OS143: RPW: DARE RELATIONSHIP STATUS

3 1 0
                                    

RPW: DARE RELATIONSHIP STATUS

I'm a newbie roleplayer. Palagi kong tinatanong sa classmate ko kung ano ang meaning ng lb, rb, cb and marami pang mga terms. May mga rules din pala sa mundong ito.

Sa pagpasok ko sa mundong iyon, isa akong lalaki sa account na iyon kahit ang totoo ay isa talaga akong babae. Cross Role Player kung tatawagin. Kahit baguhan pa lamang ako ay marami na agad nakikipagkaibigan at nakikipagchat sa akin. Karamihan nito ay mga babae. Hindi rin ako sigurado kung babae ba talaga dahil sa tulad ko, baka CRP din. Aba ewan.

"Try mo kayang sumali sa mga hood, para mas marami kang friends" sabi ni Zen, classmate ko. Matagal ko na din naisipan yan kaso natatakot ako dahil once na sasali ako madali lang akong mawalan ng gana na makipag-usap. Boring akong tao.

One time, napa-open ako sa account ko and may biglang nagchat sa akin kung sasali ba ako sa isang brotherhood. Nagdadalawang-isip ako but sa time na iyon, pumayag ako.

Walang requirements na hinihingi except sa palitan lang ang surname. In-add ako sa gc at sobrang ingay na don. Niwelcome nila ako at di nila ako hinayaang ma-op.

Masaya din pala magkaroon ng hood. May mga activities kami na ginagawa araw-araw tsaka ay may time pa iyon. Kaya minsan hindi ko na binitawan ang cellphone ko. Ayoko kasing mahuli sa mga topic.

Nagagalit na nga si mama dahil kahit kumakain ako ay hawak ko parin ang cellphone ko.

Then one time, yung founder may pinagawang activity sa amin.

"Random drs sa friends dito sa facebook" sabi nito sa chat. Ako na baguhan, nalilito kung ano yang drs kaya chinat ko si Zen. Sabi niya dare relationship status so ayun nga. Pinauna ko nalang na gumawa ang iba kong kasamahan.

Nagset na sila ng relationship status and binasa ko ang mga comments may mga nagugulat pa nga na babae dahil sa pagseset nila. 1 week pa naman 'tong drs na to.

So ayun nga naghanap na ako ng pwede kong ika-set ng rs. Dapat daw babae kaya naghanap talaga ako ng babae. May nakakuha naman ng attention ko. Inistalk ko siya and wala siyang masyadong post or mga ganun kaya siya na ang napili ko.

Nagulat nalang ako nang bumaha ang comsec. Nagsasabing support ganun. Nagtaka lang ako kung bakit andaming nagcocomment eh konti lang yung friends ko. Kaya nga din siya yung pinili ko kasi wala siyang masyadong post ganun.

Then, dahil nakokonsensiya ako chinat ko ang babae. Sabi ko "Sorry, dare lang."

Hindi ko naman inaasahang magreply siya and nakakabilib dahil akala ko magagalit siya pero ayun ang saya niya kausap.

Kinakamusta kami ng founder about sa drs and sinabi kong ayos lang sa akin, nakapag-usap kami. Nagsasanaol naman sila.

Isang buwan na ako sa brotherhood na ito and infairness din yung naka-rs ko ay dalawang linggo na kami nag-uusap at hindi siya nagagalit about sa rs namin and yes, nalulungkot ako at natatakot dahil una ay isa akong crp at pangalawa, nagugustuhan ko na ang babaeng ito. Nagkakagusto na ako sa kapwa ko babae.

Napabuntonghinga ako at napaisip, what if malaman nila na isa akong crp? Madidisappoint sila sa akin? Eh-kick na nila ako dito sa bh? Hindi na ako papansin ng babaeng yun? Ewan natatakot ako.

Then, habang nagscroll ako sa facebook, marami akong nakikita na nagcoconfess sila na isa silang crp at ito din ang nagtulak sa akin para magconfess ako sa kabrotherhood ko. Wala na akong pakialam kung maikick na ako basta ang importante ay masabi ko sa kanila ang totoo.

Akala ko magagalit sila pero tanggap parin nila ako, hindi nila ako ikikick at ituturing nila akong prinsesa. Natuwa ako.

Then eto na.

Magcoconfess na din ako sa babaeng iyon.

"Hi, hindi ko alam paano ko ito sisimulan pero sana kung ano man ang sasabihin ko, sana ay matatanggap mo ako. I like you but alam kong hindi mo ako magugustuhan. Isa pa pasensya na kung napaniwala kitang lalaki ako dahil ang totoo niyan ay crp ako. Sorry. Sana matanggap mo parin ako." then message sent.

Naglog-out ako at itinuon ang atensyon sa kdrama na pinanuod ko.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. May tumawag.

"Hello?" sabi ko. Walang sumagot. "Hello si-"

"Ang OA mo masyado" sabi nito. Napakunot ang noo ko at kinilala ang boses nito.

"Hala Zen?"

Napatawa naman siya. "Gusto mo pala ako ah" aniya kaya mas lalo akong nalilito.

"Ang slow mo, ako yung naka drs mo!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hala totoo? So crp din siya katulad ko? Bwiset na baklang 'to.

"Nakakadiri ka HAHAHAHA alam mo naman na bakla ako kaya lalaki rin gusto ko" aniya at natawa.

"Di ko naman kasi alam na ikaw pala yun, buang ka. Edi I hate you" sabi ko. Natahimik ang kabilang linya. Oh talo siya ayan nananahi-

"I love you" seryosong aniya. Ako naman ngayon ang nandidiri. "Hoy Zen nakaakadiri ka, hanapan kita ng lalaki"

"I've change my mind, ikaw na gusto ko. Panindigan mo yung sinabi mong gusto mo ako dahil nagpakalalaki ako para sa iyo. Hinatyin mo ako sa labas ng bahay nyo. Date tayo" aniya bigla.

"Hoy-"

Nag-end na yung tawag.

Dahil sa drs, naging lalaki ang bakla kong kaibigan and ang nakakagulat pa ay ako ang kaniyang nagustuhan.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now