OS178: UNTITLED

1 1 0
                                    

I found his diary inside his bag. As I open the first page, I smiled. I already knew that it's all about me.

Kinikilig pa nga dahil andaming matatamis na salita ang nababasa ko tungkol sa akin. Hindi lamang pala iyon basta-bastang diary kundi may mga confession din na nandoon.

"I love the way you smile"

I smiled.

"I love your hugs and kisses"

Mas lalo pa akong kinilig. Palagi niya itong sinasabi sa akin.

Patuloy ko paring binabasa ang mga nakasulat roon hanggang sa naabot ko na ang last page.

Halatang kanina niya pa ito sinulat dahil sa nilagay na date. Ngumiti ako ng peke nang mabasa ang pangalang nakasulat doon at may litrato pa.

"This diary is all about you. I hope you'll know. I miss you and I still love you."

Sinara ko yung diary niya tsaka ay biglang tumulo ang mga luha ko.

The girl on the picture is not me.

It's her ex-girlfriend.

Napansin ko naman ang pagbukas ng pinto kaya ay dali-dali kong binalik iyon sa bag niya.

Nang makapasok na siya ay ngumiti siya at lumapit sa akin upang halikan ang pisngi ko.

"I'm leaving, please tell tita na uuwi na ako. I love you."

Simula nong naging kami ay hindi pa niya ako nahahalikan sa labi at kung tatanungin ko naman siya ay sasabihin niyang nirerespeto niya ako kahit alam ko namang nireserve niya ang labi niya sa ex-girlfriend.

Nagkunwari lamang akong masaya nang niyakap niya ako at nagkunwaring hindi alam ang katotohanan.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now