OS64: A DEAL WITH HIM

4 1 0
                                    

A DEAL WITH HIM

I always wanted to have my sister back at our house. Palagi nalang kasi siyang nasa syudad kasama sila lola tapos ako naman ay nasa probinsya kasama si papa.

Simula bata pa kami ni Anne, hinding-hindi talaga kami mapaghiwalay. Inseperable kumbaga. Napunta lang siya doon sa syudad dahil siya yung pinili ni lola na magbantay sa kanila at siyempre siya din yung panganay kaya siya yung nandoon. Dito nalang daw muna ako sa probinsya at mag-aral ng mabuti dahil sa college naman ay doon na ako pag-aaralin ni papa.

Si mama? Sumama na sa ibang lalaki. Ewan ko nga kung bakit iniwan niya si papa, e napakabuting asawa at ama si papa. Palagi niyang pinapaalala sa amin na kahit anong mangyari, wag na wag daw kaming magalit kay mama, hindi naman daw kasalanan ang magmahal ng iba.

Pero hindi nga ba talaga? Lalo na't kasal na sila. Hindi ko maiwasang magtampo o magalit kay mama.

"Penny, mag-iigib muna ako ng tubig, bantayan mo ang ulam natin dyan baka kukunin ng pusa"

"Sige po, papa ingat!"

Pumasok ako sa loob ng bahay at kinuha ang walis. Nagsimula akong maglinis ng bahay at binabantayan yung ulam namin para sa pananghalian.

Kailangan talagang bantayan dahil napakagaling magnakaw ng ulam. Ang bilis talaga. Marami na ang mga tao na nagrereklamo dahil sa pusang iyon.

Wala namang masyadong pusa dito sa amin at karamihan ay nasa bahay lang ng amo pero may isang pusa na hindi namin kilala kung sino ang amo. Siya ito palagi kukuha ng mga ulam. Ilang ulit na din namin itong itinapon sa malayong lugar pero dito parin babalik sa lugar namin.

Medyo matagal-tagalan pa iyon si papa dahil malayo ang pag-iigiban niya kaya ngayon, buong umaga ako muna mag-isa sa bahay. "Ano pa kaya pwede kong gawin ngayon?" tanong ko sa sarili habang nakatitig sa ulam na nasa loob ng tupperware.

Pumasok ako sa cr para umihi tapos pagbalik ko, nagulat ako dahil nandoon nga ang pusa, bwesit nayan. Tumingin ito sa akin at dali-dali nito kinagat ang tupperware at tumakbo na. Agad ko itong sinundan. Nabibwiset na ako sa pusang 'to, saan ba kasi niya ito dadalhin? Pwede namang manghingi siya ng pagkain. Wag lang ganito.

Nasa kagubatan na ang pusa at hinahabol ko parin siya ngunit napahinto ako bigla nong may nakita akong tao sa malayo. Nagtago ako sa puno at sumilip sa taong iyon.

Nagtaka ako kung bakit nasa kanya yung tupperware namin. Siya ba ang nag-utos ng pusa?

"Magaling, Kron" nakangiting sabi ng lalaking habang tinignan ang pusa. So the cat's name is Kron, huh?

Sa tingin ko, kasing edad ko lang siya,

"Ano bang ulam 'to, makakain ba 'to? Ang baho naman nito?" reklamo pa ng lalaki. Walang hiya siya!

"Ikaw nalang ang kumain Kron," sabi niya at binigay niya naman ito sa pusa. Bwesit ulam namin yun e! Bago pa niya naibigay sa pusa ay agad akong lumabas sa pagkatago at nilapitan siya. Gulat na gulat siya sa paglabas ko kaya hindi siya agad nakatakas sa akin. Agad ko namang kinuha ang tupperware namin at sinamaan siya ng tingin. "Sa susunod na may kukunin ka sa amin, malalagot ka sa akin" sabi ko at tinalikuran na siya. Iiwan ko na sana siya pero nakokonsensya ako. Hindi pa ba siya kumakain?

Nilingon ko siya na ngayon ay nakatalikod na din sa akin kasama ang kanyang pusa. Ayun nakokonsensya ako.

"Hoy!" sabi ko pero di siya lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Naiinis ako, hinubad ko ang tsinelas ko at inihagis ko sa kanya kaya ayun natamaan siya sa ulo. Napahawak naman siya don at tinignan ako ng masama akala ko hihinto siya pero ayon nagpatuloy lang sa paglalakad. Ayaw niya? Edi wag.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now