OS146: ANG GIRLFRIEND KONG TOMBOY

5 1 0
                                    

ANG GIRLFRIEND KONG TOMBOY

"Babe, wear this dress." sabi ko. Tinitigan niya lang ang bestidang iyon at napakunot ang noo. Umiling siya tsaka ay dumiretso sa cabinet ko kaya napabuntonghinga na naman ako. Ayan na naman, nanguguha na naman ng damit ko.

"Pahiram nito," sabi niya tsaka kinuha ang jersey shirt ko tsaka iyong pajama kong baymax. Napabuntonghinga naman ako at hindi nalang nagreklamo.

Kahit ganyan siya, gusto ko parin yang tomboy na yan. Niligawan ko siya kahit alam kong tomboy siya and akala ko hindi niya ako sasagutin pero sinagot niya ako.

Nong una, ginawa lang pala niya akong pampaselos sa ex niyang babae pero no effect kasi sa akin nagkagusto yung ex-gf niya. Natuwa pa nga ako dahil imbis magselos ang ex-gf niya, nagselos siya dahil daw bakit nagpaagaw daw ako sa babaeng iyon.

Hindi ko din inexpect na magtatagal kami. Siya yung tipo na girlfriend na mas lalaki pa sa akin. May time nga na yung mga dress na binili ko sa kaniya, ipapasuot niya sa akin.

"Babe, I can't wear this!" sabi ko. Nilakihan niya naman ang mata niya kaya nagpout ako. Ngumiti siya tsaka ay itinulak ako sa loob ng kwarto para daw magbihis. Nagdadabog pa nga ako.

Pero naging mabait lang nang nagsalita na siya. "Bilisan mo diyan, aalis na tayo" aniya. Napasimangot ako at nagbihis niya. Paglabas ko naman ay agad na niya akong hinila papalabas. Oh diba, mas siya pa yung lalaki kesa sa amin. Hindi naman ako makaangal dahil takot ako sa kaniya.

Madalas naman akong makalabas na nakaganito kaya parang hindi na ako nahihiya sa iba.

Tuwing may period naman siya ay naging babae naman, sobra ang lambing niya sa akin. Mas mabuti nga siguro palagi nalang siyang magkakaperiod para sweet siya palagi sa akin. Pero naaawa ako, nagdydysmenorrhea kasi yan. Ayoko naman siyang palaging umiiyak sa sakit. Pero kinikilig lang ako sa tuwing yayakapin niya ako.

"Babe, ang sakit ng puson ko" aniya. Napangiti naman ako.

"Sabi mo lalaki ka?" pang-aasar ko but wrong move kasi bigla niyang hinampas yung ano ko, basta yung ano ko, yung egg and hotdog ko. Ako naman ngayon ang namimilipit sa sakit. Natatawa naman siya.

Everytime naman bibisita yung mga barkada ko sa bahay ay pinapasuot talaga niya sa akin yung barbie na T-shirt and flowery na shorts. Ayun ay pinagtatawanan na ako ng mga barkada ko. Sumali pa siya sa pagtatawa.

And nagulat pa nga ako nong nagpropose siya sa akin. Ako yung lalaki pero mas mukha siyang lalaki, siya pa nga nagpropose sa akin. Nababaliw na ang babaeng ito.

"Gusto ko sa kasal natin, ikaw yung magwedding gown" aniya habang magkatabi kami na nakahiga sa kama.

"Ikaw yung babae" sabi ko. Pero kinurot niya yung pisngi ko. Sobrang sakit kaya ay napapayag ako.

Dumating nga ang araw ng kasal at tulad ng napag-usapan, ako ang nagsuot ng wedding gown at siya naman sa tuxedo.

Kahit ganito 'tong girlfriend ko, I mean asawa ko, mahal na mahal ko 'to.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now