OS141: THE BOOK WHERE SERGIO IS THERE (THE STORY OF THE BOOK TRAVELER PART 2)

2 1 0
                                    

THE BOOK WHERE SERGIO IS THERE (THE STORY OF THE BOOK TRAVELER PART 2)

Nakatambay lamang ako sa mini-library at nagbasa lamang ng mga libro. Simula nong araw na nabalik na ako sa bahay ay hinding-hindi na ako nagakaroon ng oras na magtravel sa ibang book. Kahit pinipilit kong magbasa ng mga kuwento ay hinding-hindi na ako nakabalik doon.

"Anong kuwento ang binabasa mo?" tanong ni daddy tsaka hindi ako nagsalita at pinakita lamang yung libro. Binalik naman kaagad ni daddy sa akin iyon at nagpaalam na umalis. Si mommy naman ay naghanda lang ng pagkain para umalis na papunta sa trabaho.

Ako na naman mag-isa sa bahay. Hindi pa naman pupunta yung personal teacher ko dito kasi busy daw kaya ay nandito lang ako sa library para magbasa ng mga mga libro.

Habang nagbabasa ako ay nakaramdam ako ng antok at pinipilit ko ang sarili ko na hindi makatulog ngunit hindi ko mapigilan. Prang may humihila sa akin upang matulog at nong nakatulog na ako ay bigla akong may nakitang hagdan. Tinitigan ko iyon tsaka ay nagdadalawang-isip ako kung aakyat pa ako doon. Pero dahil alam ko namang nasa panaginip lang ako ngayon, umakyat ako at sa itaas ay may nakita akong isang maliwanag na pintuan.

Kapag ba papasok ako sa pintuan na ito, makikita ko si Sergio?

Inihakbang ko ang isang paa ko at halos kabahan ako nang may malakas na hangin ang nagtulak sa akin papasok doon. Nasa isang kagubatan.

Ang ganda ng kagubatan. May mga sari-saring bulaklak dito at di ko maiwasan ang mamangha sa mga nagalakihang mga puno. Ang mga huni ng ibon na kay sarap sa tenga.

Naglalakad ako sa daan dito at inilibot ko lamang ang mga mata ko para ipamilyar ang lugar na nandito. Maganda ang kagubatan na ito and at the same time, nakakatakot dahil habang naglalakad ako ay may nakita akong buto ng tao doon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may narinig akong sigaw ng tao na kay lapit lang dito sa akin.

"Tulong!" sigaw nito. Boses ng babae. Inihakbang ko ang mga paa ko upang magpatuloy na sana nang may narinig akong mga boses ng tao na para bang namimilipit sa sakit. Iyakan at sigawan.

Dahan-dahan akong lumapit sa isang puno at sumilip sa isang lugar na feeling ko doon galing ang mga sigawan. Napalunok ako. Hindi naman ganitong kuwento ang binasa ko. Bakit ako nandito?

Kung nagtataka kayo kung ano ang nakikita ko, mga tao na kumakain ng kapuwa tao. I read some informations about it. They are called cannibals. I gulped. Romance story iyong binasa ko ngunit bakit ako napunta dito? Gusto ko lang naman makita si Sergio.

Habang sumisilip ako dito ay nagulat ako nang may humila sa akin at tumakbo kami papalayo sa lugar doon. Napakahigpit ng hawak niya at narinig ko na din ang mga yapak ng mga cannibal na humahabol sa amin.

Kinakabahan na ako, kakainin na ba nila kami ngayon? Napatitig ako sa lalaki at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Sergio?

Bumilis ang tibok ng puso ko at tatawagin ko na sana siya sa pangalan niya nang may biglang cannibal na muntik na akong mahilla at buti nalang ay nasaksak ni Sergio ng kutsilyo. Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa napunta kami sa isang tent na feeling ko ay safe naman doon. Hindi na kami naabutan ng mga cannibal.

"Oh tubig" aniya tsaka iniabot sa akin ang tubig na nasa isang bote na gawa sa kahoy. Astig. Uminom ako tsaka ay binugay sa kaniya. Naupo siya sa tabi ko at ako naman nakatitig sa kaniya.

"Long time no see, Sergiom" sabi ko. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. "Ngayon lang kita nakita rito, ano bang ibig mong sabihin? At bakit alam mo ang pangalan ko?" aniya. Ngayon naman ay ako ang nagtataka.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now