OS150: YOU BETRAYED ME AND I KNOW THAT YOU'LL NEVER FEEL SORRY

4 1 0
                                    

YOU BETRAYED ME AND I KNOW THAT YOU'LL NEVER FEEL SORRY

"I will make you happy and I will love you forever."

-

(Warning: This may contain vulgar words and matured contents.)

"Have you eaten already?" he asked. Tumango lang ako akala ko naman may sasabihin pa siya ngunit tumango din siya at dumiretso na papalabas ng bahay. Napabuntonghinga naman ako nang naisip kong ako na naman mag-isa dito sa bahay namin.

We're married for almost 1 year. Hindi parin kami nagkakaanak dahil base sa sinabi ng doctor may Polycystic ovary syndrome (PCOS) ako. Women with PCOS can struggle to become pregnant and are at higher risk of developing complications during pregnancy.

Minsan lang naman niya ako nagamit and minsan ay gumagamit din siya ng proteksiyon. Natatakot ako dahil sa kalagayan ko. What if he'll get tired of me? Paano kung napapagod na siyang maghintay na mabuntis ako?

It's been a month simula nong last make love namin. He became so moody at palagi na siyang aalis sa bahay ako naman dito palagi lamang naghihintay sa kaniya. Hindi niya rin ako pinapatrabaho dahil nga may sakit din ako sa puso kaya mahina talaga ako. Thankful nga ako sa kaniya dahil sa pamamagitan non nararamdaman ko ang pag-aalaga niya sa akin.

Even though, konti nalang ang oras niya sa akin, tinatanong niya parin naman ako kung kumain na ba ako, nainom ko na ba ang gamot ko o nakatulog ba ako ng maayos. Pero hindi na siya tumatabi sa akin tuwing gabi. May sarili na siyang kwarto. Kompara noong magjowa pa lang kami, ayaw niyang mahiwalay sa akin, gusto niyang magkatabi kami habang matutulog.

Napakasweet niyang jowa noon ngunit ngayong naging asawa ko na siya, hindi na. Naintindihan ko naman dahil busy siya sa trabaho para naman yun sa aming dalawa.

Tinawagan ko ang aking kaibigan para magpabili ng snacks at swerte ako dahil pumayag siya. She's Roselyn, she's always there for me. Siya naman palagi ang nandiyan sa akin. Inaalagaan din niya ako.

Pagdating niya ay agad nangunot ang noo niya. "Oh nasaan mister mo, inday?" tanong niya. Napangiti ako at napakibit-balikat. Umirap na naman siya sa kawalan.

"Naku, Rhea ah, napaghalataan ko na yang mister mo. Naalala mo ba yung sinabi ko sayo kahapon? Nakita ko na naman silang dalawa nag-uusap doon sa isang parke. Kapag ikaw niloko niya, Bubugbugin ko yang pagmumukha niya" aniya. Napalunok ako. Hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya dahil minsan sinungaling din itong kaibigan ko. Natawa lang ako sa sinabi niya. Halos hindi naman siya makapaniwala sa naging reaksiyon ko.

"So ganyan lang reaksiyon mo? Di ka ba natatakot? Mag-asawa na nga kayo tapos wala pa kayong anak. Tas tignan mo 'tong asawa mo may kinakausap pa na ibang babae. Hoy! Rhea!" sabi niya. Napatitig lang ako sa kawalan at napaisip. What if totoo nga yung mga sinasabi niya?

"Malaki ang tiwala ko sa mister ko, alam kong hinding-hindi niya iyon magagawa." sabi ko. Napatitig lang si Roselyn sa akin. Halos hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Kumain lang kami dito at maya-maya ay umalis na siya dahil tumawag ang kaniyang kapatid, magpapasundo sa airport. Isasama naman sana niya ako kaso ayoko baka kasi bigla uuwi si Dino sa bahay. Baka hanapin niya ako.

Habang ako lang mag-isa dito, hindi ko maiwasan ang mapaisip ng mga bagay-bagay tungkol sa kalagayan ko. Palagi lang naman ako nag-iisip ng ganun. Natatakot lang.

Pagkauwi niya sa bahay, dumiretso siya sa kwarto niya. Hindi man lang ako binati kaya ay sinundan ko siya pero isinara naman niya yung pinto.

Ilang araw na nmganun ang eksena. Minsan nga ay binibisita ko siya sa opisina niya. Pero palagi niyang sasabihin na busy siya at hindi daw dapat iniistorbo kaya ako naman ay uuwi nalang. Naintindihan ko naman siya dahil isa siyang programmer sa isang company at alam kong mahirap ang trabaho niya.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now