OS25: UNTITLED

7 1 0
                                    

As she was walking down the aisle with her wedding gown, ang saya ko.

Mga ngiti niyang kay ganda,
Mga luha niyang mahal pa sa isang perlas
Labi niyang namumula
Mukha niya na malaanghel.

Tumingin ako sa mga mata niya at tanging nakikita ko ay ang walang iba kundi ang ligaya.

Kailanman ay hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya dahil siya ay nagbigay ng kulay sa mundo kong walang kabuhay-buhay.

-

"Ready na po ang sasakyan." tumango lang siya sa akin naglakad papunta sa labas. Cameras are everywhere. Ang sikat ng boss ko.

"Carry my bag please?"

Kinuha ko naman ang bag niya at sumunod na ako sa kanya papunta sa office niya. Binati siya ng lahat ng trabahante at binabati din niya naman pabalik.

Pagpasok niya office ay agad naman siyang tumakbo papunta sa tapat ng aircon, haha. Ang cute.

"Uy Jerome, ilagay mo na yung bag ko diyan tsaka wag wa munang umalis may sasabihin ako" sabi niya. Nilagay ko naman iyon sa table niya at umpo muna sa sofa.

Ganyan siya sakin. Parang isang normal na tao lang, ang bait niya. Mayaman siya ngunit makikita mo sa mga mata niya na hindi siya bumabase sa kamayanan. Andami na ding natulungan yang boss ko.

Nagseserbisyo ako sa pamilya nila mga apat na taon na kaya masyado na kaming close ni madam, I'm 28 while she's 27.

Kilala ang pamilya nila dahil sa kompanya nila na puro technologies, andaming magagandang technologies, Naalala ko pa nga nong baguhan palang ako ay palagi akong binibigyan ni madam ng cellphone pero hindi ko naman tinanggap. Gusto kong paghirapan ang mga bagay na iyon. Pinaliki akong mahirap kaya gusto kong makuha ang mga bagay na iyon sa sarili kong sikap.

"Madam Ariane, kelan mo sasabihin sakin? Isang oras ka ng nasa harap ng aircon baka magiging yelo ka na niyan" biro ko sa kanya at tumawa lang siya. Bago siya umupo sa sofa ay nagfoundation muna siya.

"So madam, ano na naman po ang chika natin ngayon?" tanong ko, parang bakla ngunit nasasanay na talaga ako sa ganyang pananalita pagdating kay madam, makulit din ito e.

"Ano ba ang magandang gift para kay Archer para sa birthday niya?" tanong niya. Si Archer ay boyfriend niya for 2 years. Si Archer ay isang artista, minsan lang sila nagkikita ni madam kasi nga busy sa trabaho silanng dalawa. Private lang ang relationship nila dahil bawal sa career ni Archer. Pero kung alam naman niyang bawal, bakit niya ba niligawan si madam?

"Bigyan mo nalang siya ng brief" sabi ko. Hinampas naman niya ako.

"Gago ang bastos naman non!"

"Anong bastos non?"

"Basta mag-isip ka ng iba dali" she said. Nag-isip naman ako, Actually, hindi ako makapagconcentrate sa pag-iisip kung nakatitig naman siya sakin. Naiilang ako, mag-iiba ang pakiramdam ko. Ang ganda kasi ng mga mata niya at natetempt akong titigan siya. Kaso hindi to pwede, bawal tong nararamdam ko. Boss ko siya, bodyguard lang ako.

"Hoy Jerome ano na?" tanong niya sakin.

"Ang yaman naman din ng boyfriend mo, cake nalang e gift mo sa kanya" sabi ko. Wala naman talaga ako alam sa mga bagay na pwedeng ibigay sa lalaki. Mahirap ako, mayaman si Archer kaya hindi ko alam ang magugustuhan niya.

"Ah sige, kotse nalang" nanlaki ang mata ko. Lah? Sanaol!

"Naks, inlove na inlove ah" masayang sabi ko. Masya nga ba? Ewan.

Tulad nga ng sinabi niya bumili siya ng kotse para lang sa paparating na birthday ni Archer. Ako pa yung pinapili niya, eh di ako marunong pumili ng magandang sasakyan kaya mas mabuti kung siya na lang ang pipili para siya ang masisisi wahaha.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now