OS52: UNTITLED

4 1 0
                                    

"Beh"

"Oh?"

"Papisil, hehe"

"Tigil-tigilan mo akong babae ka"

"Papisil nga!"

"Papipisilin kita pero walang cuddle mamaya."

Ngumuso ako at pumasok na sa kwarto at inilock iyon. Ilang minuto ang nakalipas may biglang kumatok sa pinto. Napangiti naman ako. Pero hindi ako marupok.

"Beh, sorry na"

Hindi ako nagsalita.

"Beh, buksan mo yung pinto."

Hindi parin ako nagsalita.

"Beh, sorry na"

Napangiti ako pero sumimangot ulit ako.

"Beh, buksan mo na"

Hindi ako nagsalita.

Ilang minuto ang nakalipas, wala ng kumatok kaya mas lalo akong nainis sa kanya.

Lumabas ako sa kwarto at hinanap siya. Nasa banyo nagtoothbrush. Dahan-dahan kong kinuha ang toothbrush ko at lumapit sa kanya. Buti nalang nakapikit siya kay hindi niya agad ako napansin.

At agad kong hinampas ang pwet niya.

"Aray beh!"

"Ayaw mong magpapisil kaya hinampas ko lang." sabi ko at masayang nagtoothbrush.

Bakit ba kasi mas matambok pa ang pwet niya kesa sakin?

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now