OS155: STOP LOOKING AT THE MIRROR

5 1 0
                                    

STOP LOOKING AT THE MIRROR

"Have you ever heard some creepy things about the mirror?" one of my classmates asked me. Umiling ako at hinintay ang sasabihin niya kaso dumating si ma'am. Sasabihin nalang daw niya mamaya.

Nang papauwi na kami ay hinanap ko iyong classmate ko kasi gusto kong marinig yung sasabihin niya abput sa mga salamin kaso iniwan na niya talaga ako.

Pagkauwi ko ay agad kong kinuha ang salamin ko at tinitigan yun. Anong meron sa mga salamin? Bakit ganun siya kaseryoso kanina?

"Alea, anak, aalis ako saglit ah? Bantayan mo muna kapatid mo" sabi ni mama. Hindi ako sumagot ngunit tumango. Pinuntahan ko sa kwarto ang kapatid kong 4 years old na mahimbing namang natutulog. Dito nalang muna ako sa tabi niya.

Kinuha ko naman yung cellphone ko at nagtry akong magselfie kasi nga masyado na akong walang maipost sa socmed. Well, hindi naman ako mahilig magpost kaso may mga times lang na nasa mood ako. Doon na ako magpopost.

Habang tinitignan ko yung mga pictures ko ay may napansin lang ako. Inizoom ko yung picture tsaka may nakita akong babaeng nakaitim sa may bintana. Hindi naman masyadong kita yung mukha niya doon kaya lumingon ako pero wala namang tao.

Tinignan ko yung ibang pictures ngunit wala naman. Ah baka namalikmata lang ako.

Gumagabi na. Hindi pa bumabalik si mama. Nabigla naman ako nong umiyak ang kapatid ko kaya niyugyog ko yung duyan para makatulog ulit siya ngunit parang walang epekto iyon dahil mas lalo pang lumakas ang pag-iyak niya.

Nakaramdam naman ako ng panlalamig sa batok ko nang may parang may humawak sa banda roon kaya nilingon ko pero walang tao. Bigla nalang din nag-off at on ang ilaw tsaka mas lalo na ring umiyak ang kapatid ko. Dali-dali ko namang kinuha yung kapatid ko para yugyugin. Medyo nakaramdam na din ako ng takot kaya napag-isipan ko na lumabas.

Lalabas na sana kami nang biglang nagbrown out. Napahinto ako nang napalunok. Ang kaninang panlalamig ko sa batok ay napalitan ng panlalamog ng buong katawan ko. Napalingon ako sa gilid at nakita ko ang aking sarili sa salamin. Dala-dala ang kapatid ko.

Tumitig lamang ako sa salamin at napalunok . Kahit na madilim sa kwarto ay maliwag naman ang salamin. Kitang-kita ko yung babaeng nakaitim sa likuran ko. Itim ang kaniyang mga mata na may dugo na tumutulo tsaka may dugo ang kaniyang mga ngipin. Nakangiti pa nga siya sa akin sa harap ng salamin.

Muntik ko nang mabitawan ang kapatid ko. Dali-dali kong ini-on yung flashlight tsaka dala-dala ang aking kapatid, lumabas kami sa kwarto.

"Oh, anak bakit parang takot na takot ka?" biglaang tanong ni mama tsaka lumapit siya sa akin at kinuha iyong kapatid ko. Napahingak naman ako at napatingin ako sa ilaw. Hindi naman brown-out. Lumingon din ako sa kwarto at maliwanag naman doon.

Pumasok naman ako sa kwarto ko at halos hindi na nga makatulog dahil sa nangyari buti nalang ay pumayag si mama na doon sila matulog sa kwarto ko.

Sumapit ang umaga, pumunta ako sa banyo upang maghanda na para pupunta sa paaralan nang mapatingin ako sa salamin. Tumitig ako doon at napaatras ako ng bahagya nang makita ko ulit iyong babaeng nakaitim. Ang creepy niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at napasigaw naman ako nang may humawak sa balikat ko.

"Anak, okay ka lang?" gulat akong napalingon kay mama at napatango ng bahagya. Napabuntonghinga ako. Baka imagination ko lang.

Sa school ay agad akong sinalubong ng classmate ko tsaka ay kinammusta niya ako bakit daw ako namumutla. Ngumiti lang nama ako.

"So gusto mo bang malaman ang tungkol sa salamin?" tanong niya. Nagdadalawang isip pa ako dahil sa natatakot ako kahapon ngunit may parte naman sa akin na gusto kong malaman kaya pumayag ako.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now