OS102: A JOURNEY TO THE FUTURE

2 1 0
                                    

A JOURNEY TO THE FUTURE

"Pakikuha ng isang basong tubig, Divina" tumango ako at sinunod ang utos ng amo ko. Kakarating niya lamang galing sa kanyang trabaho at mukhang pagod na pagod talaga siya, makikita mo naman sa kanyang mukha.

Siya si Madam Corazon, ang nagmamay-ari ng mansyong pinagtatrabahuan namin dito sa siyudad ng Harun. Siya ay isang kilalang artista. Sa dinami-daming tao dito sa siyudad, isa pa ako sa napili niyang katulong dito sa mansyon.

"Divina, pakibilisan! Nauuhaw na ako" sabi nito.

Noong una ay masayang masaya akong makatrabaho sa mansyon niya ngunit ngayon ay pinagsisihan ko ito. Isa siyang napakamasungit at striktang amo. Ayaw niya ng mabagal na kilos at gusto niya kapag inuutusan niya kami ay mabilisan.

Ako ay naatasan doon sa kusina. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit magaling talaga ako pagdating sa pagluluto ngunit kahit naipagmalaki ko ito ay hindi ko parin maiwasang matakot kay Madam Corazon.

Yung una nilang mangluluto ay pinapalayas niya dahil sa natuluan lang ng luha ang tinolang niluto nito kaya nga ako nag-iingat sa mga ginagawa ko sa kusina. Nakabantay yan palagi si madam kaya kakabahan ka talaga.

"Magluto ka ng kaldereta dahil may bisita tayo ngayon galin sa kabilang siyudad" saad niya pagkatapos niyang uminom ng tubig. Tumango ako sa kanya at yumuko. Ibinalik ko na ang baso sa kusina nang makasalubong ko ang isa sa mga kasamahan ko dito sa kusina, si Jovel.

"Ate, maayos ba ang kalagayan ni madam?" napangiti ako at napailing-iling sa sinabi niya. Tinatanong niya pa sa akin kung hindi ba mainit ang ulo nito at sinabi ko naman sa kanya ang totoo.

"Mamaya na ang chika, magluluto muna tayo ng kaldereta dahil may bisita siya mamaya." sumunod naman si Jovel at ibang kasama ko dito sa kusina sa sinabi ko. Nagsimula na kaming magtadtad ng mga ingredients na ihahalo sa caldereta. Ilang minuto ang nakalipas ay nararamdaman ko ang panginginig ng braso ni Jovel sabay sabing. "Nandiyan na siya, ate" Hindi nga siya nagkakamali, nandito na nga si madam Corazon. Palagi niya itong ginagawa para i-sure na nagtatrabaho kami pero buti nalang ay aalis din siya agad.

"Bilisan niyo ang pagluluto, paparating na ang mga bisita."

"Opo, madam"

Sa pagmamadali namin ay bigla kong nahiwa ang aking kamay kaya napadugo ito. Lumingon muna ako sa may pintuan at buti nalang nakalabad na si madam agad ko naman 'tong hinugasan at nagpaalam muna kay Jovel na gagamutin muna yun.

Pumunta ako sa kwarto ko na malapit lang naman sa kusina at ginamot ko na ito. Bigla ko namang naalala ang petsa ngayon, Mayo 27, 2011. Napabuntonghinga ako at napangiti. Muntik ko nang makalimutan ang anibersaryo namin ng kasintahan ko at ang kaarawan ko. Kinuha ko sa kabinet ang cellphone ko na nokia at binasa ang text niya sakin kanina. Nakasulat dito kung saan kami magkikita mamayang gabi.

Si madam nalang ang problema ko. Maghahanap ako ng pwedeng idadahilan sa kanya. Pwede kong idadahilan ang pagbibisita ko sa puntod ng lolo ko. Malapit din kasi yan sa mga matatanda si madam kaya posibleng papayag talaga siya.

"Marami bang dugo?" iling lamang ang sagot ko kay Jovel sa naging tanong niya dahil totoo naman. Hindi naman masyadong marami.

Habang nagluluto kami ay di ko maiwasang kabahan sa mangyayari sa pagkikita namin ng kasintahan ko. Maganda ba ang mangyayari o masama?

"Ate, diba anibersaryo niyo ngayon ni kuya Paulino?" napalingon naman ako kay Jovel at napalunok. Oo nga pala, nasabi ko na pala sa kanya. Tumango nalang ako bilang sagot at nagpatuloy na sa pagluluto. Buti nalang talaga natahimik siga dahil parang wala ako sa mood sumagot ng mga katanungan ngayon.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now