OS123: HE'S INLOVE WITH A DOPPELGANGER (BxB)

6 1 0
                                    

HE'S INLOVE WITH A DOPPELGANGER (BxB)
Dedicated to: Justine Lee

"Justine, diba pupunta ka sa bahay ng kaibigan mo?" tanong ni mama sa akin. Walang buhay ako na tumango kaya ayun ay nakurot ang tenga ko. "Sagutin mo nga ako ng maayos" aniya.

"Eto na nga, oo pupunta ako doon" sabi ko at umirap kay mama. Binitawan na niya ako at may binigay siya saking isang supot. "Ano 'to?" tanong ko sa kaniya.

"Pinapatahi ng mama niya. Pakibigay, sabihin mong 120 yan" aniya. Tumango naman naman ako sa kaniya at nagpaalam na umalis na.

Sa paglalakad ko ay andaming mga papa boys sa basketball court kaya sumilip naman ako ng ilang minuto doon pero agad akong napalunok ng makita ko yung half fili, half thai na anak ng kapitan. Syempre kilig si ako no. Lalo na nong napalingon sa sa direksiyon ko at ngumiti. Ang gwapo niya mga mare.

Tinignan ko ang relo ko. Ay tangek, baka pagalitan na ako ni Nesly nito. Kailangan ko nang pumunta sa kanila. Hindi naman kalayuan ang basketball ball sa bahay nila. Malapit na nga ako e. Ang problema lang, maraming mga babae ang titili kapag dadaan ako. Di nila alam na lalaki din ang nais ko.

Hindi naman sa naiinis ako pero naiirita lang ako sa boses nila. Palagi nilang sinasabi na gwapo ako. Dzuh, maganda ako.

"Hoy bakla, ba't ngayon ka lang uy?" nagulat naman ako sa biglang bati ni Nesly sa akin. May pahampas pa na nalalaman 'to. "Nahinto ako don sa basketball court te, grabe andaming mga bebeboys." kinikilig ko pang ani. Hindi naman maiguhit ang mukha ni Nesly.

"Akala ko ba si kuya yung crush mo? Kaya ka nga nandito dahil-" agad ko namang tinakpan ang bibig niya. "Alam mo ikaw, masyado kang maraming nalalaman, tara nga pasok na tayo magmomodule pa tayo." sabi ko at umirap namab siya sa akin kaya natawa ako. Pagkapasok ko doon ay agad kong ibinigay kay tita ang pinapatahi niya tas sabi ko mamaya nalang yung bayad o di kaya bukas. Para may idadahilan ako kay mama para mapunta dito.

Crush ko ang kuya ni Nesly na si Neo. Masungit siya pero keri lang, gwapo naman siya. Macho sobra. Naiimagine ko nga yung nasa mga pelikula yung Thai Boys Love na mga pelikula. Iniimagine kong kaming dalawa ang bida.

"Nesly, nasaan pala yung kuya mo?" tanong ko. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. "Hindi mo ba nakita doon sa basketball court kanina?" umiling lamang ako. Napatango-tango naman siya saka ay sinagutan na ang modules niya.

"Baka nandiyan lang siya sa kwarto niya." napangiti naman ako. Saktong paglingon ko ay nakita ko ang kanyang kuya na lumabas sa kwarto nito at ngumiti sa akin. Wow, himala ngumiti. Ayoko namang disturbuhin si Nesly kasi masyado sitang seryoso sa kakasagot ng modules. Di bale, kokopya nalang ako sa kaniya. Pwede naman siguro 'tong landiin diba?

"Hi kuya Neo!" maligayang sambit ko. Tumango naman siya at ngumiti naman siya sa akin. Syempre kinilig ang mudrabels nyo. Hindi na ako nagpaalam kay Nesly tsaka ay sinundan si kuya Neo papalabas ng bahay.

Himala ata, maganda siguro ang mood. Nalulungkot lang ako baka may girlfriend na siya? Wag naman sana. Gusto ko pa siyang jowain no.

"Marunong ka maglaro ng basketball?" tanong niya sa akin dahilan ng pagkabigla ko. Enebe, keye neye.

"O-opo."

Ngumiti siya sa akin at sinenyasan akong lumapit sa kaniya. Pagkalapit ko ay agad naman niyang binigay sa akin ang bola. "1v1"

I smirked. Tinatago ko lang na kinikilig ako.

At yun nga ay naglaro kami. Ang saya niya kalaro. Nakakakilig. Nahinto lamang kami dahil sa pagtawag ni Nesly sa akin. Pumasok naman ako sa loob at si kuya Neo naman ay naglalaro lang sa labas. "Saan ka ba galing?" tanong niya. Pero syempre ayokong sabihin na naglalaro kami ng kuya niya so ngumiti lamang ako.

"Para kang timang diyan, saan ka nga galing?"

"Diyan lang!" sabi ko tsaka ay nagkakamood na ako magsagot ng modules.

Sa sumunod na araw na pagpunta ko sa kanila ay nag-iba na naman ng mood ng kuya ni Nesly. Kapagmagha-hi ako ay hindi niya ako papansinin kaya sa huli ay napapagalitan ako ni Nesly.

May mga araw din naman na ngumiti siya sa akin kaya nalilito na ako pero syempre kinikilig ako no. Kahit naman sungitan ako ni Kuya Neo. Kilig parin ako no. Pero mas gusto ko parin yung side niya na ngumingiti siya sa akin.

"Nes, punta tayo sa inyo." pag-ayaya ko kay Nesly. Nasa bahay na naman kami ngayon because dito naman kami nagmomodule pero mas gusto ko doon sa kanila para naman makita ko ang kuya Neo niya. Palagi lang kasi yun sa bahay nila. Kung wala naman sa bahay ay ay court lang naglalaro.

"Ang daya naman nito! Ngayon pa nga lang tayo nakapagmodule dito sa bahay nyo tapos doon ulit tayo sa bahay namin! Gusto ko ngang makatakas kay mama e!" reklamo niya sa akin. Sumimangot naman ako. Gusto ko lang naman din makita si kuya Neo e.

"Sige na nga, kelangan nating matapos tong modules natin tapos pupunta tayo sa bahay" aniya. Natuwa naman ako tsaka ay niyakap ko siya. Sobrang bait talaga nitong bestfriend ko. "Bitaw! Kadiri!" aniya. Napatawa naman ako sa kaniya

"Anong oras tayo pupunta doon?" tanong ko. Naiinis naman niya akong nilingon pero agad naman ding lumingon pabalik sa sinasagutan niya. Grabe kaya hindi to nagkakagirlfriend 'tong babaeng to. Napakasungit.

Akala ko ay pupunta na kami doon sa bahay nila kaso huminto pa kami sa basketball court. Inilibot ko naman ang paningin ko at sobrang gwapo naman ng mga bebeboys dito. Hehe.

Napatingin naman ako sa kumaway sa akin. Kuya Neo? Tatawagin ko na sana si Nesly pero busy siya sa pakikipag-usap sa isang staff sa court kaya ako nalang ang kumaway kay kuya Neo. Ang ganda ng ngiti niya.

Nagkakagusto naman ako sa babae noon ngunit simula nong nakita ko si kuya Neo ay doon na ako nagsimulang maging bakla. Ang gwapo naman kasi ni kuya Neo e. Lalapitan ko na sana siya ngunit nabigla ako sa paghila ni Nesly sa akin. "Aray"

"Wag kang lumandi diyan! Gusto mong pumunta sa bahay diba?" tanong niya habang hilang-hila pa ako.

"Huwag na, gusto ko dito. Nandito si Kuya Neo e" sabi ko kaya napalingon siya sa akin saglit na may nakakakunot na noo. Pagkatapos non ay dumiretso na kami sa bahay nila.

Pagkapasok namin sa bahay ay nagulat ako dahil nandoon naman si Kuya Neo. Nakasimangot siya sa aming dalawa ni Nesly. Pero ang pinagtataka ko lang ay sino yung lalaking nasa basketball court kanina?

"Saan ka galing?" tanong ni kuya Neo kay Nesly, hindi talaga ako pinapansin. "Nagmomodule lang kami sa bahay nila Justine." sabi ni Nesly. Lumingon naman si kuya Neo sa akin at sumimangot. Ngingiti na dapat sana ako e.

Nagsimula na akong kabahan sino iyong lalaking nakita ko kanina sa court?!

"Maglinis ka ng bahay, pupunta dito si Rina." aniya. Tumango naman si Nesly tsaka ay yumuko nalang din ako. Tutulungan ko na nalang pala si Nesly.

Pumasok na si Kuya Neo sa kwarto niya dahil may biglang tumawag sa kaniyang cellphone.

"Sabi ko na e, wag si kuya ang landiin mo" aniya tinanong ko naman siya kung bakit at kung sino si Rina.

"Girlfriend niya yun!" sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Eh? Sino yung neo na kalandian ko?

Speaking of that Neo, may nakita akong kamay sa tabi ko kaya napakunok ako. Napatingin ako sa mukha. Napalunok ako nakangiti si kuya Neo sa akin. Who is this?

"Nesly! susunduin ko muna si Rina!" sigaw ni kuya Neo sa likuran. Tumango lamang si Nesly tsaka ay nagpapatuloy lang sa paglilinis na tinulungan ko naman siya. Napalingon naman ako doon.

Dalawang Neo.

Dahan-dahan naman akong napatingin sa Neo na nasa tabi ko at ngumiti siya sa akin. Sumigaw naman ako at pumikit. Pagkadilat ko sa mga mata ko ay si Nesly na ang nakita ko. "Ano ba nangyari sayo bakla!?" nag-alalang tanong niya.

I'm inlove with kuya Neo's doppelganger.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now