OS38: MY CHILDISH BOYFRIEND

16 1 0
                                    

'MY CHILDISH BOYFRIEND'

"Babe, tara" sabi nya. Alam ko kung ano na naman yan.

"Ayoko. "

"Sige naaa"

"Ayoko nga"

"Dali na, maglalaro lang naman tayo eh"

Takteeeng jowa to grrr. Akala nyo ML, lalaruin nyan? Mali kayo.

Maglaro daw kami ng BARBIE AH, BARBIE.

"Hoy bakla, ayoko nang maglaro 18 years old na ako, tas ikaw 20 na" sabi ko. Nagpout sya at umirap. Nge. Bakla talaga

"Di mo ako lab"

Ayan na, nagtatampo na naman. Di ko to matiis.

"Pasalamat ka mahal kita kahit ganyan ka"

Bigla naman lumiwanag ang mukha nya, grabee kahit kailan talagaaaaaa Hays.

"Oh sige ikaw tong si Princess Ara tas ako naman si Claire" sabi nya

Umirap ako.

"Babe naman e, wag mo akong sungitan Dali na, oh ito kunin mo na si Princess ara" sabi nya sabay bigay sakin sa barbie. Maloloka na ako nito.

"So ngayon, birthday ko daw tas inimbitahan daw kita sa bahay" sabi nya. Kulang nalang talaga.

"Di mo naman birthday ngayon ah?" sabi ko. Ayon sinamaan nya ako ng tingin. Aysus bakla. "Babe naman, sumabay ka nalang naglalaro lang tayo" naiinis nyang sabi.

"Ay ewan, ayoko ng maglaro sayo nayan si Princess Ara, matutulog na ako" naiinis na sabi ko. Binigay ko sa kanya yung Barbie. Pumasok ako sa kwarto at humiga. Grabe, ba't ko ba nagiging jowa gun? Anong nagustuhan ko sa kanya. Tss. Pinikit ko ang mga mata ko para matulog na sana kaso nararamdaman kong may biglang yumakap sakin kaya nilingon ko. Kaya napangiti ako, sweet talaga tong lalaki to kahit childish to.

"Oh, tapos ka ng maglaro ng Barbie?" tanong ko. Tumango naman sya at sinubsob nga ang ulo nga sa leeg ko. Kaya mahal na mahal ko to e.

"Babe, tara sa mall" sabi nya. Yieeee.

"Date tayo? "tanong ko. Yieee kinikilig ako

"Hindi. Bili tayo bagong Barbie"

Ay tangina.

So ayon nga, hindi ko sya matiiis kaya sinamahan ko sya dito sa mall. Grabee ang saya nga nga nong tumayo ako at nagbihis. Tss. Wengya talaga,

"Don tayo babe" toro nga sa may mga cars. Oh akala ko ba barbie? Cars na naman?

"Oh, ayaw mo na sa Barbie?" tanong ko habang sumusunod sa kanya.

"Mamaya nayon. " Aniya at dali-Dali ng pumili ng cars. Tss. Kung di ko lang talaga sya mahal, kanina ko pa sya sinapak dito. Aish. Ako ang nahihiya pinagtinginan na kami dito.

"Babe, tulungan mo akong mamili dito" sabi nya at hinila ako. "Ano namang pipiliin ko e, pare-pareho lang tong mga laruan na to. Tss" umirap ako

"Ang sungit mo talaga babe hmp. "

Ayun nagpout sya. Ang kyut kyut nga. Sarap suntukin. Wala akong magawa. Di ko talaga sya matiis.

"Oo na, oh itong color red maganda" sabi ko

"Mas maganda pa nga yung color blue e" pagrereklamo nya

Aba't, nagpapatulong tas nagrereklamo? Baliw na ba tong jowa ko?

"Ayoko ng tumulong, nagrereklamo ka" sabi ko at iiwan na sana sya pero hinila nya ako at niyakap.

"Wag mo akong iwan dito" sabi nya at kumawala sa yakap. Ito namang lalaking to, hilig magpakilig. Oo na kahit banyan tan, kinikilig naman ako sa kanya.

"Oo na dito lang ako, bilisan mo dyan"

"Aye aye captain"

Napangiti ako, Hays. Maraming na syang naging jowa (ex) pero ako lang daw nagstay sa kanya. Yung mga ex nga daw kasi ay naiinis kasi childish nga sya. Eh, wala namang problems sakin fun. Tanggap ko king ano sya. Ex nya kasi mukha lang ang habol sa kanya. Sarap sapakin ng mga ex nya.

"Babe?" tawag nga sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"I love you"

Tang-ina, namumula na ako.

"R-rest room muna ako" nauutal kong sabi. Tumango lang siya. Grabi magpakilig yun.

Nong nasa comfort room na ako ay naghilamos ako. Umihi din ako. Lalabas na sana ako sa cubicle pero biglang kumulo yung ulo ko sa narinig ko

"Kita mo yung lalaking yun? Ang childish talaga kaya nga nakipagbreak ako sa kanya e HAHAH" sabi nong babae. Ex siguro.

"Oo nga bes, buti pa nga. Gwapo sana kasi isip bata HAHAH. Tanga nalang ang papatol sa kanya HAHAHA" sabi nong kaibigan.

Ngina. Masasapak ko ito. Nong wala na akong marinig ay lumabas na ako at bumalik na sa kanya. Sa hindi malayo ay nakikita ko syang nakaupo may kargang bata, kaninong bata yun?

Napahinto ako at tinitigan sya.

Okay lang sakin na banyan ka babe, ang important mahal kita, wala along pakialam kung anong sasabihin ng iba.

"UY BABE! DITO" tawag nya sakin kaya dali-dali akong lumapit.

"Kaninong bata yan?"

"Ah, ibinilin--- ah yun na pala yung ina e" sabi nga sabay turo sa likod ko.

"Iho salamat, ah ang bait mo. Girlfriend mo ito?" tanong ng aling

Proud na syang tumango. Ngumiti naman ako kay aling

"Bagay kayo, sana kayo na hanggang dulo. Hihihi salamat talaga iho, ang baet mo. Oh iha, ingatan mo yang jowa mo ah? Minsan ka lang makakita ng ganyang lalaki" bulong nya sakin kaya napangiti ako at tumango. Nong umalis na si aleng ay napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya. Ano kayang nasa isip nito?

"Di mo ako iiwan?" tanong nya

"Hindi, bakit naman kita iiwan?"

"Good, akala ko kasi iiwan mo din ako kasi childish ako." Yumuko sya. Angcute.

"Ano ka ba, di ako katulad sa mga gagong ex mo no--"

Lumapit sya sakin at niyakap ako. Kaya napahinto ako sa pagsalita at niyakap sya pabalik.

"I love you babe, akala mo ako lang ang maglalaro nitong mga binili ko? HAHAH you're wrong. Para I to sa mga future anak natin. I collected many toys for them" sabi nya. Ow how sweet.

"Ngek, anak agad?"

"Kaya nga future diba? Kasi magpakasal pa tayo bago magkaanak"

"So ibig sabihin, di ka na maglalaro?" nakangiting tanong ko kahit alam ko ang sagot nya.

"Hindi. Maglalaro parin tayo sa bahay"

"HAHAHA ikaw talaga"

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now