OS103: FLIRTING MY EX-CRUSH

5 2 0
                                    

FLIRTING MY EX-CRUSH

"Lind, dumaan kanina si Andrei sa harap ng room natin" nagtataka akong napatingin sa kaibigan ko habang siya naman ay iba na ang tingin sa akin. Nang-aasar na naman 'to. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa ginawa kong assignment dahil ipapass na 'to mamaya. Nangongopya lang ako sa President namin, buti nalang mabait siya.

"Pake ko sa kanya, di ko na yun gusto" sabi ko. Sinundot naman ako ni Lesly sa tagiliran ko kaya napaigtad ako. Sinamaan ko siya ng tingin kaya ayun ay napatawa siya. Buti nalang talaga at dumating na ang aming guro kaya natahimik siya. Binalik ko naman kay Ms. President ang papel niya dahil baka pagalitan pa kami ni ma'am.

Habang nagkaklase kami ay biglang hinila ni Lesly ang buhok ko at may itinuro siya sa may pinto kaya napalingon naman ako. Si Andrei, may dalang papel parang may hinahanap sa room namin. Agad namang nagtinginan ang mga kamag-aral ko sa akin dahil ang alam nila ay crush ko si Andrei noon pero hindi nila alam na noon lang 'yun. Sa tuwing sasabihin ko sa kanila na noon lang yun palaging sumasapaw si Lesly. Bwesit talaga 'to kahit kelan. Nagsisigawan na ang classmate ko nong pumasok siya sa room namin. Mga bwesit yung buhok ko, gulong-gulo na!

"Ma'am, pwede ba akong kukuha ng estudyante sa inyo? For representative sa SSG po" sabi nito. Tumango naman si ma'am at tinanong na kami kung sino ang gustong sumali pero expected, ako yung tinuro nilang lahat. Bwesit, panget niyo kabonding, classmates.

"Ma'am, si Lindsay daw po!" syempre sino pa ba, si Lesly yang sumigaw. "Ma'am, wala akong sinabing gusto ko" pagrereklamo ko pero pinatayo na ako ni Lesly at itinulak papalapit kay Andrei, nagsigawan naman sila lahat. Mga bwesit, sabing di ko na yan crush.

"Lindsay, sumunod ka muna sa kanila" sabi ni ma'am. Bumuntonghinga muna ako't tumango. Naunang lumabas si Andrei habang ako ay nakasunod lang. Bago ako nakalabas ay nagmiddle finger muna ako kay Lesly na siyang ikinatawa niya ng malakas. Buti nalang talaga, hindi nakita ni ma'am yun kunfi malalagot talaga ako.

"Let's wait for the others" sabi ni Andrei nang nasa faculty room kami kaya napatango naman ako sa kanya. Hindi ko na siya crush pero kinakabahan parin ako dahil kami lang dalawa dito. Tahimik lang siya habang binabasa ang nakasulat sa papel. Sumilip ako kung ano yun. Listahan ng tatakbo bilang SSG officers.

"Ano ang shampoo mo?" napalayo ako konti sa kanya at tinignan siya. "Sunsilk."

"Mabango." sabi niya kaya napalunok ako. I saw his smirk kaya napaiwas talaga ako ng tingin. Nagpasalamat lamang ako sa kaniya.

Hindi ko na nga siya crush bwesit siya! Mukhang magiging crush ko ulit 'to ngayon. "Ano naman shampoo mo?" tanong ko.

"Head'nShoulders" napatango naman ako sa sinabi niya at don napatahimik kaming dalawa. Ilang minito lamabg ang nakalipas nang dumating na ang iba tsaka nagulat pa nga ako nang makita ko si Lesly e. Nasa kabilang partylist pala siya. Malagkit ang tingin niya sa akin at kay Andrei kaya patago ko siyang nimiddle finger.

"That's bad" pagtatawa ni Andrei. Oh shoot, nakita niya. Itinago ko naman yung kamay ko dahil sa hiya na nararamdaman ko.

Nagsimula na ang meeting namin, about lang naman sa campaign ang pinag-uusapan naman tsaka sa umaabot na debate. Hindi naman din ako nakapagfocus dahil sa tingin ni Lesly na nakakaasar talaga. Mararamdaman ko din ang paglingon ni Andrei sa kamay ko kaya nahihiya ako. Akala niya siguro magmimiddle finger naman ako.

Pagkatapos non ay agad akong hinila ni Lesly kaya muntikan na ang madapa. "Wag naman ganun" sabi ni Andrei kaya napalingon ako. Akala ko iba ang sinabihan niya kaso sakin siya nakatingin kaya patago akong kinurot ni Lesly sa tagiliran kaya nahampas ko siya bigla. Napangiti naman si Andrei at nakipag-usap na sa ibang kaibigan niya.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now