OS128: GUARDING A DEMON

2 1 0
                                    

GUARDING A DEMON

I'm a guardian angel of a demon. I am stalking this demon for a long time. My task is to change him. Inobserbahan ko muna siya bago ko siya lapitan.

Matagal na panahon na akong nandito para bantayan siya ngunit hindi ko naman magawang lumapit sa kaniya. Hindi dahil natatakot ako pero dahil mas gusto ko siyang pagmasdan sa malayo.

Nasa lupa siya at marami siyang mapapatay na tao kung hindi ko ginagamitan ng shield ang mga taong iyon. Tatago naman ako agad para hindi niya ako makita.

"I'll kill you if I see you." aniya. Tumitig lang ako sa kanya habang nakatago. Hindi naman niya ako makikita.

Sa tuwing pupunta siya sa isang madilim na paligid, inoobserbahan ko ang mga kilos niya. May kinakain siyang tao. Gamit ng aking kapangyarihan, ginawa kong manok ang kinain niya. Hindi naman siguro niya napansin iyon dahil sa mas naging ganado ang pagkain niya.

Natutulog din ang mga demonyo, ngayon ko lang napagdesisyonan na lapitan siya ngayong tulog na tulog siya. I closed my wings then I pretended to be a human. Hinawakan ko ang kaniyang noo at sinubukang alisin ang kasamaan niya ngunit nagulat ako nang dumilat ang kaniyang mga mata at sinakal ako bigla. Imbis na masaktan ay ngumiti ako sa kaniya.

"Stop smiling!" giit niya.

Makikita ko sa kaniyang mga mata ang galit. Namumula ang kanyang sungay. At mas hinigpitan niya pa ang pagsakal sa akin.

Ngunit hindi niya alam na isa akong anghel, hindi ako nasasaktan sa ginawa niya.

"I'll kill you!" sigaw niya sa akin. Ngumiti ako at tsaka tumango. Pinikit ko ang mga mata ko at nagkukunwaring patay na tsaka ay unti-unti niya akong binitawan. Naramdaman niya ang paghaplos niya sa aking mukha kaya iminulat ko ang aking mga mata.

"Aren't you dead?"

Umiling ako sa kaniya. Nangunot ang noo niya. Kinuha niya ang kaniya espada tsaka tinutok sa akin pero wala akong naging reaksiyon. Nagtaka siya sa akin pero napangiti ako nong binitawan niya ang espada tsaka ay tumalikod siya sa akin. "If you want to kill me, then kill me." paghahamon ko sa kaniya habang sinusundan ko siyang naglalakad sa hindi ko alam na lugar. Basta ay sumunod lang ako sa kaniya.

"I must not kill you." aniya. Napangiti ako.

Napapahinto lamang ako kapag hihinto siya at lilingon sa akin. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay makikita ko sa kaniyang mga sungay ang pagpula nito. Tsaka ay babalik na naman siya sa paglalakad.

"You must not follow me."

"Why?"

"I'm a demon"

"If you're a demon, then kill me." paghahamon ko. Lumingon siya sa akin at lumapit siya sa akin as in lumapit na ang kaniyang mukha sa mukha ko. "I...can't." aniya tsaka ay inirapan ako.

Ilang araw na akong nagbabantay sa kaniya at napapansin ko na sa tuwing may makikita siyang tao ay iiwas siya at napapatingin sa akin. Ngingiti naman ako sa kaniya at palagi naman siyang iirap sa akin. Pinipigilan niya ang pumatay at kumain ng tao sa harap ko. Natutuwa naman ako.

Simula noong araw na nilapitan ko siya, hindi na siya kumitil ng buhay ng tao para kainin niya sa halip ay mga prutas na ang kukunin niya tsaka ay ibibigay niya sa akin iyon at sabay kaming kumain. "Kumakain ka ng hayop?" tanong niya bigla sa akin. Lumingon ako sa kaniya. Though ang katotohanan ay hindi kumakain ang mga anghel sa dito sa lupa at nagbabantay lang sila ng taong pinapabantayan sa kanila. Tumango naman ako. Kahit naman kakain ako ay hindi ko mararamdaman ang pagkagutom at pagkabusog.

"Wait." aniya tsaka ay umalis sandali. Hindi ko nsman alam kung saan ang punta niya pero hinihintay ko parin siya. Pagkarating niya ay may dala na siyang isang patay na manok tsaka ibinigay niya iyon sa akin. "Kainin mo"

Pinipigilan ko ang pagngiti ko. Hindi ko kinuha yung manok tsaka ay nagulat naman ako bahagya nang sabi niyang lulutuin nalang daw muna niya bago namin kakainin.

Matagal na kaming nagsasama sa kagubatan. Hindi ko na napansin na bumalik siya doon sa siyudad kung saan maraming tao. Napapansin ko din ang napapadalas na pagkain niya ng mga prutas, gulay, at mga lutong karne. Tinatanong ko naman siya palagi kung bakit hindi na siya kumakain ng tao pero hindi siya sasagot sa akin.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa alam na isa akong anghel. Akala ko nga papatayin niya ako dahil nagpapanggap ako bilang isang tao pero hindi niya nagawa yun sa halip ay inalagaan niya ako.

"Bakit hindi mo ako pinatay?" tanong ko sa kaniya habang nakaupo kami sa tabing ilog. Nakadistansiya naman kami.

"Who are you? Why are you here?" tanong niya bigla. Napalingon naman ako sa kaniya.

"What do you mean?"

"Noong isa pa akong normal na tao, may asawa ako na sobrang bait. Pinatay ko siya dahil sa selos. Doon din nagsimula ang pagkademonyo ko. Pinagsisihan ko naman iyon ngayon nang makita kita." sabi niya at may inihagis na maliit na bato sa ilog.

"Because I'm your wife." sabi ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin at napailing-iling. "She died 4 years ago. I killed her."

"She's dead but she became your guardian angel. She is...me" sabi ko. I let my wings open and nakita ko ang paglaki ng kaniyang mga mata. Akala ko lalapitan niya ako at yayakapin pero nagulat ako nang bigla siyang umalis.

It's true, he was my husband. He killed me but I loved him. I became his guardian angel.

Simula nong araw na sinabi ko sa kaniya ang katotohanan hindi ko na siya nakita pa. Sinubukan ko mang hanapin siya pero hindi ko na siya mahanap.

Isang araw, nakatayo ako habang ipinikit ko ang aking mga mata. I closed my wings at nagpanggap bilang tao. Nararamdaman ko ang mga kamay sa aking leeg at ang mainit na bagay sa aking pisngi. Nararamdaman ko ang mainit na paghinga niya sabay sabing. "Please forgive me, for I became a demon." aniya.

"Matagal na kitang pinapatawad."

He kissed my hair at nakaamoy ako ng apoy.

I smiled. This is it, he's finally changing.

"I'm sorry for everything. I love you." aniya. Napatango naman ako. Masaya ako na magiging normal na tao ulit siya at kabutihan na ang mga gagawin niya ngunit nalulungkot ako dahil once na magbago na ang demonyong binabantayan naming mga anghel ay babalik na kami sa lugar namin. This will gonna be my last. "I love you, too."

Habang unti-unti nagfefade ang pagkatao ko, idinilat ko ang mga mata ko at nakikita ko ang pagbabago sa katawan niya. He's now a good man.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now