Aldus and Gracie wish you all a very Merry Christmas ❤ -- Dyosa
**************************
ASHLEY
PAPASOK PA LANG ang kotse ko sa parking lot ng malaking branch ng The Coffee Shop kung saan kami magmi-meet ni Rome ay nakita ko na siyang nakasandal sa modelong black SUV niya.
Nakatungo siya habang nakatingin sa cellphone at sa isang kamay ay may hawak ng stick ng nakasinding sigarilyo. He was wearing a plain white shirt and tattered black jeans. His flaming arrow tattoo was so prominent.
Sunud-sunod ang ginawa kong busina para ma-distract siya.
Nag-angat siya ng mukha at lumapit sa kotse ko. Ibinaba ko naman ang bintana ng kotse.
“Hi, magandang batang masungit na may pagkasinungaling,” maluwang ang ngiting bati niya na bahagyang yumuko para magtama ang mga mata namin.
Hindi nakaligtas sa akin ang lambing sa boses niya.
“Where’s the red carpet? Narito na ang reyna, ah,” biro ko sa mataray na tono.
Hindi ko alam pero hindi naman ko naman maituturing na talagang kaibigan si Rome pero nagagawa ko siyang biruin nang ganito. At sumasakay naman siya na para talagang matagal na kaming magkaibigan.
He chuckled and gave me a long cool look. Na para bang hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ako.
“I thought you’re going to stood me up…” he said quietly while looking directly into my eyes. “Ayaw mo pa kasing magpasundo.”
Mataray akong nagtaas ng isang kilay. “I said yes, didn’t I? Isn’t that enough?”
He smiled. Iyong ngiting alam kong kinagigiliwan ng mga babae sa kanya. “Yeah… Pero may pagkasinungaling ka kasi kaya natatakot akong baka pinaasa mo lang ako.
“Gago!” natatawang putol ko sa kanya.
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Rome. Hindi man lang na-offend na minumura ko siya. Bagkus ay tila ikinatutuwa pa niya.
“Hindi ako kahit kailan naging paasa, ‘no!” Pinandilatan ko siya. “Ihanap mo nga ako ng parking space,” utos ko. “At itapon mo ‘yang sigarilyo mo, ha? Hindi ko gustong may kasamang sunog-baga,” mataray kong sabi.
He laughed quietly, making his eyes twinkle with delight. “Masusunod, magandang batang masungit…”
Lumayo saglit si Rome at nagpunta sa isang maliit na basurahan. Humitit muna siya sa mahaba pang sigarilyo bago iyon pinatay at itinapon sa basurahan.
Hindi kasi ako sanay kasama ang isang lalaking naninigarilyo. Wala naman kasing naninigarilyo sa mga kaibigan ko.
Lalo na ang boyfriend kong isang dating atleta at ngayon at nagdodoktor naman.
I sighed. Bobby. My Bobby.
May lungkot akong naramdaman. I really, really felt so all alone tonight.
Feeling ko ay pinagkaisahan na naman ako ng buong mundo. Napagsalitaan ako nang hindi maganda ng isang bitchesang tulad ni Patty at pagkatapos ay ni hindi ko man lang nakita si Bobby. Hanggang ngayon ay hindi sumasagot sa text at tawag ko.
I pressed his number once again. Nagri-ring lang hanggang sa mag-busy tone na.
I pouted my lips and sent him a text message.
Nakakainis ka na… sabi ko sa text.
Nang mag-angat ako ng mukha ay nasa harapan na ng kotse ko si Rome at itinuturo ang isang parking space. Siya pa ang sumesenyas sa pagmamaniobra ko.
Napangiti ako. Nakakatuwa kasi siyang panoorin. Isang sikat na bandista ay ginawa ko lang parking boy.
Iba ka, Ashley Grace, nangingiti kong naisip.
Nang maayos ko ang sasakyan sa parking space ay dali-dali akong pinagbuksan ng pinto ni Rome habang nakangiti.
“Happy birthday…” bati ko nang makababa ako ng sasakyan.
“Thank you.” Sinalubong niya ang tingin ko. “Ikaw ang panauhing pandangal ko, magandang batang masungit.”
His hooded eyes intently piercing through mine, making me feel a little… awkward.
I cleared my throat ang broke the eye contact. My eyes went to his hair. Gone was the long hair.
Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin.
Clean cut na siya. Papasa ng empleyado sa isang bangko kung hindi lang sa tattoos niya sa braso.
Clean cut. And cutie pie, if I may add.
One cannot deny him being so attractive. Lalo na siguro kapag kumakanta na sa entablado. Kaya maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Gwapo na, talented pa.
“Bagong gupit ka, ‘ata,” I said while avoiding his gaze.
Isinara ko ang pinto ng kotse at nag-umpisang maglakad paakyat ng coffee shop. May halos pitong baitang na hagdan iyon.
Naramdaman kong hinawakan ako ni Rome sa likuran ko para alalayan. I did not mind it. Ni hindi ako umiwas because I knew he was just trying to be a gentleman.
Nakilala ko siyang ganito seven years ago.
Napasuklay siya sa buhok kaya napatingin ako sa braso niyang may flaming arrow tattoo. Bagay sa kanya.
“Birthday ko, eh.”
“So?” nakataas ang isang kilay na sabi ko.
He half-smiled. “Nagpapagupit kasi ako tuwing birthday ko.”
Hindi ko napigilang mapangiti. “Weird, huh? Bakit?”
“Si Mommy kasi, eh,” tila nahihiyang sabi niya at sinuklay-suklay ang buhok sa likod. “Simula pa lang n’ung bata ako, palagi akong pinagugupitan tuwing birthday ko.”
“Talaga? Bakit? Pantanggal malas?” I asked. Sa mga Chinese kasi ay may ganitong pamahiin at madalas na ginagawa tuwing new year.
He smiled, like cute and shy little boy sharing some of his secret. “Para raw gwapo ako.” Pigil ang cute na ngiti niya.
Bakit kailangang laging may ‘cute’ sa adjectives mo, Ashley Grace? tanong ng intrimitida kong sub-conscious mind.
Bakit nga ba?
Because Rome del Mundo was really cute. Even I could not deny it. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.
At hindi ako sinungaling. Bitchesa ako pero hindi ako sinungaling.
I snorted and rolled my eyeballs. But it was a cute mother and son thing to know of. I narrowed my eyes at mataman siyang tiningnan. “Long hair or not, gwapo ka naman,” kaswal kong sabi.
His face lit up like a giant Christmas lantern. “Totoo?” hindi makapaniwalang tanong niya. He was biting his lower lip.
Binuksan niya ang pinto at lumalakad nang nakaharap sa akin. Hindi pa rin nawawala ang gwapong ngiti sa labi. Na para bang isang magandang regalo at ibinigay ko sa kanya ngayong birthday niya.
“Totoo,” matapat kong sagot. “Kahit na itanong mo pa ‘yan sa milyon-milyon mong girl fans.”
Napakamot siya sa likod ng ulo. “Alam ko na ang opinyon na ‘yun ng mg girl fans ko.” Sinalubong niya ang tingin ko. “Pero ang opinyon ng magandang batang masungit ang gusto kong marinig,” malambing niyang dagdag.
Cool hooded eyes met my gaze.
“I already told you,” walang anuman kong sagot. “Ayoko nang ulit-ulitin pa. Mamaya yumabang ka pa,” mataray ko pang sabi.
He threw his head back and laughed out loud. May tatlong mesang okupado at lahat sila ay napatingin sa amin.
But I did not care. Que tumawa man nang malakas si Rome o hindi, he would still get people’s attention because he was the freakin’ Rome del Mundo, a celebrity. Baka nga mamaya lang ay may lumapit na sa kanya para magpa-picture.
I broke our eye contact and searched for a table for two. Nakahanap ako sa bandang dulo malapit sa glass wall na kung saan nakikita ang parking lot.
“Mocha frappe ako,” sabi ko at agad na tinungo ang mesang nai-spot-an ko.
He smiled and it reached his hooded eyes. “Masusunod, magandang batang masungit.”
“MOCHA FRAPPE PARA at chocolate cake para sa sa magandang batang masungit…”
I was looking at my cellphone, hoping for a call or even text from my Robert Aldus.
Pero wala. And disappointment was already hurting my feelings.
Ano na ba ang nangyayari sa boyfriend ko? I already asked Jacob to call him. Baka sakaling kay Jacob ay sumagot siya. Pero wala rin daw. Nag-send na lang ito ng text message na mag-reply o magcallback kung sakali.
Pagkatapos ay hindi ko na kinulit at inistorbo pa si Jacob.
Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin. Tumambad sa akin ang nakangiting Rome del Mundo.
Umupo siya sa tapat ko. Nakita kong nag-order siya ng ilang pirasong sans rival para marahil sa kanya.
“Stop calling me that…” saway ko. Kumuha ako ng isang pirasong sans rival. At nang makita niya ito ay itinapat niya ang sans rival sa harap ko, giving all of it to me.
“Why?” kibit-balikat niyang tanong at dahan-dahang humigop sa mainit niyang kape. And he did it while his hooded eyes were looking at me.
“It cringe-y,” maarte kong sagot.
Like it was an endearment for me, gusto ko pa sanang idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka isipin pa niyang affected ako. Or worst, kinikilig ako sa kanya.
Like fucking duh.
He laughed quietly and put down his cup of coffee. Nangalumbaba siya sa harap ko. “Pero totoo namang maganda ka. At masungit. Mabuti nga hindi ko na dinadagdag pa ‘yung--“ He gestured a quote-unqoute with his fingers. “May pagkasinungaling…”
Pinandilatan ko siya. At pagkatapos ay dinuro sa noo niya. Natatawang umilag siya.
“Hindi na ako bata,” paalala ko.
He openly scanned my face and his gaze went to my eyes. “I can certainly see that now… Undeniably…” he said quietly, his voice so raspy like he was just out of bed.
And it was with so much fondness.
That statement made me inhale a sharp breath.
I just cocked an eyebrow at him.
He cleared his throat and awkwardly scratched his ear. Then smiled and shook his head.
And it was followed by awkward seconds before he spoke again.
“I like calling you that,” he cleared his throat. Like he wanted to start on a clean slate of conversation. “It sets me apart from the others. I am pretty sure na ako lang ang tumatawag ng ‘magandang batang masungit na may pagkasinungaling’ sa ‘yo. In that way, mabilis mo akong madi-distinguish sa karamihan. Malalaman mong si Rome del Mundo agad iyon.”
Pumalatak ako at sumimangot. Inirapan ko siya.
“Pabigyan mo na ako,” he pleaded. “Ibigay mo na ang bagay na ‘to sa ‘kin. I’d be forever grateful.”
“Tch…”
“Hindi mo nga ako t-in-ext--“
“Isinusumbat mo pa rin ‘yan sa akin?” I asked exasperatedly. Nandidilat ang singkit kong mga mata. “After all this time?”
“Of course!” mabilis niyang sagot. “Hinintay ko ‘yun…” Naglungkot-lungkotan siya. “At patuloy na naghihintay. I never changed my number because of that reply I am still waiting for. Katulad ng sabi ko, hindi ako pinatahimik ng konsensya ko. Kargo de konsensya ko kung may nangyari sa inyo dahil hinayaan ko kayo. Mabuti na lang at gising na gising ang guardian angel mo.”
“Ang drama mo!” natatawa kong sabi.
He lifted his shoulders and pouted his lips.
And he looked so disarmingly cute. Iyong tipong naninira ng defenses ng isang babae.
I let out an exaggerated sigh. “Ang arte-arte…” komento ko habang naka-pout ang lips. Kinuha ko ang cellphone ko. “Anong cellphone number mo?”
The corner of hips lips twisted. His eyes even twinkled. Parang nahuhulaan na niya ang gagawin ko. He held out his phone to me with his cellphone number on it.
I’m safely home, Dudong. Don’t worry about me. Mula sa magandang batang masungit na HINDI sinungaling. Thank you, I typed then send it to him.
Agad na tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niyang binasa ang message. Unti-unting lumalabas ang gwapong ngiti sa labi niya.
He was biting his lower lip. His hooded eyes were all smiles, too.
Nakamata lang ako sa kanya habang binabasa niya ang text message. And it warmed my heart knowing na may ganitong epekto ang isang simpleng text message ko sa kanya.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.
Inalis niya ang tingin sa cellphone niya at inilipat sa akin. “Finally… After seven years...” he softly said. There was a soft look on his face for me. “Thank you. Matatahimik na ang kaluluwa ko.”
I giggled softly. “Happy birthday,” sinsero kong sabi. “Gift to follow.”
“Are you kidding me? This is, by far, the best gift I have ever received,” he exclaimed happily. “The text message I have been waiting for for seven years has now been received, you beautifully sitting with me, having coffee. And this witty conversation we’re sharing. This is… happiness.”
Bakit parang natutuwa ako sa sinabi niya? I felt so appreciated. Tumataas ang self-worth ko na sobrang baba kanina dahil kay Patty.
“Dapat ba akong maiyak sa mga sinabi mo?” I joked.
He chuckled. It was nice to hear him chuckle in his raspy voice. “You should be…”
Tumatangu-tangong aniya na waring kumbinsidong iyon dapat ang maging reaksyon ko.
“Wahhh!” nag-iyak-iyakan kong sabi. Maarte ang pagkaka-execute ko nito.
Nagpahid pa ako kunwari ng mga luha ko sa pisngi.
All the while, doing these gestures, he was comfortably resting his back on the chair, arms crossed over his arms and his hooded eyes intently looking at me. Nakita ko pa ang paggalaw ng eyeballs niya while scanning my face.
Bigla akong na-conscious. I cleared my throat. “What? May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatingin?” mataray kong tanong.
Naglabas siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Seven years ago, dapat hindi na kita hinayaang mawala pa sa akin,” seryoso niyang sabi. “Dapat inihatid kita sa inyo. At hinintay na mag-mature ka and pursued you… Gago kasi ako, uminom-inom pa ako…”
I could hear the regret in his voice.
“Baka sakaling ako sana ang nasa posisyon ng isang Bobby Gallego ngayon…” he told me so frankly and bluntly, without batting an eyelash.
Hindi ako agad nakasagot. It was a blunt flirting.
Kung naiba-ibang babae lang ako, baka makipag-flirt back ako sa isang Rome del Mundo dahil sa kanyang umaapaw na kagwapuhan, kasikatan at karisma.
But I am Ashley Grace Lim who loves her Robert Aldus Gallego to the core.
Hindi ako ganoon klaseng babae. When I love, I love so deeply and faithfully.
I crossed my arms over my chest. My number one defense mechanism to tell the person I was talking to that, no, I was not open to this kind of flirting.
“Are you flirting with me, Rome del Mundo?” diretso kong tanong habang mataray na nakataas ang isang kilay.
He put his cup of coffee to his lips. He slowly sipped and put it down. As if he was buying time.
Hinanap niya ang mga mata ko. “What if I am?” diretso rin niyang balik-tanong sa akin sa mahinang boses.
Hindi ako natinag. Sinalubong ko ang tingin niya. “Then, don’t…” Mahina lang ang pagkakasabi ko pero naroroon ang kaseryosohan.
I saw the disappointment crossed his eyes.
“Look, Rome, pumayag akong makipag-coffee date sa ‘yo dahil nagi-guilty ako sa ilang beses kong pagtanggi sa ‘yo sa mga paanyaya mo noon. At dahil birthday mo ngayon, sumama ako to ease the guilt and this serves as an appreciation on my part for the kindness you did to me seven years ago. I did this in good faith. But let me tell you frankly that I am not open to flirting because I already have a boyfriend whom I love to the core of my being. Walang sinumang lalaki ang pwedeng makapagpaalis sa kanya dito sa puso ko. Sorry, not sorry,” seryoso kong sabi.
Nakita kong nalaglag ang balikat ni Rome. Kahit na gaano man niya ipakita ang poker face niya, nakikita ko sa mga mata niya ang disappointment and hurt.
Sorry, not sorry. May boyfriend na ako at mahal na mahal na mahal ko siya.
Magsasalita sana siya but I cut him off. I put down my cup of mocha frappe na hindi pa nangangalahati.
“And if you will continue doing this to me, I swear lalayasan kita ngayondin. At bago ko gawin ‘yun, itatapon ko sa pagmumukha mo ang mainit mong kape. And I will surely set a boundary and put up walls. And putting up walls on my part means I will never talk to you again for the rest of my life,” matapang kong sabi.
Tiningnan ko ang cellphone niya at nasa likuran nito ang lucky charm na ibinigay ko sa kanya. “And worst, pwersahan kong babawiin sa ‘yo ‘yang Fu charm ko,” banta ko pa.
Nanlaki ang mga mata niya at parang batang agad na inilagay sa dibdib ang cellphone at iniwas sa akin.
Gusto kong mapangiti sa reaksyon niya dahil ang cute niya pero gusto kong malaman niyang seryoso ako.
Gusto kong maitanim sa utak niya na mahal na mahal ko si Robert Aldus ko at hindi ko kailanman ipagpapalit sa isang milyong Rome del Mundo pa gaano pa siya kasikat.
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa amin. May konting panginginig ang kamay ko nang kunin ko ang cup ng mocha frappe ko.
Rome leaned on the table. Ipinatong niya ang magkabilang-siko sa mesa at napahilamos sa mukha. “Kaya ayokong masyadong maging masaya kasi parang laging may kapalit…” he said. Hindi ko alam kung para sa sarili niya o intensyon na iparinig sa akin.
Naglabas siya ng isang malalim na buntong-hininga. Then he held my gaze. There was sadness in his eyes despite the small smile on his lips.
Gusto kong ma-guilty. It was his birthday today. Tapos sinopla at tinarayan ko pa.
“Don’t put up walls, hindi kakayanin ng konsensya ko. The boundary, I swear to God, I’ll respect it. You have a boyfriend whom you love so much…” I heard the sadness in his voice. “So, no more flirting." Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. "See, I’m respecting the boundary ngayon pa lang…” He laughed but it was an empty laugh.
“Good. Thank you,” ang tanging nasabi ko.
“But never ever tell me to stop liking you--“
Nanlaki ang mga mata ko. Mabuti na lang at nasa dulong bahagi kami ng coffee shop. Siguradong walang nakarinig.
“Oh, yes, I like you. It’s pretty obvious, right? And you, magandang batang masungit na may pagkasinungaling can’t tell me not to. It’s my choice. Give me that freedom,” Rome demanded.
“Hindi sabi ako sinungaling, eh,” kontra ko.
“It’s still arguable.”
Inirapan ko siya tapos ay saglit akong napaisip. “Oh, well. I really can’t stop other guys to like me,” maarte kong sabi sabay flip ng hair. “Gandara ako, eh,” pabakla ko pang dagdag sabay tawa nang mahina.
Napangiti rin si Rome habang nakatingin sa akin.
“Remember the boundaries, okay?” sabi ko.
Matipid siyang ngumiti. “I’m going to respect it. We’re crystal clear on that.”
Nakahinga ako nang maluwag. I really did not want Rome to dump even as a friend. He was fun to be with. At may utang na loob ako sa kanya.
“High five?”
For a few seconds, he looked at me with fondness. Regret and fondness were obvious in his eyes. Then he accepted my high five. Na para bang tinatanggap na wala na siyang magagawa pa sa gusto kong mangyari.
He was a good man. A very respectful man. I just hope he finds the right girl for him. Imposible kasing maging ako iyon. Wala akong balak iwan si Robert Aldus ko.
And it was a nice feeling na wala ng ‘something’ between us. Kahit na siya lang ba ang may gusto sa akin. Ang gusto ko lang talaga ay maging kaibigan siya.
“Now, saan nga ulit tayo nahinto sa usapan natin?” I asked him.
He smiled mischievously. “Me flirting with you?” His hooded eyes danced with amusement.
Pinandilatan ko siya at akmang kukunin ang cup ng kape niya.
“Hey, mainit ‘yan. I’m just kidding,” natatawang iwas niya.
Pagkatapos ay pareho kaming natahimik. Ilang segundong pareho lang kaming nakatingin sa glass wall. Maya-maya ay inalis ko ang tingin ko sa parking lot at ibinaling sa kanya.
“Totoo bang wala kang girlfriend ngayon?” curious kong tanong.
“Wala,” mabilis niyang sagot. “Kasi ‘yung gusto kong maging girlfriend, b-in-usted ako. Itinapat pa sa birthday ko.”
Pagkatapos ay nag-pout siya ng lips at nagkuwanring umiiyak.
Pinitik ko ang likod ng palad niya. “Boundaries, remember?” nandidilat na sabi ko.
“Freedom, remember?” balik niya sa akin.
Inikutan ko siya ng eyeballs at sinimangutan. Mahinang tawa lang ang iginanti niya.
“I had a girlfriend but we broke up like five or six months ago. She was six years my senior. It was a bad break up.” He shrugged his shoulders. “Medyo sensationalized. Good thing, the issue died down.” He wiggled his eyebrows.
“Why bad?” Hindi ko alam ang issue na iyon.
He sighed. “Dinemanda n’ya si Leroy because Leroy was accusing her of stealing Leroy’s songs. Kay Leroy ako kumampi kasi si Leroy ang nagsasabi nang totoo.”
“Kahit siya ang girlfriend mo? Anong klase kang boyfriend?” I chided.
“Our relationship was more of a business relationship than romantic. Tingin nga ng lahat, ako ang talo kasi pinakikinabangan niya ang banda gamit ang relasyon namin,” he explained. “And I tolerated her for that. Masama pa ba akong boyfriend?”
“Eh, bakit kasi g-in-irlfriend mo?” akusa ko.
“Eh, b-in-oyfriend ako, eh. It’s very ungentlemanly on my part to deny her gayong pinagsasabi na niyang boyfriend niya ako. Sumakay ako. And things led to--“ He sighed. “Other things… I didn’t know she has her hidden agenda using me to use our band. Pero lumabas pa rin sa social media na ako ang may kasalanan.”
“Why didn’t you defend yourself?”
“I don’t like strutting around explaining myself. ‘Yung mga totoong kilala ako, alam nilang hindi ko gagawin ang maling bagay na inaakusa sa 'kin. At okay na ako r’on. The rest, they can believe what they want to believe about me. Hindi naman personal kong buhay ang binebenta sa banda naming kundi ‘yung mga kanta at talento namin.”
I wrinkled my nose. “Kawawa ka naman…”
“Mas kawawa pa kasi na-busted sa mismong araw ng birthday n’ya.” Naglungkot-lungkotan siya.
I giggled. “Ewan ko sa ‘yo.” Inirapan ko siya. “Ikaw ang sumusulat ng mga kanta sa banda n’yo?” tanong kong muli.
Ayoko kasing magkaroon ng air of awkwardness sa pagitan namin dahil sa pahaging niya.
“Ako at si Leroy. Pero karamihan ng mga kanta sa mga albums namin, ako ang sumulat.”
“Pa’no ka nakakasulat ng kanta?”
“Kapag may inspirasyon.”
“Tulad ng?”
“Tulad mo,” walang gatol niyang sagot. Pero bago pa ako nakahuma ay nag-peace sign na siya. “Freedom, remember?” pilyong paalala niya.
“Fuck you,” I muttered. “Umayos ka, ha?”
Natawa siya nang mahina. “Hindi ko nakakalimutan ang boundaries, Ashley. And to answer your question seriously, tulad ng mga pangyayari sa tunay na buhay. Tulad n’ung kanta naming ‘First Love, First Time’? I wrote it while JP was drunk and crying because his first love and girlfriend of four years dumped him. First time ‘yun. Nakatingin ako sa kanya habang umiinom at nakasulat ng kanta sa loob ng fifteen minutes. It was the carrier single on our third album and reached double platinum,” pagmamalaki niya.
I clapped my hands softly. “Ang galing naman.”
Nag-bow siya. “Thank you.”
“Ang bilis mong makasulat ng kanta.”
Humigop siya ng kape. “Yup. Lalo na kapag may inspirasyon. Bigla na lang dumarating ang mga salita at ideya. Pero minsan kahit na anong pilit ko, walang lumalabas. That’s where Leroy comes in to contribute.”
I nodded my head in agreement.
He raised his index finger. “Give me a few minutes…”
“Why?”
Hindi na siya sumagot. Instead, he occupied himself on his cellphone. Hindi ko na siya inistorbo. Itinuon ko ang atensyon ko sa cellphone ko. Wala pa ring reply mula kay Bobby.
Maga-alas dose na ng gabi. Napabuntong-hininga ako. Hahayaan ko na lang munang matulog siya. Bukas ko na lang siya gigiyerahin. Humanda siya.
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Rome na nakatungo pa rin. Nang mag-angat siya ng tingin ay pareho naming nginitian ang isa’t-isa. Pagkatapos ay ibinaling muli niya ang atensyon sa cellphone.
Mataman ko siyang pinagmasdan. Hindi ako nagsisising sumama ako sa kanya. I got to know him better.
He was a good man. Gentleman at marespeto.
Hindi ko ito madidiskubre nang personal dahil iba naman ang inilalabas minsan sa social media.
Nag-angat siyang muli ng tingin and then he smiled at me.
Charming.
“Done…” he said. He handed me his phone.
Kumunot ang noo ko habang kinukuha ko ang cellphone niya.
“I wrote a song for you…” malambing at proud niyang sabi.
Binasa ko ang isinulat niya sa cellphone.
Binibining maganda, masungit man at suplada
Nang ikaw ay makita, lumuwa aking mga mata
Ikaw ay nilapitan, ako’y agad na sinungitan.
Pero gayonpaman, ako’y humahanga sa iyong kagandahan.
O, binibining magandang masungit.
Puso ko ay umaasa. Nangangailangan ng magpapasaya
Pwede bang akin ka lang at hindi sa panaginip lang?
Sana akin ka lang.
Hiling ng tulad kong abang nilalang na humaling sa iyong ganda
Puso ko’y napapasaya kahit na sa iyong simpleng pagtawa.
Masarap kang pagmasdan. Pakiramdam ko’y gumagaan.
Dalangin ko’y sana akin ka na lang. Kung pwede lang?
Binibining magandang masungit, pangakong aabutin ang langit para sa ‘yo, Miss Sungit.
Ibibigay pa ang higit. Pansinin mo lang ako, Binibining magandang masungit.
Pwede bang akin ka na lang at hindi sa pangarap lang?
I felt so overwhelmed that he wrote a song for me. His feelings for me were here in a song.
But at the same, I felt so guilty. Hindi ko magawang masyadong maging masaya para sa kanta niya.
It was mixed emotions.
“Rome…” saway ko.
“My freedom, magandang batang masungit,” he fondly said. “Ibalato mo na sa ‘kin ang moment na ‘to. You are the second woman I have written a song for. Mommy ko ang una.”
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang saya sa pakiramdam ng gesture niyang ito.
I bit my lower lip and met his gaze. I swallowed the lump in my throat. “T-thank you,” I said softly.
He smiled, albeit the sadness in his eyes. “You are welcome, magandang batang masungit. My lucky charm…”
TRUE TO HIS words, Rome and I parted at past 12 midnight. We gave each other a friendly hug.
Ang gaan sa pakiramdam ko na kahit sinabi ko ang totoong nararamdaman namin para sa isa’t-isa, hindi nasira ang nabuong friendship sa pagitan namin. Maluwag niyang tinanggap na walang kapupuntahan ang pagkagusto niya sa akin.
He followed my car until I reached home. Hindi siya umalis hanggang hindi ko siya tine-text na nakauwi na ako kahit na nakasunod siya sa akin.
Nakapa-park siya sa tapat ko.
I am safely home. Thank you, Rome del Mundo, I texted him. Then looked at him and pointed at my phone.
Hay, salamat! Akala ko after seven na naman bago ko ma-receive ang text ng magandang batang masungit, sagot naman niya sa text message ko.
I laughed out loud inside my car. Muli akong tumingin sa kanya.
Itinaas niya ang kamay to gesture a wave. I waved at him back.
Pagkatapos ay pinaandar na niya palayo ang sasakyan niya.
Kaka-park ko pa lang sa loob at hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay isang text message ang pumasok sa phone ko.
Take care of yourself, magandang binibining masungit. Thank you for making my birthday memorable.
Napangiti ako at napabuntong-hininga. He would be a good friend to me. I was so sure of that.
KINABUKASAN, MY PICTURES with Rome in the coffee shop leaked out. They went viral.
Is she Rome del Mundo’s new girl?
Isa ito sa mga caption sa lumabas na picture namin ni Rome habang nakangiting nakatingin sa isa’t-isa sa loob ng coffee shop
.
At hindi ko na makausap si Bobby pagkatapos noon. I did not know where he was.
He was deliberately avoiding me.