OS50: UNTITLED

3 0 0
                                    

"Is it okay to fall inlove with the same gender?"

"No."

Ngumuso ako. Bakit naman hindi? Eh pwede naman ata yun basta pareho lang kayong tao. "Bakit? may gusto ka bang babae?" umiling ako bilang sagot sa tanong ng kaibigan ko. Wala nga ba?

"Friendship over talaga kapag malalaman kong nagkagusto ka sa kapwa natin babae"

Napatawa ako. Dumaan kami sa isang sinehan. Sa loob ng sinehan, maraming mga magjowa ang naghaharautan kaya ito naman kaibigan ko nagrereact na. "Magbebreak lang naman yan, tara na nga Peachy" sabi niya sabay hila sa akin. By the way, her name is Cassandra but I call her Cassy and I'm Peach but she always calls me Peachy.

Kaya ganyan yung reaksyon niya sa mga magjowa dito kasi kakagaling lang niya sa break-up. Hindi ko nga alam kung bakit nagbreak sila ni Dylan, e napacompatible naman nila sa isa't-isa.

"Peachy, what's with the stare?" napaiwas ako bigla ng tingin at umupo na sa tabi niya habang siya naman ay seryoso ng nanonood. Sa pinapanood namin, puro usap lang yung ganap. May konting sweet moments pero karamihan usap-usap lang ng mga bagay-bagay.

Lumingon ako kay Cassy na ngayon ay natutuwa na sa pinapanuod. Ako naman nabobored. Lumingon ako ulit sa pelikula upang manood.

Ending na pala.

"Nakakadiri naman, yung dalawang babae yung nagkatuluyan!" reklamo niya tas padabog akong hinila palabas sa sinehan at napailing nalang ako. "Chill ka lang" sabi ko pero mukhang apektado talaga siya sa pelikulang napanood namin.

Nakasakay na kami sa bus na ganoon parin ang pinag-usapan namin. Hanggang sa nahinto siya sa pagsasalita noong may biglang pumasok sa bus stop.

"Dylan..."

Napatitig ako kay Cassy na ngayon ay nakatitig din kay Dylan. Lumingon ako kay Dylan na nakatitig din Cassy. Kung magkabalikan nalang kaya sila para okay na?

Umandar na ang bus at naupo si Dylan sa likurqn namin. Tahimik na buong biyahe si Cassy hanggang sa bumaba na kami. Malayo pa yung bahay niya pero bumaba nalang din siya kasi ayW niyang makasama ang ex niya sa iisang bus. Ang OA naman nito. Sinamahan ko siyang maghintay ng susunod na bus at hanggang sa nakaalis na siya. Napabuntonghinga ako at naglakad nalang pauwi sa bahay.

Agad akong sinalubong ng isang lalaki. Yeah right, fiancé ko daw. Mahilig sa ganito yung pamilya ko. Mukhang pera si mommy, alam ko yun.

"How are you, sweetie?"

sweetie mo mukha mo.

"fine."

Pumasok na kami sa bahay at hinayaan muna nila akong makapagbihis. Sumunod naman sa akin yung fiancé ko kaya ako nainis.

"Sa baba mo nalang ako hintayin pwede?"

"But your mom-"

"Fuck it, bumaba ka" tumango siya sa akin at bumaba na. Nagbihis ako ng pajama at isang oversized t-shirt.

May agad namang kumatok sa kwarto ko. "Anak..." here it comes.

Lumabas na ako at agad naman nanlaki ang mga mata niya sa suot ko. "What are you wearing?"

"Damit?"

"Magbihis ka ng dress" sabi ni mommy. Ayaw na ayaw ko magsuot ng dress.

"Okay na to."

"Nandyan yung fiancé mo, mahiya ka naman, baka maturn-off sayo"

"Makapal mukha ko tsaka kung ayaw niya sakin edi don't." sabi ko. Pumikit si mama at huminga ng malalim. Alam kong naiinis na siya sa akin.

"Alam mo namang ayoko sa mga arrange marriage na yan tsaka alam mo naman kung sino ang gusto ko."

Sinampal ako ni mommy at bigla nalang siyang umalis. Nong hapon na iyon hindi ako sumalo sa dinner. Tsaka simula ng hapon na yun, hindi kami nagpapansinan ni mommy.

Absent din ako dalawang linggo dahil wala akong gana. Kaya hindi kami nagkikita ni Cassy. Palagi naman niya akong itetext at itatawag at sinabi niya sa akin yung paluspt na ginawa niya para magiging excuse ako.

Dysmenorrhea.

Well, kinda true pero kasi four days lang yun tsaka wala na ngayon. Maybe next week, papasok na ako.

"Hoy, gwapo nga ng fiancé mo, bakit ayaw mo"

"Di ko type."

"Naku, choosy ka pa, sige na nga nandito na si Prof, bye" sabi niya at pinatay na ang tawag.

Choosy huh?

Biglang pumasok sa isipian ko yung mukha ni Dylan at napabuntonghinga ako.

"Imposible" sabi ko bago natulog.

Sumapit ang umaga at nandito na ako sa paaralan. Nasa gate mismo. Himala atang maaga ako ngayon.

Tinext ko si Cassy tas sabi niya papunta na siya at saktong paglingon ko. Nakita ko siya.

Masayang masaya ang mukha.

Kasama si Dylan, habang hawak nila ang kamay ng isa't isa. Napalunok ako at napatitig sa kamay nilang dalawa. Tinitigan ko din si Dylan at si Cassy. Makikita mo talagang masayang masaya sila.

Nagkabalikan na sila.

Habang ako nagpaplano palang na sabihin ko ang nararamdaman ko kay Cassandra.

"Comeback na kami" sabi ni Cassy. Sumakit ang dibdib ko.

"C-congrats" ngumiti siya sakin.

Masaya ako na masaya siya.

Mas mabuti pang itago ko nalang ang totoong nararamdaman kesa masira ang aming pagkakaibigan.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now