OS2: UNTITLED

246 5 0
                                    

January...

You asked me to go out with you. Tinanong kita kung bakit pero namula ang mga pisngi mo at yumuko. I sighed and say yes.

You were my bestfriend for 6 months kaya komportable ako sayo pero di ko naman akalain na kaya ka pala gustong lumabas kasama ako dahil sasabihin mong gusto mo ako.

Yes, I was shocked.

I said, "Sorry, I only like you as a friend"

Pero sa mga sumusunod na araw ay patuloy mo akong sinasabihan ng gusto mo ako.

February...

Araw ng mga puso, nagulat ako nang bigla kang pumasok sa kwarto ko na may dalang chocolates at roses.

"Happy valentine's day" tumango lang ako at ngumiti. Tinanggap ko yung chocolates and roses. Umupo ako sa kama ko at tumabi ka naman sa akin sabay sabing "Alam mo ba? Gustong-gusto talaga kita" nagpeke ako ng ngiti at sabi ko na kaibigan lang ang turing ko sayo.

Ngunit sa mga sumunod na araw ay palagi mo paring sinasabi sa akin na gusto mo ako.

March...

Birthday ng pinsan ko. Inimbitahan ka ng pinsan ko kasi close din naman kayo. Akala ko ay ibibigay mo sa pinsan ko ang regalong hawak mo kaso nagulat ako nong inabot mo sa akin.

"Kunin mo na, magtatampo ako sayo" yan ang sabi mo, nakunot ang noo kong tumitig sayo at napansin kong namula ang pisngi mo kaya napaiwas ka.

"Ibigay mo kay James, siya ang may birthday hindi ako" sabi ko sayo. Bumuntonghinga ka. Kinuha mo ang kamay ko at pinahawak mo ang paper bag na regalo mo sa akin.

"Tapos na akong magbigay sa kanya, sayo talaga yan" sabi mo at naupo sa tabi ko.

"Hinding hindi ako magsasawang ipaalam sa 'yo na gusto kita, tandaan mo yan"

April...

Inaya mo akong sumama magswimming kasama ang pamilya mo at dahil sanay naman ako sa presensya ng parents mo ay sumama ako.

Nakasuot ako ng red bikini nong maliligo na ako kaso nagulat ako nang hinablot mo ako at tinignan ako mula ulo hanggang paa na may halong pagkunot ng noo.

"Anong suot yan?"

"A bikini? For swimming?" sabi ko ngunit mas lalong nangunit ang noo mo. Binigyan mo ako ng towel. Kinuha mo ang bag mo at hinila ako papuntang C.R

"Magpalit ka nga" ani mo sabay bigay sa akin ng t-shirt mo at shorts. Nagtataka akong napatingin sa iyo.

"Ayos lang naman ang suot ko ah?"

"Hindi e, ang daming nakatingin sayong lalaki parang huhubaran ka na talaga, ang kinis pa naman ng kutis mo baka ano na iniisip ng mga lalaking yun!" singhal mo sa akin.

"Lalaki ka, ano din kaya iniisip mo?"

"Concern lang ako sayo" sabi mo at napabuntonghunga ako.

"Okay lang ako sa ganito, tutal swimming naman, ikaw naman kung makaasta parang jowa!" sabi ko sayo dahilan upang mapatingin ka sa akin  na parang nasaktan? at bigla namang umiwas ng tingin.

"Y-yeah, right. S-suotin mo ang gusto mo" sabi mo sabay umalis.

May...

Binilhan ako ng bike ni mama kaso di ako marunong at saktong napadaan ka sa bahay namin kaya tinawag kita at magpapaturo sana kaso naunahan mo ako.

"Sakay" sabi mo kaya sumakay ako sa bike ko. Kaso pinababa mo ulit ako kasi ikaw pala yung magdadrive at sa likod lang ako sasakay. Ang daya mo sa part na 'to.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now