OS55: 7 YEARS GAP

13 2 0
                                    

7 YEARS GAP

I'm 20 years old while he is 27 years old.

He is a basketball player.

At ako?

Isa ako sa mga humahanga sa kanya sa aming lugar. Isa ako sa mga babae na nagpapadala ng mensahe sa kanya sa facebook, WeChat, messenger atbp. Isa ako sa babaeng nahuhulog sa kanya.

Ngunit ang hindi ko lang inexpect, sa lahat ng babae na humahanga sa kanya, napansin niya ako.

Palagi niya akong ngingitian sa tuwing makakasalubong kami. Ang puso ko naman ay parang sasabog dahil sa sobrang lakas ng pagtibok.

"Are you seducing Miko?" may sumugod sa akin. Hindi lang isang babae kundi sampong babae. Mga fans niya.

"H-hindi."

Pero hindi sila naniniwala. Sa mga sumusunod na araw, yan parin ang sinasabi nila sa akin sa tuwing mapapansin ako ni Miko.

May time nga na nakita akong sinabunutan at dumating si Miko upang iligtas ako. Romantic isn't it?

When I turned 21 and he turned 28, hindi na namin siya nakita sa lugar namin. Balita ay pumunta sa Cebu dahil sa mommy niyang may sakit.

"Bakit ba kasi gustong-gusto mo ang lalaking iyon?" my mama asked. Nakikibit balikat ako. Bakit nga ba?

Hindi ko alam.

I just found myself liking him.

Simula noong pumunta siya sa Cebu, wala na yung mga babaeng umaaway sa akin.

Naging busy naman ako sa college life ko kaya medyo di ko na naaalala pa si Miko.

I'm 22 years old and he's 29 years old.

I got a message from him that made me shook.

"Para kang baliw, ngumingiti ng mag-isa diyan." sabi ng kabatchmate ko pero wala akong pake.

Just a simple hi from him makes my heart melt.

Nagulat pa nga ako nang bigla siya nakipagvideo call sa akin.

Hindi parin nagbago ang features ng mukha niya. Gwapo parin.

Kinakamusta lang niya ako. Yung studies ko, yung mga babaeng umaaway sa akin last year pero ngumiti lang ako at sabay sabing "Ayos lang" kinikilig pa ako.

Simula ang araw na iyon naging mas close kaming dalawa ni Miko. Nang-aasar pa nga siya sa akin. Baka daw pagbalik niya, hindi parin nagbago yung height ko, and well, it's kinda true.

When I turned 23, he turned 30.

We met again.

Nagulat pa nga ako nang bigla niya akong niyakap at dinala niya ako sa tabing dagat.

"Erin..." he called me by my name that makes my heart flutter. Tumingin ako sa kanya. Ngumiyi siya at biglang nagyuko.

"I.."

"I? What?"

"Can you be...?"

"What?"

"My girlfriend?"

Nagulat ako, really. As in. Hindi ko inexpect na ang crush ko noon, niligawan na ako.

I feel like I'm in cloud nine.

I'm 24 while he's 31.

Naging kami nga ni Miko. Ang saya sa pakiramdam. Siya yung tipo ng boyfriend na napakasweet at napakacaring.

Pinakilala ko naman siya kay mama at masaya si mama sa aming dalawa. Tinanong niya nga ako kung ginayuma ko ba si Miko para mabaliw sa akin. Natawa lang din si Miko.

I'm 25 while he is 32.

He asked me about marriage. Pero sabi ko di pa ako ready buti nalang at naintidihan niya ako.

Naging masaya ang aming pagsasama. Hindi din makapaniwala ang mga babaeng umaway sa akin noon na nakuha ko si Miko.

Miko rarely olays basketball dahil mas gusto nuya nalang daw na kasama ako kesa maglalaro siya't pagtitilian siya ng mga babaeng kinaseselosan ko.

I'm not that kind of girlfriend. Well, nagseselos lang ako doon sa babaeng nagsabi sa akin noon na 'are you seducing miko' blablabla, basta si Wella.

"I love you..." he said.

I'm 26 while he's 33.

I'm a succesful dentist while he's an architect.

And again, he asked me.

"Will you marry me?"

"Miko.."

"Still not ready?"

Tinignan ko ang malulungkot niyang mata.

"No..."

"Okay"

When I turned 27 and he turned 34, he asked me again.

"W-will you marry me?"

"I'm not ready."

Bumuntonghinga siya at pumikit. "Bakit?"

"Gusto ko munang unahin ang sarili-"

"Hindi ka ba masaya na maikasal sa akin?" he said.

"Masaya ako pero isa akong dentista at-"

"That's my point, isa kang dentista, isa ang akong architect, parehas na tayong successful. Ito ang hinintay ko, hinintay kong succesful na tayong dalawa bago ako magpropose. Pareho tayong nasa legal age. Ano ba ang gusto mo?" sabi niya sumasakit ang puso ko. Masama bang unahin muna ang sarili bago sa kasal nayan?

Sawa na ako.

Sawang-sawa na ako.

"I want a break" I said. Napatitig siya sa akin.

"Wait... W-what?"

"Let's break up?"

Napahilamos diya sa mukha niya. "Are you kidding me?!" he shouted. Pumikit ako. Kahit naman masakit sa akin.

"Just a short break, pupuntahan kita sa inyo kapag ready na ako promise." sabi ko at ngumiti. Hindi niya ako sinagot at agad na akong iniwan.

I'm 30 and he's 37.

I made up my mind.

I'm ready.

Pinuntuhan ko siya sa bahay nila pero wala siya kaya pumunta nalang ako doon sa bahay nila sa Cebu tutal nakapunta na din ako dito noon.

I pressed the doorbell. Agad naman akong pinagbuksan ni tita, nagulat sa aking presensya.

"Si Miko po?"

Hindi agad siya makasagot.

"Si Miko?"

Tumango ako.

I heard voices kaya nilingon ko ito.

Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ako.

I saw him. He saw me.

He's with Wella. May kargang bata si Wella.

Kinakabahan ako habang tinitigan ko si Miko habang siya ay parang wala lang sa kanya.

Lumingon siya kay Wella at hinalikan ito sa pisngi. Pinapasok niya ito sa bahay. Tumango lang si Wella at ningitian lang din ako. Ngiting walang galit. Yung normal na ngiti lang.

"What do you want?" agad na tanong niya at agad naman akong nanginig.

"A-about what I've said years ago-"

"Kaya ka ba pumunta dito kasi ready ka na?" hindi ako nakapagsalita at yumuko lang.

"Sorry, I'm married with Wella, now. I moved on. Hope you'll understand." he smiled. Tinignan ko siya at kahit nasasaktan ay ningitian ko siya.

I think I'm way too late.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now