OS22: UNTITLED

6 1 0
                                    

Ako si Kamatayan. Kung sino man ang makahawak sa akin ay mamamatay. Kaya kong maging isang tao. Kahit ano, kaya ko.

Isang araw habang dala-dala ko ang libro kung saan ko makikita ang mga pangalan ng papatayin ko, nakatayo ako sa itaas ng isang building at gamit ng matutulis kong mata ay hinanap ko ang taong pwede kong patayin.

Niko Arabala.

Ngumiti ako nang makita ko siyang nasa isang tulay at handa ng tumalon sa dagat. Agad akong nagteleport sa lugar niya. Hindi niya ako makikita pero maririnig niya ako.

"Tumalon ka na" bulong ko sa kanya. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkatakot. Napakabored naman nitong lalaking 'to. "Hindi ka na nila mahal, tumalon ka na" bulong ko. Pumikit siya at agad tumalon. Napatawa naman ako at bumaba na sa tulay.

Niko Arabala died.

Masaya akong naghahanap pa ng pwedeng patayin sa libro ko. Napunta naman ako sa isang kagubatan dahil base sa libro na hawak ko ay dito nakatira ang susunod na papatayin ko.

Kumakanta pa ako habang naglalakad dahil naiinip na ako dahila nagtagal magpakita ng papatayin ko. Napunta ako sa isang lumang bahay at sinilip ko ang bintana nito. "Franchette Faye" pagbigkas ko sa pangalan niya.

"Ako yun"

Napatingin ako sa likuran ko, nagtaka ako. Nakikita niya ako? Tinitigan ko lang siya at bigla akong napaatras nang napataas ang kilay niya so nakikita niya talaga ako?

"Ano ang kailangan mo?" seryosong tanong niya. Hindi ako makapagsalita at tinitigan lang siya. Bigla naman siyang umirap at pumasok na sa bahay niya. Sinundan ko lang siya ng tingin nang pumasok na siya. Napatingin naman siya sa akin "Hindi ka papasok?" aniya.

Dala ang libro ko ay pumasok ako sa bahay nila. Iniiwasan kong mahawakan siya o kahit anumang skin contact sa kanya, ewan ko kung bakit pero ganun talaga ako ngayon. Kahit isa siya sa mga papatayin ko. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan ko. Dahil ba nakikita niya ako?

Ngayon lamang ako nakasalubong ng taong nakakakita sa akin dahil isa lang naman ako ligaw na espirito ng kamatayan. "Umupo ka" sabi niya. Napaupo naman ako bigla sa upuan niya. "Sino ka?"

Tumitig ako sa mukha niya, dalaga pa siya.

"Ako si Kamatayan" pormal na sabi ko. Napatawa naman siya at sumeryoso ulit nang mapatingin sa akin. "Hindi ito oras sa pagbibiro, sir. " sabi niya, inirapan niya ako at lumapit siya sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Kung ikaw si Kamatayan, hawakan mo ako" napatingin ako sa mga mata niya. Walang bahid na takot na makikita ko sa mga mata niya. Tanging ang kagandahan lang nito ang napansin ko.

"Ayoko" sabi ko. Damn, bakit ako ganito?

"Hawakan mo ako" sabi niya pero umiling lang ako. Inilayo niya ang kanyang mukha sa akin kaya naging komportable na ako. Seryoso parin siyang nakatingin sa akin. "See? Hindi ikaw si Kamatayan" ngumisi siya. Why am I feeling this way? Bakit ako kinakabahan sa presensya niya.

"May isang kwarto jan, dyan ka matulog ngayong gabi"

"Aalis na ako" sabi ko.

"Edi umalis ka, baliw ka pala" aniya at umirap. Tinignan ko ang libro at binanggit ulit ang pangalan niya ng mahina. Sigurado bang siya si Franchette Faye na papatayin ko? Pero kasi dito ang direksyon na nakalagay dito sa libro.

Ilang araw ang nakalipas, hindi na ako nakakapunta sa ibang lugar dahil nandito ako palagi sa kagubatan. Hindi ko alam kung bakit pero sa totoo lang ay sinusundan ko talaga si Franchette Faye, dahil ba isa siya sa nakasulat dito sa libro at kailangan ko siyang patayin? Pero bakit ako kinakabahan sa presensiya niya.

One-Shot Stories [Collection]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant