gusto ko nang umiwas dahil sa sobrang bilis nang tibok ng puso ko.

"Ang pangit mo," aniya at biglang natawa. Inalis ang mga kamay niya. Akala ko naman ano na ang gagawin niya. "Maligo ka na't magbihis, may pupuntahan tayo" tsaka ay lumabas na siya sa kwarto. Nagtataka naman ako kung saan kami pumunta ngunit ginawa ko ang sinabi niya.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now