OS156: I DON'T HAVE ENOUGH MONEY TO TRAVEL WITH HER IN FRANCE

2 1 0
                                    

I DON'T HAVE ENOUGH MONEY TO TRAVEL WITH HER IN FRANCE

"Babe, ano ba ang paborito mong bansa?" tanong ko sa kaniya habang nasa bahay lang kami nanonood ng anime. I mean nasa bahay nila. Nakasandal siya sa aking balikat habang focus na focus ang mata sa pinanood.

"Babe..."

"Hmm?"

"Anong bansa ang pinakapaborito mo?" tanong ko sa kaniya. She looked at me and smiled.

"Masasaktan ka ba kapag sasabihin kong sa Paris, France?" ngumiti naman ako at umiling. I really want to go to Japan with her pero kasi mas gusto niya sa France.

"Soon, kapag makapagtapos na tayo ng pag-aaral. Mag-iipon tayo para makapunta tayo doon." sabi ko at hinalikan ko siya sa kaniyang noo. She smiled at nagpatuloy na kami sa panonood ng anime kahit alam ko namang nabobored na siya.

We're lovers for almost 4 years and napagplanuhan namin na kapag makapagtrabaho na kami ay ihahanda na namin para sa kasal. Fourth year college na kami and parehas kaming education ang kinuhang course. Tsaka kapag matapos na kasal namin magtravel kami sa bansang gusto namin.

Ngunit hindi iyon natupad dahil sa isang pangyayaring nakapagbigay trauma sa akin. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pinatigil ako ng papa ko. Lahat ng ipon ko na para sa pagtatravel sana namin ay naubos dahil sa bayad ng hospital bills and sa lahat ng utang ng papa ko. Lalo na nong namatay si mama at palagi nalang nagagalit sa akin ang lasenggero kong papa dahil wala raw akong kwenta.

My girlfriend never leave me. Nakapagtapos siya ng pag-aaral at licensed teacher na siya habang ako naman isang kargador na lang.

"What if makahanap ka ng ibang lalaki?" tanong ko. Umiling siya sa akin at ngumiti. "No one can compare you" aniya at hinalikan ako sa pisngi.

Umuwi na siya sa bahay nila at saktong dumating ang ama ko at sinuntok ako. Hindi naman ako gumanti kasi lasing siya.

Then years had passed, nakulong si papa dahil sa nakapatay siya. Hinatulan pa nga ng kamatayan. Naaawa ako sa kaniya at gusto ko siyang mailabas don ngunit wala akong sapat na pera. Hanggang sa dumating ang araw na kamatayan niya. Walang-wala na ako.

Nahihiya na ako sa girlfriend ko. She's pretty and rich at ako walang-wala na. I mean, tanggap naman ako ng parents niya kahit ganito ako kasi daw mabait ako at mahal ako ng anak nila pero nahihiya ako dahil ako lalaki, ako dapat ang gagastos para sa babae ngunit siya itong sobra na ang naitulong sa akin.

Hindi parin kami naghiwalay. I'm 36 years old and she's 34 years old. Bilib ako sa babaeng 'to kasi hindi siya naghanap ng iba at napakaloyal niya sa akin.

Nagpakasal kami and family niya ang gumastos sa wedding expenses. Nahihiya ako pero wala lang daw sa kanila iyon.

Sinasabihan ko siya na wala akong pera para dalhin siya sa Paris.

"Pupunta tayo sa Paris, ako bahala" sabi niya.

Ngunit nahihiya ako.

Gumawa ako ng paraan.

Sa 15th anniversary namin, may inihanda ako para sa kaniya. Sana man lang magustuhan niya.

"Dahan-dahan" sabi ko tsaka inalalayan siya. Nakablondfold kasi siya at dinala ko na siya sa lugar kung saan ko ginawa iyong simpleng anniversary gift ko sa kaniya.

Huminto na kami nong nasa harapan na kami at dahan-dahan kong inalis ang panyo sa kaniyang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya. "I'm sorry, wala akong pera para dahil kita sa Paris kaya gumawa nalang akonm ng Eiffel tower. Sana magustuhan mo" sabi ko. Kinakabahan ako dahil nakatitig parin sa sa gawa ko. Napalunok naman ako.

"Wala kasi a-"

Nagulat ako nong bigla siyang yumakap sa akin at hinalikan niya ang pisngi ko. Umiiyak siya. "I love you. Kahit saan pa man yan o basta kasama kita. Kahit ano pa yan basta ikaw gumawa. Mahal na mahal kita."

Damn, napakaswerte ko sa babaeng ito.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now