OS113: EULOGY

1 1 0
                                    

EULOGY

"Hoy Aubrey, si Tom nakikipag-away na naman sa labas" sabi ng katabi ko. Tumayo ako tsaka lumabas sa room. Actually, magclassmate lang naman kami and Tom is my boyfriend. Mahilig talaga yan makipag-away lalo na sa mga lalaking nagpapansin sa akin.

Pagkalabas ko sa room, nagulat ako nang biglang may nag-abot sa akin ng chocolate at nakita ko doon si Tom nakangiti. Bwesit, 'tong lalaki to talaga. Hilig sa surpresa. Binatukan ko siya at napakamot naman siya sa ulo niya at natawa.

"Akala ko nakipag-away ka na naman" sabi ko. Umiling naman siya tsaka niyakap ako. Nagsigawan naman ang aming mga kaklase sa loob. Halatang inaasar kaming dalawa.

"Uy nandiyan na si ma'am." sabi ng isa kong kaklase kaya dali-dali naman kaming pumasok ni Tom at umupo na sa upuan na magkatabi. Buti nalang last teacher na namin 'to this day.

"Get one-half lengthwise. Magquiz tayo" sabi ni ma'am. Nataranta naman akong nanghingi ng papel sa kaklase ko kasi tinatamad akong kunin ang papel sa bag ko. May bigla namang nag-abot ng papel sakin, syempre sino pa, si Tom. Kinuha ko naman iyon at sinulatan na ng pangalan.

Si ma'am naman ayaw magpaawat. Para siyang nasa car racing. Nagrereklamo na ang iba naming kaklase dahil hindi agad sila makasagot syempre isa na ako don. Sumagot lamang ako ng sumagot kahit mali-mali naman ang sagot ko. Natuwa pa nga ako dahil may nangopya pa sa akin isa na don si Tom. Meaning, marami kaming makakakuha ng zero.

Pagkatapos ng quiz at checking, imbis na matakot kay ma'am, natuwa pa kami kasi lahat kami 1 lang ang score. Si ma'am galit na galit na. May sinulat siya sa blackboard namin pagkatapis ay umalis na.

"Eulogy?" pagbabasa ng isa sa classmate ko. Halatang galit na galit si ma'am sabi kasi sa blackboard na dapat daw bukas may reporting kami about eulogy. Wala pa naman kaming alam non.

"Paano na 'to? Ginalit niyo kasi" sabi ng president namin. Nagtawanan kaming lahat. Sabi ni pres ay magsearch daw kami about doon. May mga naresearch naman sila and itong president namin may pakulo pang nalalaman. Kailangan daw may kasamang demonstration.

"Tutal, may magjowa naman dito sa room. Sila nalang ang magrereport." sabi ng secretary namin. Nagtawanan naman ang lahat. Alam na namin kung sino ang tinutukoy nila. Kami lang naman ni Tom ang magjowa sa room na 'to. Magrereklamo na sana ako nang bigla akong natawa sa mga pinagsasabi nilang magiging presentasyon namin bukas.

"Tom, kunwari ikaw yung patay tapos ang magbibigay ng eulogy ay si Aubrey" sabi ni Pres. Tumango naman si Tom. Wala talagang problema ang lalaking 'to pagdating sa mga ganito. Sinabihan kami ni Pres sa mga gagawin namin. Hindi naman kasi ito groupings e, whole section 'to. Kaya tulong-tulong. Si Vice President yung tumulong sa akin about sa maaring ireport ko tapos si Pres naman ang nag-aasikaso sa mga gagawin ni Tom bukas.

So ayun na, settled na lahat.

Dumating ang araw ng aming presentasyon at medyo kabisado ko naman ang gagawin ko. Babasahin ko lang naman kasi kung ano ang nakasulat dito sa dala-dala kong folder. "Tom, magbihis ka na doon sa C.R." sabi ni Pres. Binigay ni Pres ang magiging suot niyang barong. Nakahawak pa nga siya, tawang tawa na ako. Paano na kaya kapag nagpepresent na kami. Baka iiyak na ako sa kakatawa.

"Buti nalang talaga, cooperative yung jowa mo" sa ni vice pres. Ngumiti naman ako sa kanya. Kaya nga e, mabait naman kasi yung si Tom. Minsan nga lang ay napapaaway.

Pagkabalik niya galing sa pagkabihis, tawang-tawa na ako. Sinamaan niya ako ng tingin pero natawa rin naman sa kalaunan. Minake-upan siya ni Pres. Konting lipstick at pulbo lang naman iyon.

Yung ibang boys ay hinanda na ang framr at yung ilaw. Grabe naman 'tong mga lalaking to. Kabaong nalang talaga kulang pero di naman kami pwede magrenta ng kabaong kasi para sa reportings lang namin 'to. Para din to sa aming grade no, magmomoving up na kami tas baka sa subject niya lang kami mababagsak. Mas mabuti na ang sure.

"Maghanda na kayo nandiyan na si ma'am" sabi ng classmate ko. Humiga na si Tom sa lamesa at nilagyan pa ng tissue ang ilong at ang tenga niya. Ako naman dito sa gilid naghihintay nalang kung papasok na si ma'am.

Pagpasok ni ma'am ay agad akong nagsimula sa speech ko kaya nanlaki ang mata niyang nakatitig sa amin. Nagsimula nang mag-iyakan ang aking mga kaklase at ako naman ay pinipigilan ang sarili na huwag matawa. Iniimagine ko nalang talaga na totoong namatay si Tom, Sorry na agad babe.

"Ako pala yung jowa ni Tom, ang sakit lang isipin na wala na siya" sabi ko. In fairness tumulo ang luha ko. "Alam niyo bang napakabait ni Tom? Kahit seloso yan, napakabait yan." sabi ko. Mas lalong nag-iiyakan ang mga kaklase ko at pagtingin ko kay Pres. Muntik na ako matawa dahil nagpipigil talaga siya ng tawa. Bwiset. Plano mo 'to pres!

"Si Tom yung tipo ng jowa na di ka iiwan kahit saan ka magpunta. Sasamahan ka niya. Aalagaan ka niya. Si Tom yung taong maaasahan mo palagi" hindi ko alam pero finifeel ko talaga yung moment ko. Tinitigan ko si ma'am with my eyes na puno ng tears haha. Napansin ko ang pagpipigil niyang umiyak, ge ma'am this is our goal. Ang paiyakin ka.

"Si Tom yung tipo ng tao na kahit pagod na lalaban parin siya" sabi ko. Nilingon ko si Tom at napangiti. "Babe, tandaan mo palagi. Mahal na mahal kita" sabi ko at yumuko upang umiyak pero syempre drama lang iyon. May idadagdag pa sana ako kaso pinahinto ako ni ma'am. Tinignan ko siya na ngayon ay nakatitig sa katawan ni Tom. Lumapit siya doon at chineck ang pulso nito. Tinignan ko si Pres na ngayon ay nagpipigil na ng tawa sa ginawa ni ma'am.

Mas natawa pa kami nong biglang tumakbo si ma'am palabas na sumisigaw nong idinilat ni Tom ang kanyang mga mata sabay sabing "Happy birthday ma'am."

Nagtawanan naman kaming lahat hanggang sa bumalik si ma'am papasok ng room tsaka sumigaw ng "BAGSAK KAYONG LAHAT! BAWAL GRUMADUATE YUNG SECTION NA 'TO" imbis na matakot kami ay mas lalo pa kaming natawa kasi nakikita ko kay ma'am kanina na naiiyak siya tapos ngayon galit na galit na.

Kinabukasan ay nakapagmoving up naman kami, ito talaga si ma'am scammer.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now