OS28: I ALMOST TASTE THE SWEETNESS OF LOVE

19 0 0
                                    

I ALMOST TASTE THE SWEETNESS OF LOVE

Boys will always be boys and girls will always be girls. But in terms of sadness, parang unfair para sa mga lalaki kasi nga nakakabakla daw masyado. Yung mga babae lang ba ang pwedeng masaktan? malungkot?

My name is Uno, isang lalaking naghahangad sa isang babaeng kailanman ay hindi talaga magiging akin.

Nasa library ako ngayon, nagbabasa ng mga libro for our research paper. I'm not a top student. Hindi bobo, hindi matalino, basta sakto lang. Hindi naman ako naghahangad na maging top student. Kung saan umabot ang best ko, don nalang ako.

I was reading a book silently ngunit nagulat ako nang biglang may lumapit sa akin na classmate ko si Richard.

"Hoy, Uno! yung crush mo nasa room natin dali!" sabi niya, dali-dali naman akong pumunta sa room namin, bahala na yung research ko. Gusto ko lang makita ang crush ko.

I've been crushing this girl for almost 3 years. She is a top student. Mabait siya ngunit nahihiya akong iapproach siya, baka kasi hindi niya magustuhan ang isang tulad ko. Ewan, napakaadvance kong mag-isip pero sa ngayon, gusto ko lang talaga siyang makita. She always smile, parang walang problema kaya nga napatulala talaga ako kapag nakasalubong ko siya na nakangiti. Ang ganda niya talaga.

Napakafriendly niya, minsan nga ay makikita ko siyang nakikipag-usap sa mga lalaki at ako naman ay magtatago lang kung saan-saan para lang makita ang mga ngiti niya.

Call me baliw, totoo naman yun. Baliw na baliw na ako sa kanya.

Malapit na sana ako sa may room namin ngunit bigla akong hinila ni Richard. Ano na namang kagaguhan to?

"Ep, Ep, blindfold muna para maexcite ka" nilagyan niya ako ng blindfold dahilan para wala akong makita.

"Bwiset ka pre, ano ba 'tong trip nyo? Gusto ko lang naman makita si Liana" sabi ko ngunit ang tanging narinig ko lang ay ang tawa ni Richard sa likuran ko. Inalalayan niya ako papunta sa room namin.

"Ops, wag kang kiligin ah?" aniya, hindi ako sumagot. Alam kong niloloko lang niya ako.

Dahan-dahang tinanggal ni Richard ang takip sa mga mata ko at kasabay non ang pag sabog ng party poppers.

"Happy birthday to you, happy birthday to you"

Yes, these are my classmates. Sa tuwing may magbibirthday sa room namin ay dapat talaga may handaan dito sa room. Bahala na kung mahirap basta masaya lang. Hahayaan naman kami ni ma'am basta daw may kainan, okay na okay siya. Matakaw si ma'am.

Ngumiti ako. Oh asan ang sinasabi ni Richard na crush ko?

"Hindi mo pa nga nakikita, kinikilig ka na, bakla ka dude" sabi niya. Tinignan ko siya tapos siya naman ay may nakakalokong ngiti. May ninguso siya sa likuran ko kaya nagtataka ako. Ano ang ibig niyang sabihin? Nakanguso parin siya sa likuran ko at nagsimula ng magsigawan ang mga classmates ko kaya ayon lumingon ako.

I froze.

There she is. She's standing in front of me smiling while holding a heart-shaped cake. Lumunok ako, feeling ko namumula na ang mga pisngi ko. Bwiset talaga tong classmates ko.

"Happy birthday, Uno!" sabi niya sa napakasweet niyang boses tapos eto ako hindi alam ang gagawin ko. Shit, bakit ba kasi ang ganda niya?

"T-thank you" at last, nakapagthank you din ako.

"Uy si Uno! Namumula ang pisngi! Awit bading!" sabi ni Richard. Kulang nalang talaga sasapakin ko na siya.

Ngayon ko lang napansin, naka red-dress pala si Liana. Mas lalong naexposed yung kaputian niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Self, calm down.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now