OS78: MY BOYFRIEND GHOSTED ME FOR A REASON

9 2 0
                                    

MY BOYFRIEND GHOSTED ME FOR A REASON

I have a boyfriend, we've been together for almost 3 years. I really, really love him and I think he really loves me too.

Nagkakilala lang kami sa RPW then hanggang sa napunta sa RW.

He makes me laugh.
He makes me cry.
He makes me happy.
He makes me sad.

Isang araw habang nagda-download ako ng mga music na uso ngayon tulad ng love is gone, kabilang buhay ah basta mga broken sad songs kahit hindi naman ako broken. Bet ko lang yung music at lyrics. Biglang napatawag sa akin si Ezekiel, yung boyfriend ko.

"Baby, punta ako jan sa lugar nyo, hintayin mo ako" he said. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tinanong ko siya kung kailan tad sabi niya ngayon daw, nasa airport daw siya naghihintay siya sa akin. So yun naexcite ako bigla.

"May kasama ako." sabi niya. Nag-okay lang ako sa kanya dahil sa sobrang excitement ko. Nagbihis na ako at nag-iisip din ng pwedeng ipagpaalam kay mama para mapayagan ako.

"Ma, nandito jowa ko" sabi ko. Lumingon naman siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Si mama talaga, alam naman niyang may jowa na ako pero parang di parin siya naniniwala sa akin.

Akala ko di ako papayagan pero sabi niya basta mag-ingat lang daw ako.

Masaya ako papunta sa airport kasi magkikita ulit kami ng jowa ko pero nacucurios ako sa kasama niya.

Pagkadating ko doon agad ko silang nakita dahil nasa labas pala sila. Agad kong niyakap si Ezekiel at tumawa naman siya ng mahina, hinalikan niya ang pisngi ko at kumalas na ako sa pagyakap.

Agad niya namang pinakilala ang kadama niya, isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang din namin. Ngumiti ito sa akin at yumuko. Ngumiti din ako.

"Peter." sabi niya tumango ako at nilingon si Ezekiel hinalikan ko ang pisngi niya dahilan upang mapatawa siya ng mahina. Sumama ako sa kanilang dalawa papunta sa apartment na papasukan nila.

"Baby, punta tayo sa bahay mamaya, gusto kang makita ni mama" sabi ko. Tumango lang si Ezekiel. Lumingon ako kay Peter. "Sama ka din, papakilala ko kayo kay mama" ngumiti siya at tumango.

Naghintay lang ako sa labas kasi magbibihis daw muna sila kasi pawis na pawis sila e.

"Ready na kayo?" sabi ko. Sabay naman silang tumango.

Habang papunta kami sa bahay, napakadaldal pala nitong si Peter, inaasar niya kami ni Ezekiel. Boyfriend ko naman ay palaging pikon kaya natawa ako.

Sumali din ako sa pag-aasar kay Ezekiel kaya ayon sumimangot kaya ayon napasuyo ako ng wala sa oras.

Pagkadating namin sa bahay, tinawag ko agad si mama, akala ko magagalit siya pero grabe ang laki ng ngiti niya nang makita niya si Peter at si Ezekiel. Bumulong pa siya sakin na ang gwapo daw ng mga kasama ko. Si mama talaga.

"Saan dito ang boyfriend mo? Siya ba?" tanong ni mama sabay turo kay Peter. Umiling ako at hinawakan ang kamay ni Ezekiel. "Siya po, si Ezekiel. Lumingon si mama kay Ezekiel at napangiti naman si mama.

Naghanda si mama ng meryenda at nakikipag-usap pa siya sa amin. Pero madalas na nagsasalita si Peter tapos kaming dalawa ni Ezekiel napakatahimik lang na naglalambingan.

"Mas matamis pa kayo kesa sa pagkain" sabi ni Peter. Binatukan naman siya ni Ezekiel kaya napatawa kami ni mama.

"Ikaw dong, wala ka pang jowa?" tanong ni mama kay Peter. Napatingin si Peter kay Ezekiel. Pero sinimangotan niya lang si Peter kaya napatawa si Peter.

"Wala po, di payag si mama" sabi nito kaya nagtaka ako. Eh bakit? May itsura naman siya ah?

"Bakit naman di siya papayag?"

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now