OS91: THE MAN WHO WANTS THE POISONOUS FLOWER

6 1 0
                                    

THE MAN WHO WANTS THE POISONOUS FLOWER

May limang kabayong huminto sa syudad ng Emon sakay ang mga tauhan ng kaharian na may dalang nakalukot na isang papel. Ang mga tao ay agad nagsisidumugan dahil sa alam na nilang may importanteng balita na nais iparating ng mga tauhan na ito.

"Magandang umaga, kami ay pinadala ng hari upang ipag-alam sa inyo na nakapagdesisyon ang hari na maghahanap ng lalaking ipapakasal sa ating mahal na prinsesa."

Nagbubulungan ang mga tao doon lalo na ang mga kalalakihan.

Kailanman ay hindi pa nila nakikita ang prinsesa dahil sa itinago ito ng mahal na hari doon sa isang pribadong lugar. Nakatira ito sa kubo kasama ang kanyang pinakapaboritong maninilbi.

"Kung sino man ang makapagbibigay o makakagawa ng mga sasabihin ng ating mahal na hari ay siyang mapapangasawa ng mahal na prinsesa."

Nagsigawan ang mga tao. May mga ina pa nga na pinipilit yung mga anak nilang binata na sumali sa ipapagawa ng mahal na hari ngunit may edad na binabasehan. Mula sa 18 taong gulang hanggang 26 taong gulang lang ang pwedeng sumali.

"Sa susunod na linggo ay babalik kami upang ibabalita sa inyo kung ano ang ipapagawa ng ating mahal na hari." nagsigawan ang mga tao.

Nang lumisan na ang mga tauhan ng kaharian ay agad namang nagsibalikan ang mga tao sa mga ginagawa nila.

May isang matandang babae na nahihirapan sa paglalakad na gustong bumalik sa bahay niya. Lumabas lang ito dahil nga sa mga tauhan ng kaharian ngunit may biglang pumatid sa kanyang mga binata. Pinagtutulungan siya ng mga ito hanggang sa dumating ang lalaking inaampon ng matandang babae. Agad niyang tinulungan ang kilala niyang ina at pinapasok sa bahay nila.

Siya si Lucas, isang binatang ulila na inampon ng matandang babae. Si Lucas ay natagpuan niya lamang sa kagubatan at dahil isa siyang matandang dalaga ay inuwi niya ito sa bahay nila at inalagaan. Lumaki si Lucas na may mabuting kalooban kaya masayang masaya ang nakilala niyang ina.

"Ina, bakit ka ba lumabas sa bahay?" tanong ni Lucas. Ngumiti lang ang kanyang ina at tinitigan si Lucas. "Ikaw ba ay may napupusuan ng babae?" biglang tanong ng ina kay Lucas pero umiling ito. Mas lumapad ang ngiti ng ina. Hinawakan niya ang kamay ni Lucas.

"Ikaw ba ay gustong sumali sa pinapagawa ng mahal na hari?"

Lumunok si Lucas at hindi agad nakapagsalita. "P-pero ina, wala pa sa plano ko ang magkaroon ng asawa kaya pagpasensyahan mo na po ako, mas mahal ko ikaw" sabi ni Lucas at ngumiti sa ina niya. Hindi naman agad makapagsalita ang ina at ngumiti nalang.

Si Lucas ay isang makisig na binata na naninirahan sa siyudad ng Emon. Isa siyang kargador at isa siyang palangiting binata kaya maraming nagkakagusto sa kanyang babae. Pero kahit niisa ay wala siyang nagustuhan sa mga babaeng iyon.

Isang araw, nagising si Lucas dahil sa isang kalabog sa loob ng bahay nila. Agad naman niyang pinuntahan dahil sa kaba niya ngunit nakikita niya ang kanyang ina na nakaupo na sa sahig. Napailing-iling siya. Nilapitan niya ang ina at tinulungang makatayo.

"Mag-ingat naman po kayo ina" sabi ni Lucas. Mahinang tumawa ang ina at tumango lang ito. Tatalikod na sana siya nang biglang nagsalita ang ina.

"Pwede bang ikaw ay magtungo sa kagubatan ng Shon?"

Napakunot ang noo ni Lucas at napatitingin sa kanyang ina. "Ina, diba bawal puntahan ang lugar iyon?" sabi ni Lucas.

"Wala ka namang gagawin doon, kundi ang pagpitas ng bulaklak na makikita lamang sa lugar na iyon" napabuntong hinga si Lucas at tumango nalang dahil isa ito sa mga hiling ng kanyang ina ay gagawin niya upang mapasaya niya ito.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now