Hello! Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nagpaabot ng kanilang pagbati sa thru message video, FB or sa message board and comment section dito sa Wattpad, tulad nina :
Ms. Danielle Sophia Capacillo
Ms. Lana Rose Sevillo
Ms. Ailene Omayan
Ms. Jannah La Torre
Ms. Sarah Jane Nacario-Padua
dyosaraina
Thank you so much. First time na merong nag-effort ng video message for me (super thanks sa effort ni Danielle 😊)
Pinasaya at pina-smile ako ng bongga sa birthday ko. Hindi ko ma-share dito, eh. Sa group page na lang ni dyosathewriter and sa FB account ni Josa TheWriter. Sobrang proud at happy lang ako. 😜. Sana mapanood n'yo. Thanks ulit sa another birthday na kasama ko kayo sa journey sa love stories ng buong gang (nadadagdagan na sila)
This update focuses on Rome and his TOTGA. May TOTGA ba kayo? Share some of your thoughts and experiences. Magandang marinig at mapag-usapan (sorry, ang chismosa ko lang 😜)
Maraming salamat ulit! Hanggang sa maraming-maraming-maraming birthdays pa nating lahat ❤😊💃🏻🎂🍾🎈🎉 -- Dyosa (the Birthday Girl)
*******************************
ASHLEY
“BAKIT NAGSAMA KA pa ng three musketeers?” natatawa kong tanong nang makita kong kasama ni Cobi sina Andrew, Alfred at Ryan.
May usapan kami ni Cobi na mag-a-undertime siya sa opisina para sunduin ako at samahan sa The Coffee Shop na kung saan kami magkikita. Pero nagulat ako nang makitang may kasama siya sa loob ng sasakyan.
“Nabanggit ko kasi--“
Pinandilatan ko si Cobi. “Ang daldal mo!” Hindi naman ako naiinis. In fact, I welcome the company of these three. They were funny. Masayang kasama. Though, sometimes, annoyingly funny kasi naiingayan ako kapag kasama sila. Maiingay naman kasing talaga sila. Lalo na kapag nagkakapikunan sina Andrew at Alfred na parehong malakas mang-asar.
“Niyaya ako nito--“ Turo ni Cobi kay Andrew. “Sabi ko, hindi ako pwede kasi may lakad tayo. Eh, ubod pala ng chismoso ‘to--“ Turo ulit niya kay Andrew. “Hindi na ako tinantanan sa kakatanong kaya sinabi ko na. Tapos sinabi ng mas madaldal na ‘to—“ Itinuro muli niya si Andrew sa pagitan ng dalawang mata nito. Natatawang tinabig ni Andrew ang daliri niya. “Sa mga epal na ‘to--“ Pinagtuturo niya sina Alfred at Ryan. “Kaya sumabit sa lakad natin.”
Tumingin sa akin si Cobi. “At ‘yan ang alamat ng tatlong epal na musketeers. End of story.” He smiled.
Some time ago, I would have find that smile panty-droppingly handsome. I thought my love for Jacob was everything to me. Nang-aaway pa ako dahil doon.
Now, it only a vague memory. Like it happened some ages ago.
Now, only the sexy smiley grin of Robert Aldus would mean everything to me.
Nagpapasalamat akong dumating siya sa buhay ko. Kung hindi, baka nakalugmok pa rin ako sa kumunoy ng bitterness na dala-dala ko sa buhay.
“Punyemas ka!” sabi ni Andrew kay Jacob mula sa backseat. “Anong epal? Mga gwapo kamo. At ako ang pinakagwapo.” Itinaas-baba niya ang kilay sa papilyong paraan.
Jacob rolled his eyeballs. I just giggled softly.
Bumaling si Andrew sa akin. “’Di ba, Ashley Girl? Ako ang pinakagwapo?” Nag-beautiful eyes pa siya.
Lumakas ang tawa ko. Pero hindi ako sumagot. I just shook my head, still smiling.
Tinapik ni Andrew si Jacob sa balikat. “Kitam? Silence means yes, Maravilla,” mayabang niyang sabi.
Sumimangot si Cobi. “Yeah, right,” tila bored na sabi ni Jacob at saka in-start na ang kotse.
“Alam naman siguro ‘to ni Gallego, ‘no?” singit ni Ryan.
Nilingon ko si Ryan. I was sitting beside Cobi. “He knows. Pinasamahan ako kay Cobi kasi hindi s’ya pwede ngayon.”
Alam ko namang alam na ni Ryan. Gusto lang siguro niyang makasiguradong alam nga ni Aldus ang ginagawa ko.
“Buti naman. Bakit kasi makikipagkita ka pa?” Si Ryan ulit.
“For his closure. I believe I owe it to him,” sagot ko.
“Closure, closure. Baka i-closure ko pa ‘yang mukha niya!” salubong ang kilay na sabi ni Alfred.
Alam ko namang na kay Bobby ang loyalty nilang lahat.
Nilingon ko sila at sinimangutan silang lahat. “’Wag nga kayong ganyan. Naging mabait si Rome sa akin n’ung una kaming nagkakilala seven years ago.”
I got their attention. First time nilang malalaman ang dahilan ng involvement ni Rome sa buhay ko.
O, ‘di ba ang bata ko pa n’un?” I continued. “Napasabit ako sa party ng kaibigan niya dahil sa mga kaibigan ko. He saved me a fucking stupid drunk guy na gusto akong gawan ng hindi maganda. Pinakain niya ako. He somewhat took care of me during that time hanggang sa maghiwalay kami. Fast forward, we met again during the kick off ng Centennial celebration ng HFU because he and his bandmates are also Holyian alumni.”
“We don’t give a fucking damn about him. Kaibigan namin si Gallego. Kahit na anong mangyari, kay Gallego kami,” ani Andrew na biglang naging seryoso.
“But I do give a fucking damn about him,” seryoso ko ring sabi. “Tinatanaw kong utang na loob ang kabutihang ginawa niya sa akin noon pati na ang ginawa niyang effort para linisin ang pangalan ko nang katayin ako sa social media at bansagang two-timer. See? Nabago ang tingin ng mga tao sa akin?”
Magsasalita sana si Ryan but I cut him off.
“At mahalaga sa akin iyon dahil ayokong masira sa mga ng taong malalapit kay Gallego. Si Gallego, mahal niya ako kahit na ano at sino pa ako. Pero ‘yung taong malalapit sa kanya at importante ang mga opinyon para sa kanya, I want to come clean. Importante sa akin ‘yun. Ayokong napapahiya si Gallego dahil sa akin. Saka the fact na hindi ako napahamak seven years ago dahil kay Rome, mahalaga rin sa akin.”
“That bastard has feelings for you,” sabi ni Ryan.
“I know,” mabilis kong sagot. Obvious na rin pala sa kanila ang nararamdaman ni Rome para sa akin. “Sinabi na ni Rome sa akin. Pero right there and then, binara ko siya. Sinabi kong mahal ko si Gallego at hindi walang sinumang lalaki ang makakapagpabago n’un. Hahabulin ko ba siya ng dalawang beses na paroo’t-parito Sa Zambales kung hindi? ” Mataray ko silang pinagtaasan ng isang kilay. “Hindi ko susukuan ang pinakamamahal n’yong si Gallego kasi pinanakamamahal ko rin s’ya? Okay?”
Hindi sila kumibo.
“Ano, satisfied na kayo?” mayabang kong sabi nang ma-feel ko na nakuha nila ang punto ko.
Alfred let out a resigned sigh. “Just the same iuuntog pa rin namin siya sa muscles ni Rufino kapag nakita namin s’ya.”
Ngumisi siya at tumingin kay Andrew.
Nag-ala Incredible Hulk si Andrew. “Yeahhh!” he growled then took off his shirt.
Nagtawanan kaming lahat.
Cobi shook his head. “Magdamit ka nga, Rufino. Nakakadiri ka,” pang-aasar niya habang nakangisi.
“Punyemas ka!” sigaw ni Andrew sabay hampas sa mukha ni Cobi ng t-shirt.
"'Tang ina!” Cobi blurted. “Nagda-drive ako, Rufino!” nakasimangot na saway niya.
Nagtawanan na naman kaming lahat. Bagaman maiingay sila, ang saya-saya nilang kasama.
I loved them all.
Ngumisi si Alfred. “Mamaya ka na kasi magpakitang-gilas, Rufino. Kapag kaharap na natin ‘yung del Mundo--“
Hinarap ko sila. “Hoy!” tili ko. “Wala kayong gagawing hindi maganda kay Rome, ha? Lagot kayo sa akin,” banta ko. I wiggled a scolding index finger at them.
“Ashley, mababait kaming lahat…” nagbabait-baitang sabi ni Ryan na pinagsalikop pa ang mga palad na parang nagdarasal. “Kami ang mga anghel sa HFU.”
I raised one corner of my lips in a mocking way and threw a dirty finger at them.
“At ‘yan ang alamat ng mga epal at chismosong musketeers. End of story,” nang-aasar na sabi ni Cobi at sinunandan ng nang-aasar na tawa.
“COBI, ANDREW, RYAN and Alfred, this is Rome. Rome, these are my and Bobby’s friends,” pakilala ko sa kanila.
Nasa loob na kami ng The Coffee Shop. The same coffee shop that we went to on Rome’s birthday. It was almost five, halos matao ang lugar. I knew people around us took out their cellphone cameras and were already taking pictures of us.
I felt proud, actually. Isang sikat na bandista at mga sikat ding basketball at football players ang kasama ko. Bukod pa sa naggugwapuhan ang mga ito.
Kaya wala akong pakialam kung i-post pa nila ito sa social media. I would be very happy, in fact.
Nagsukatan sila ng tingin. Cobi was just quietly sizing up Rome. Alam kong deep inside, naiirita siyang makita si Rome dahil ito ang naging dahilan ng pagkawindang ng best friend niya nitong mga nakaraang araw.
He would not forgive Rome that easily. Mahal na mahal ni Jacob si Bobby. Katulad ng madalas niyang sabihin sa akin, matalik niyang kaibigan si Bobby at narito ang loyalty niya mali o tama man si Bobby.
Nakangisi lang ang tatlo. But the more mature Rome held out his hands and to shake hands with them. At bilang pakitang-tao at dahil na rin sa nagbabanta kong tingin sa kanila kinuha nila isa-isa kamay ni Rome at nakipag-shake hands.
Pagkatapos ay itinaboy ko na sila sa bakanteng pang-apatang couch. Mabuti na lang at malayo sa napiling table ni Rome. Hindi sila masyadong makakaistorbo sa amin.
“Umayos kayo, ha?” bulong ko sa nagbabantang tinig. Para kasi silang mga batang napipikon sa kalaro.
Pinalo-palo ni Alfred and biceps ni Andrew. “Ito lang, Ash. Ito lang…” pagbabanta niya pero natatawa naman lalo pa at mayabang na pine-flex ni Andrew ang biceps niya.
“Ewan ko sa inyo,” natatawang sabi ko at tinalikuran ko sila.
May ngiti pa sa labi ko nang magbalik ako sa table ng kinaroroonan ni Rome at umupo sa tapat niya. He already ordered something for me. T-in-ext ko kasi siya na malapit na kami.
“Thank you for coming,” he sincerely said.
He was wearing a plain white shirt. His flaming arrow tattoo was visible.
“We both need this, especially you,” sagot ko. I scanned his face. He looked tired. And defeated.
Tinapunan niya ng tingin ang apat na sinalubong naman ang tingin niya.
He averted his eyes to me. “Is it necessary?”
“Ang ano?”
Inginuso niya ang direksyon ng apat. “Sila.”
He meant their presence.
“It is. Kampante ako kapag kasama sila. Hindi kasi pwede si Robert Aldus ko ngayon. Buong araw ang klase niya.
Gumuhit ang kirot sa mga mata ni Rome nang marinig niya ang possessive kong tawag kay Bobby.
Robert Aldus ko. Sa harap pa ni Rome? That was a little insensitive, Ashley, kastigo ko sa sarili ko.
Rome brought his coffee to his lips and sipped a little.
“May gusto ka pa bang sabihin sa kin?” tanong ko bilang agad na pag-iiba sa usapan.
He put his cup down and stared at me for a while. It made me a little uncomfortable. His hooded gaze was soft and pure of fondness.
After a while, he was the one who distracted himself from staring at me. He raked his fingers through his hair and bit the inside of his lips but then he stared at me again.
As if memorizing each corner and plane of my face. His hooded eyes were clouded with melancholy.
“Rome…” saway ko. Baka kasi mamaya ay makahalata ang apat na tinititigan niya ako nang husto at masamain ang ginagawa niya.
“I’m saying good bye, Ashley…” malungkot niyang sabi. Ang ngiting pwersahang inilabas sa labi niya ay hindi umabot sa mga mata niya.
Hindi ako nakapagsalita. May pinong kurot akong naramdaman. Maybe because he and I could be very good friends if not for the situation we are in.
“I’m going to do a U.S. and Canada tour. It will be a good four to five months.” Sumandal siya sa backrest ng couch at humalukipkip. “Matagal na itong offer sa amin ayoko lang gawin kasi nakakapagod.”
“Then why are you doing it now?” I asked grudgingly. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot sa pagpapaalam niya.
His sad hooded eyes met my gaze. “I need it. A distraction. To get away--“
“From what?”
“From loving you more,” he said, desperation in his voice.
Napahigit ako ng hininga. Napalunok ako sa intensidad ng tingin niya sa akin.
“Ang hirap kasi…” tila naiirita niyang sabi, mas patungkol sa kanya. “Alam ko namang wala na akong pag-asa sa ‘yo. Alam kong may mahal ka ng iba…”
Ngumisi siya nang pasarkastiko. “Putang ina, ang gago ko kasi. Hinayaan pa kitang mawala sa akin…” bulong niya pero narinig ko pa rin.
Napahilamos siya sa mukha. “Pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na ipagsiksikan ang sarili ko sa ‘yo lalo pa at alam kong abot-kamay lang kita at nasa malapit ka lang," he continued when he met my gaze. "Kahit pakikipagkaibigan na lang ang habol ko, alam kong hindi pwede. Ayan nga at ang daming gwardyang ipinadala ni Bobby mabantayan ka lang laban sa akin. Pero kahit naman hindi siya magpadala ng bantay, you guard your heart well. Ang tindi mo magmahal, eh. Ang swerte ni Bobby.”
I smiled despite the fact that my heart goes out to Rome.
He bit his lower lip and angled his head on one side. “Hypothetical question and please answer me with all honesty, if seven years ago, I pursued you and stayed by your side, would you have loved me the way I love you right now?” he asked after, his face and voice serious.
I rested my chin my over my linked fingers and looked at him. In his hooded eyes.
“Yes,” I replied without thinking so much. “You’re a good man. Alam kong maaalagaan mo ako. Mahal mo ako, sabi mo, eh.”
“And I do. I really, really do,” he said fondly.
I nodded my head, convinced at what I have said. “Yes. Hypothetically yes.” I emphasized the last two words.
“Thank you. Nakaka-boost ng low morale at ego ang sinabi mo.” He gave me a lopsided smile.
Naglabas ako ng buntong-hininga. “But later on, it will be a self-destruction for me. Baka mag-break din tayo.”
“Why?” curious niyang tanong.
“I fight for the people I love. Nang-aaway ako ng mga taong mang-aagaw. At sa social status mo sa music industry na sobrang sikat, baka lahat ng babaeng fans mo awayin ko lang. Because may mga fans na totoo namang mas higit sa akin--mas maganda at mas achiever kaysa sa akin. Nakakapagod ‘yun. And eventualy, baka pati ako, masira ko ang sarili ko at pati na ang relasyon natin.”
“Pwede kong iwan ang lahat ng ito para sa babaeng mahal ko. Gan’un ako magmahal, Ashley.”
“Oh, no doubt about that, Rome,” I said, convinced. “Kaya lang, in reality, hindi ako ang babaeng iyon.”
He tsked. “You’re my--“ He motioned a quote-unquote sign with his fingers. “The one that got away.”
I laughed quietly. Nakaka-proud na marinig iyon mula kay Rome.
“And I realized, ikaw rin ang batang babae sa panaginip ko. The warrior princess who struck a flaming arrow directly to my heart.”
“I didn’t kill you--“ kontra ko.
“Yeah, literally, hindi. “Pero dito…” Itinuro niya ang kaliwang dibdib niya. “Siguro.”
I felt so sad for him.
“Rome, makakahanap ka pa ng babaeng para sa ‘yo. ‘Yung mamahalin mo nang mas higit pa sa akin. At iyong magkakaroon ng katapat ang ino-offer mong pagmamahal sa kanya.”
“Sana nga.” He did not sound convinced.
Silence.
“May kakambal ka ba? Baka pwedeng siya na lang,” he joked.
I rolled my eyeballs. “Nag-iisa lang ako sa mundo,” mayabang kong sabi.
“Yun ang masaklap.” He sighed and smiled bitterly.
“You’re a good man, Rome. You deserve happiness. You deserve more and better.”
He forced himself to smile.
“About the song I wrote for you--“
“I did not tell my Robert Aldus about it,” defensive kong sabi.
Ayokong pagmulan ng insecurities ni Aldus and tungkol sa ginawang kanta ni Rome.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. “Nilapatan ko na ng music. I might include it in our next album. It’s for you.”
“I appreciate your effort, Rome. Pero, please lang, ‘wag mo ng ipagsabi na para sa akin ang kanta. Don't you ever dare.”
“Pero para sa ‘yo naman talaga ‘yun.”
“Please…” pakiusap ko sa mababang tinig. “Ayokong malaman ni Robert Aldus ko. Ikakabit na naman sa amin ang kantang ‘yan kapag nalaman ng madla. Magkakaroon na namang issue na pwedeng makagulo sa ating lahat.”
“So, pati ‘yun hindi pwede.” He sounded hurt.
“Sa ating dalawa na lang. Pwede ba?” pakiusap ko.
Sinalubong niya ang tingin ko. “If I die, the rights for that song is yours. I’m giving all the rights to you. You can do anything you want with it.”
“Hindi ka mamamatay agad. At sigurado akong malilimutan mo ang kantang ‘yan kasi gagawa ka pa ng maraming kanta para sa babaeng mamahalin mo at pag-aalayan mo ng pangalan mo.”
Ngumisi siya. “Ang lalim, ah,” biro niya.
“Tumigil ka. Baka masampal kita,” kunwari ay mataray kong sabi.
And then we both went silent.
Just sipping our coffee and looking anywhere else but each other.
Maya-maya ay bumuntong-hininga siya. “So? This is good bye…”
Bigla akong nalungkot. Rome has been a good friend.
“Ang sama na ng tingin ng mga kaibigan ninyo ni Bobby.” Ngumisi siya. “’Wag nilang sabihing mas matatangkad sila--“ It was an empty threat, meant only as a joke.
Napangiti ako. Matangkad din si Rome. Pero mas matatangkad ang gang.
Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumayo rin ang apat pero hindi lumayo sa table nila.
Inalalayan ako ni Rome sa pagtayo. But he was keeping a safe distance.
“Good bye...” aniya sa malungkot na tinig bagaman nakangiti.
I swallowed a lump on my throat. Marahan akong tumango. “Good bye, Rome. Take care of yourself.”
He smiled. “I will. You, too.”
“Keep in touch once in a while. Okay?”
Marahan siyang tumango. “Yeah…” halatang napipilitan lang. Alam kong hindi niya gagawin. Because he said he wanted to get away.
From loving me more.
“Hug?” sabi ko.
He raised an eyebrow. “Baka mag-trending tayo?” he jokingly cautioned.
“I don’t give a fucking damn, Rome. You are my good friend. And I am giving my good friend a good bye hug. Good friends do this.”
“Are you sure?”
“For one last time, Rome…” I insisted.
He laughed quietly. Then we have each other a hug. Kapansin-pansin ang pagbibigay ni Rome ng distansya sa pagitan namin. It was awkward.
“Yeah, Ashley. For one last time…” he fondly whispered.