ASHLEY
“HI, PATTY,” NAKANGITI kong bati kay Patty nang pagbuksan niya ako ng pinto.
It was a forced sweet smile. Kapag talaga kaharap ko ang bruhang si Patty ay kailangan kong makipag-plastic-an.
For world peace.
Fucking duh.
Kaya bago ako kumatok sa unit ni Patty ay makailang ulit akong nag-inhale-exhale para pakalmahin ang sarili ko.
I just could not put a finger on it but the mere mention of Patty’s name irked me so much. Unang beses ko pa lang nabasa ang pangalan niya ay hindi ko siya type agad maski na hindi ko pa siya nakikilala nang personal.
May nararamdaman kasi akong hindi magandang “something” sa babaeng ito.
Kumbaga sa past life naming dalawa, mortal siguro kaming magkaaway kaya heto at halatang hindi namin gusto ang isa’t-isa.
“Pwede kong makausap si Robert Aldus ko?” nakangiti ko pa ring tanong kay Patty maski na pormal ang ekspresyon ng mukha niya na halatang hindi niya gustong nasa harapan niya ako ngayon.
Oh, well, the feeling is mutual, Patty. No love lost there, naiirita kong sabi sa isip.
Pito silang magkakaklase na mag-gu-group study. Mas maluwang ang unit ni Patty kaysa sa unit ni Francis kaya sa unit ni Patty napagpasyahang mag-stay.
Matagal pa nga bago niya ako pinagbuksan. Parang pinag-isipan pa kung pagbubuksan ako o hindi.
Pwes hindi niya ako pwedeng hindi pagbuksan. Hindi ko talaga tatantanan ang pagkatok hanggang hindi niya ako pinagbubuksan.
Asaran ang gusto niya? Pwes lalabanan ko siya ng asaran. Talo ang pikon.
Lumabas si Patty at isinara niya ang pinto bago pa ako nakasilip sa loob.
Nameywang siya sa harapan ko. “Look, Ashley. It’s already nine PM, pagod kaming lahat sa group study. Nakatulog na nga kami at naistorbo mo lang ako sa pagtulog kaya kita nilabas dito,” mataray niyang sabi.
I wanted to strangle Patty right at this moment.
I inhaled a sharp breath. Hindi ko na dapat patulan ang pagtataray ni Patty.
Ayokong mag-eskandalo rito. Nakakahiya.
“Pwede ko bang makausap si Robert Aldus ko, Patty?” ulit sa seryosong tinig.
“Hindi pwede,” mabilis na sabi ni Patty habang nakataas ang isang kilay. “Natutulog na silang lahat at hindi na sila pwedeng maistorbo.”
Kalma lang, Ashley Grace, sabi ko sa isip maski na naniningkit na ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kanya. Mas maganda ka sa kanya.
“Alam mo, Patty, kung sa iba istorbo ako, pwes hindi sa Robert Aldus ko. Tiyak na matutuwa s’ya kapag nalaman niyang narito ako. Siya nga ang nagpapunta sa akin dito, eh. Ginabi lang ako kasi na-traffic ako. Naglalambing kasi ang boyfriend ko at nagpadala ng paborito niyang coffe bun kasi hindi niya gusto ang ino-offer mong pagkain sa kanya.” Inangat ko pa ang paper bag na naglalaman ng maraming coffee bun.
In short, hindi ka niya gusto kaya magtigil ka ng bruha ka.
Sinundan ko ng isang matamis na ngiti ang sinabi ko.
I hoped she gets the double meaning in my words.
Oh, she did. Because she narrowed her eyes on me as if sending a warning. Sinalubong ko naman ang tingin niya, lifting my chin defiantly.
Ilang segundong namagitan ang katahimikan sa aming dalawa.
“Pakitawag na lang si Bobby, Patty. Please.”
Hindi siya kumibo. Ni hindi kumilos sa kinatatayuan niya. She was just looking at me. Parang nag-iisip.
I put out my cellphone from my pocket and dialed Bobby’s number. It just kept ringing. Frustration started to build up inside my body.
I stopped calling Bobby then sighed. Sinalubong ko ang tingin ni Patty. “Pakitawag na lang si Bobby.”
It was not a request. It was a demand.
Ngumiti nang maluwang si Patty na para bang isang nakakatuwang joke ang sinabi ko. Ikinagulat ko iyon. Knowing her, dapat ay isang matalim na tingin ang iginanti niya at hindi isang maluwang na ngiti.
“Ang kapal din naman ng mukha mo, no?” aniya na hindi pa rin nawawala ang maluwang na ngiti.
I clenched my fist. Pero bigla kong naalala si Bobby at si Miranda. Hindi nila magugustuhan ang gusto kong gawin ngayon kay Patty.
Not now, Ashley Grace. Relax.
“Get out of my way, Patty. Kakatukin ko si Robert Aldus ko. He is expecting me.”
“Do it,” ani Patty. Her face registered a sweet smile but her eyes were masked with anger. “And I’ll sue you for trespassing.”
Natigilan ako. Isa ito sa mga konting pagkakataon na walang rumehistrong pang-resbak na mga salita mula sa akin.
Kaharap ko na kasi ang totoong Patty. The bitch and cunning Patty. Pakitang-tao lang ang pagiging sweet niya sa akin.
Hindi ko ikinagulat pero nakakataas pa rin ng isang kilay. Hindi kasi bagay sa imahe na pinapakita niya sa iba lalo na kay Bobby.
Naglabas ako ng isang malalim na buntong-hininga at kalmadong ipinasok ang cellphone sa bulsa ko.
Patty smiled, her brow was arched. Mocking me. “What now, Ashley?” he asked, her voice was laced with challenge. Provoking me to take the bait. “Magmumura ka? Mag-eeskandalo ka? Kasi doon ka lang naman magaling, ‘di ba?”
Nakangiti pa rin siya nang matamis habang sinasabi ito na tila ba magagandang salita ang sinasabi niya sa akin at hindi masasakit. “Sa pagmumura nang malutong at pag-eeskandalo? Palengkera ka kasi. Palibhasa eskandaloso ang pamilyang pinagmulan mo. Hindi ba kabit ang nanay at tita—“
Hindi na nagawang tapusin ni Patty ang mga masasakit na salitang sinasabi niya dahil umigkas ang palad ko at dumapo sa pisngi niya.
Ikinaigtad niya iyon at awtomatikong napahipo siya sa pisngi.
Her eyes were filled with anger and hatred when she met my gaze. “You, bitch…” aniyang naningkit ang mga mata sa galit sa akin. “Pinatunayan mo lang kung gaano ka kapalengkera. Bobby doesn’t deserve a bitch like you. Kahihiyan lang ang dulot mo sa magandang pangalan niya dahil sa maeskandalo at nakakahiya mong pamilya. You’re a whore! Anak sa labas…” nanggigigil na sabi ni Patty.
At sa isa pang pagkakataon, umigkas muli ang palad ko papunta sa pisngi niya.
Nagngangalit ang mga bagang ko at nanginginig ang buo kong katawan. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa sana tumumba si Patty.
Sana nga.
Kahit alam kong masama ang mag-isip ng hindi maganda sa kapwa, sana nga natumba na siya.
“You shut your fucking mouth, Patty,” banta ko sa mahinang tinig. Ayokong makaagaw kami ng atensyon dahil sa komosyon sa pagitan namin. Walang tao sa hallway kundi kami lang dalawa. Hindi ko alam kung naririnig ba kami mula sa loob ng unit.
Mukhang hindi dahil walang lumabas mula sa unit ni Patty at sa kalapit na unit.
“Kung may problema ka sa akin, ‘wag na ‘wag mong idadamay ang nanay ko at ang tiyahin ko. Call me names all you want but spare my mother and my Tita Liezel. Or else, hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sa ‘yo," I warned with suppressed anger.
Kung nakilala niya ang dating Ashley Grace, hindi lang ganyan ang aabutin niya.
Hindi ko gustong may makarinig sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko gustong maipagsigawan sa buong mundo—na naman—na isa akong anak sa labas at kabit ang nanay ko at ang tiyahin ko.
Para siyang ang gagong si Tiago. Tinatakot ako. Binabastos. Pinagsasabihan ng malalaswa at masasakit na salita.
Sinasaktan ako ni Patty. Alam niya ang kahinaan ko at iyon ay ang pagkatao at pinagmulan ko.
‘Tang ina!
Namuo ang luha sa magkabilang-gilid ng mga mata ko. Pero agad kong kinalma ang sarili ko. Alam man niya ang baho ng pamilya ko na siyang kahinaan ko, hindi ako magpapatalo sa kanya.
Hindi nagpapatalo si Ashley Grace Lim. Hinding-hindi.
“Get out of my face, Ashley. Hindi ka kailangan dito. Nang-iistorbo ka na, nang-aaway ka pa.”
Patty sounded so triumphant. Alam niyang nakaisa siya sa akin. Baka nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Shit! Where did my walls go? I needed them right fucking now.
Gusto ko siyang sabunutan. Gusto ko siyang kalmutin sa mukha. Kaladkarin siya mula sa floor niya hanggang lobby.
Or better yet, strangle her until she begs for air.
Just to get even.
Her nasty words were ringing in my mind. Paulit-ulit.
Bobby doesn’t deserve a bitch like you. Kahihiyan lang ang dulot mo sa magandang pangalan niya dahil sa maeskandalo at nakakahiya mong pamilya.
Gusto ko na namang sisihin sina Mommy at Daddy pati na rin si Tita Liezel. Pero tapos na ako roon.
I can do nothing about the things I cannot change.
Kailangan ko iyong tanggapin dahil hindi ako magiging si Ashley Grace Lim kung hindi.
At nagbago na silang lahat.
Maayos na ang lahat. Everything in my life now was in its perfect place.
Until Patty Rivera.
‘Tang ina! Ang tabil pala ng dila ng bruhang ito. Lumabas na ang totoong kulay ng pa-sweet na bruhang ito. Pakitang-tao lang ang lahat.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, wearing my HFU-famous bitch face. “Alam kong kaya ka ganito sa akin kasi pinapantasya mo ang boyfriend ko. Pwes, manatili kang nagpapantasya sa isang malamok na sulok, Patty. Dream on. Well, libre naman ang mangarap.” Nang-aasar na ngumisi ako. “At pwede ba? ‘Wag na tayong magdamayan ng pamilya. Laban lang natin ‘to. Kaya tapusin na natin ‘to. Sabihin mo lang, kahit na anong oras at lugar, darating ako. May banda at red carpet pa.”
Pagkatapos ay dinuro ko siya sa mukha. Nanginginig man ang daliri ko, pinilit kong ipakita ang tapang ko.
And the weird thing, she just allowed me to do that.
She looked so scared.
Pero hindi ko nararamdamang natatakot talaga.
Was it just an act?
Agad ko siyang tinalikuran at tinungo ang elevator. Alam kong nakatingin siya sa akin.
Nang lingunin ko siya, her eyes twinkled with triumph. Na parang ako ang talo sa eksena sa pagitan naming dalawa maski na sa akin ang huling salita.
Paglabas ko ng elevator ay nag-stay ako sa lobby at tinawagan ang cellphone ni Bobby. But it just kept on ringing.
Isang text ang ipinadala ko sa kanya informing him na nasa lobby ako ng condo building.
Pero mahigit trenta minutos na ako ay walang sagot ni isa sa mga text messages ko. Tinawagan ko na naman siya pero nananatiling nari-ring lang ang cellphone niya tulad kanina.
Sobra bang himbing ng tulog niya? Sobra ba siyang pagod?
Kanina lang ay kausap ko siya.
Naglambing siya ng paborito niyang coffee bun bandang alas singko. Hindi lang ako nakaalis kaagad dahil ginamit ni Tita Liezel ang kotse ko at pasado alas siyete na siya nakabalik. Pagdating niya ay saka ako nakapunta sa isang branch ng The Coffee Shop. Pagdating ko ng unit ay alas nuebe na.
May isang bruhang mangkukulam pa ang humarang sa akin sa pinto.
Humigpit ang hawak ko sa cellphone nang maalala ko ang bruhang si Patty. Mas bitch pa pala sa akin ang bruha. At ang bastos ng bibig.
Kung inaakala niyang uurungan ko siya, nagkakamali siya.
Pero hindi ko na sasabihin pa kay Robert Aldus ang nangyari. Mai-stress na naman si Bobby. Marami na siyang iniisip. Lagi na nga siyang puyat at pagod kaya ayoko na siyang abalahin pa pagdating sa bruhang si Patty.
Laban ko si Patty. Kayang-kaya ko siya.
Maliban na lang kung si Patty mismo ang magsumbong kay Aldus.
Hindi bale, sasabihin ko kay Bobby ang lahat-lahat. Walang labis at walang kulang. Alam ko namang ako ang paniniwalaan ni Bobby. He knew me well.
I may be a bitch but I was not a liar.
T-in-ext kong muli si Bobby. Tinawagan.
But to no avail.
I let out a long sigh. Ako na lang ang mag-aadjust.
Ako naman na ang laging nag-aadjust nitong mga nakaraang linggo. Pinipilit na intindihin ang sitwasyon ni Bobby.
Malungkot akong napatingin sa paper bag ng coffee bun. I bought two dozens. Muntik pa akong makipag-away dahil sinita ko ang isang lalaking sumisingit sa pila.
Gusto ko na kasing makita si Robert Aldus ko. Mahawakan. Mayakap. Mahalikan. Masuklay ang humahaba ng buhok. Matitigan ang dreamy eyes niya. Maibigay ang paborito niyang coffee bun.
Pagkatapos ay hindi ko naman pala mabibigay kay Bobby.
Napagsalitaan pa ako nang hindi maganda ng isang bruhang nagpapantasya sa boyfriend ko.
Tumayo ako naglakad palabas ng building.
Bago lumabas ay iniabot ko sa guard ang dala kong paper bag ng coffee bun.
“Sa ‘yo na lang, manong guard…” Hindi ko maiwasang mahaluan ng lungkot ang boses ko kahit na anong gawin kong ngiti.
Nag-atubili ang guard, waring nagtataka.
Matipid ko siyang nginitian. “Sa ‘yo na lang…”
Hindi ko naibigay sa boyfriend ko, eh…
Yumukod ang guard at kinuha mula sa akin ang paper bag. “Maraming salamat, ma’am…”
When I got out of the building, I breathed and exhaled some air.
I never felt so alone in my life for a long time.
Ngayon na lang ulit.
PAGSAKAY KO SA kotse ay isinubsob ko ang noo ko sa manibela.
Parang ibinalik ako ng mga salita ni Patty doon sa panahong wala pa si Bobby at ang buong gang sa buhay ko.
I felt so insecure now.
Talaga bang hindi bagay ang isang tulad ko sa buhay ni Bobby? Na ang bagay lang sa kanya ay ang mga tulad nina Kate at Patty na galing sa maganda at kumpletong pamilya?
Iyong hindi palengkera? Iyong hindi palamura.
‘Tang ‘na naman!
When I felt so triumphant because I had the last say over my spat with Patty, I still felt to insecure. Na kahit nasampal ko siya ng dalawang beses at naduro pa ay mabigat pa rin ang nararamdaman ko na para bang ako ang talunan.
Because she had hit me at my weakest point.
Family.
I shook my head to dismiss the thought and sad feelings dwelling over me.
Mahal ako ni Bobby. Nararamdaman ko iyon. Hindi ako dapat na ma-insecure. Inggit lang sa akin si patty dahil nasa akin ang lalaking pinapantasya niya.
Neknek niya! Mamatay siya sa inggit.
Doon pa lang, dapat ay panalo na ang pakiramdam ko. Wala dapat puwang ang insecurities sa akin.
In-start ko ang sasakyan. And for one last time, I tried to call Bobby. Hindi pa rin niya nasagot. Gusto ko nang mag-alala dahil baka kung ano na ang ginawa ni Patty sa kanya pero alam kong baseless ang pag-aalala ko. Kasama niya sina Francis at Becca. At may tatlo pa silang kasama.
Hindi naman siguro hahayaan nina Francis at Becca na gawing hindi maganda si Patty kay Robert Aldus ko.
At hindi rin hahayaan ni Robert Aldus ko na may gawing kabalbalan si Patty sa kanya.
I knew him so well. He loved me that much.
I pressed Tita Liezel’s number.
For the nth time, gusto kong marinig ang kwento ng buhay niya. Gusto ko siyang maintindihan kung bakit nangyari sa kanya ang ganoon.
Para hindi ko siya sisihin kung bakit nadamay ako sa dagdag na batik ng putik sa pagkatao ko.
“Ash…” sagot ni Tita matapos ang ilang ring.
“Tita…”
“O?”
“Sa bahay ka lang ba ngayong gabi?” Naririnig ko ang tawanan sa background niya.
“Wala. Kasama ko ang mga college friends ko. Bakit hindi ka na naman ba uuwi? Saan na naman kayo pupunta ni Bobby, ha?”
Sa kabila ng bigat sa dibdib na nararamdaman ko sa pagkakabanggit niya sa pangalan ni Bobby ay napangiti ako.
“Hindi. On the contrary, pauwi na ‘ko."
Nahalata siguro ni Tita Liezel na malungkot ang boses ko. “Busy na naman ba siya?”
I sighed. “Sort of. Hindi ko nga naibigay ang coffee bun, eh.”
“Iuwi mo na lang. Kainin natin mamaya pag-uwi ko.”
“Naibigay ko na sa guard, ‘Ta.”
“Bumili ka na lang ulit o kaya ng ibang makakain natin mamaya,” aniya. Nahalata siguro niyang malungkot ang boses ko.
“Tama. Kasi marami kang dapat i-explain sa akin.”
Tulad ng kung bakit kasi kumabit ka. Nadadamay tuloy ako.
But I felt guilty thinking about it so I immediately erased it from my thought. Nagmahal lang si Tita Liezel. Minalas lang siya na sa maling lalaki.
Hindi katulad kong maswerte sa lalaking minamahal.
“Ha?” gulat na sabi ni Tita Liezel. “Bakit may kasalanan ba ako sa ‘yo?”
“Basta.”
She giggled on the other line. “Gaga ka, ha? Wala akong ginagawang masama sa ‘yo. Ang bait-bait ko nga sa ‘yo kahit na madalas kang may topak. Swerte mong ako ang naging tita mo.”
Swerte nga ba ako talaga?
Ashley Grace… saway ko sa sarili.
I sighed. “Mana lang ako sa topak mo.”
“Utot mo, Ash. Wala akong topak. Mana ka sa mommy mo. Siya ang malakas ang topak sa aming dalawa.” Sinundan niya ng hagikgik ang sinabi.
It made me smile. Tita Liezel was like a child in so many ways. “Baliw ka! See you later. Uwi ka na agad, ha?” paglalambing ko pa.
Ayoko kasing mag-isa ngayon sa bahay.
Kabababa ko lang ng cellphone sa passenger seat nang biglang tumunog ang Messenger ko, signaling that a message came in.
It was from Rome del Mundo.
I rolled my eyeballs. Hindi talaga ako tinatantanan ni Rome.
Nagpalit na nga ako ng cellphone number para makaiwas sa kanya kahit na ayoko sanang palitan ang number ko dahil matagal na ito sa akin, sa Messenger naman siya nagpapadala ng mga messages. Hindi ko naman siya ma-block dahil nakakahiya. Wala namang siyang ginagawang hindi maganda kundi ang mangumusta. O di kaya ay imbitahan ako sa mga gigs nila na lagi kong tinatanggihan.
Tulad ngayon.
Rome : Care for a cup of coffee?
Pagkatapos ay nagpadala siya ng picture ng isang tasa ng umuusok na kape.
Me : Bakit?
Hindi ko nga alam kung bakit nag-reply pa ako ngayon. Minsan kasi ay sini-seenzone ko siya.
Rome : Hallelujah! Nag-reply ka!
Nag-send ako ng laughing emoji. Maski paano kasi ay na-guilty ako.
Rome : Wala lang. Naisip lang kita.
Me : Bakit?
Rome : Bakit hindi? Kailangan bang may dahilan kapag naiisip mo ang isang tao?
Rome : Kape?
Me : Oo
Rome : Siguro kasi naiisip kita?
I sent an angry emoji.
Me : Corny mo
Rome sent several laughing emojis.
Rome : Kape tayo?
Napasimangot ako. Ang kulit talaga.
Me : Alam mo lagi ang sagot ko. A-YO-KO. All caps na ‘yan para maintindihan mo
Rome : Ouch!
Kasunod noon ang mga laughing emojis at knife emoji
Rome : Kahit ngayon lang?
Me : NO
Rome : Kahit ngayon lang na BIRTHDAY ko?
Nanlaki ang mga mata ko. Today was Rome’s birthday?
I immediately searched for his account. Totoo ngang birthday niya. Maraming mga fans ang bumati. Nakita ko rin ang pangalan ng kabanda niyang si Leroy sa mga bumati.
Me : Birthday mo?
Rome : Yes. Gusto mo ng proof? Sama ka sa bahay namin, papatunayan sa ‘yo ng Mommy ko. Hindi niya ‘yun pwedeng kalimutan. Kandahirap siya sa pag-ire sa akin, eh.
Napangiti ako sa huling message niya.
Me : ‘Wag na naniniwala na ako. Hindi ko na kailangang ma-meet pa ang mommy mo.
May stigma sa akin ang meet the parents moment.
Rome : So papaunlakan mo na ang imbitasyon ng isang abang katulad ko na makapagkape kasama ka?
Hindi ako agad nakasagot.
Rome : Wala akong ibang wish sa birthday ko kundi ang pagbigyan ako sa wakas ng isang Ashley Grace Lim. Isang malaking karangalan para sa akin.
Natawa ako nang mahina.
Me : Gago!
Rome : Seryoso ako, magandang batang masungit
Me : Tch.
Rome : Sige na. Just this once. Hindi pa tapos ang birthday ko. May dalawang oras pa akong natitira para humirit ng wish sa ‘yo.
Me : Gabi na
Rome : Susunduin kita saan ka man naroroon. Ipagpapaalam pa kita…
Rome : Sa parents mo. At kahit sa boyfriend mo. Hindi ako natatakot.
Napabuntong-hininga ako nang mabasa ko ang salitang ‘boyfriend’
Ang boyfriend ko, hayun at mahimbing na mahimbing amg tulog na hindi na nagawang sagutin ang mga tawag ko.
Rome : Sige na, please…
Me : Bakit hindi na lang ‘yung ibang mga kaibigan mo ang yayain mong magkape? Saka wala kang birthday party?
Rome : Sawa na ako sa mga kaibigan kong lagi kong kasama tuwing birthday ko. Sawa na rin ako sa party.
Rome : Gusto ko lang nang matahimik na lugar, kasama ang isang magandang batang masungit habang humihigop ng mainit na kape.
Rome : Simpleng birthday wish lang ng isang abang tulad ko.
Bigla akong napaisip. Mahalaga sa akin ang birthday wishes. Kasi noong maliit ako, palagi akong nagwi-wish na sana dumating ang daddy ko.
Madalas na hindi natutupad. Lalo lang akong lumulungkot sa birthday ko sa mga wishes na hindi natutupad.
Me : Kelan ka pa naging aba? Lead vocalist ka ng Pambansang Banda ng Pilipinas tapos aba ka?
Kung aba ka na, kumusta naman ang mga totoong aba???
Rome : Aba ako pagdating sa ‘yo. Lagi mo akong ini-snob.
Me : Hindi kita ini-snob.
Rome : Hindi?! ?! Anong tawag mo sa ginagawa mo sa kin? Paki-explain nga, batang magandang masungit
Natawa ako ulit nang mahina. Nai-imagine ko kasi ang hitsura niya.
With his flaming arrow tattoo and long back hair.
Me : Ini-snob.
It was followed by a smiling emoji
Rome : Kita mo na!
Kasunod niyon ang maraming crying emojis.
Rome : Wala kang awa sa isang aba na katulad ko
Tuluyan na akong natawa. Maski paano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko.
Rome : Kape, magandang batang masungit?
Rome : Promise, dalawang oras lang. Pagdating ng 12:01, maghihiwalay na tayo kasi baka pagsungitan mo ako at sabihing hindi ko na birthday.
I gave it a thought.
Rome : Pagbigyan mo na ako sa birthday ko...
Rome : My one wish on my 28th birthday
Rome : Tutal we’ve been friends since you were thirteen. Ang bait ko sa ‘yo n’un, ‘di ba?
Rome : Ipinagtanggol kita d’un sa lalaking lasing.
Rome : Sinamahan kitang kumain kasi gutom ka na pala kahit sinabi mong hindi.
Rome : Sinamahan kita kahit na masungit at may pagkasinungaling ka...
Natawa ako nang malakas. He still remembered everything that had happened seven years ago.
Me : Shut up, moron!
Rome : Sinamahan kita hanggang sa dumating ang mga kaibigan mo. Para lang hindi ka malapitan ng mga lasing doon.
Me : Fuck you!
Rome : Naghintay ako sa text mo kahit na hindi naman dumating.
Me : Gago!
Tawang-tawa ako sa pagpapaawa ni Rome
Rome : Tapos yayayain ka lang magkape, ayaw mo pa…
Me : Yes
I typed that three-letter without thinking so much about it.
Kahit na sumisigaw ang warning ni Cobi sa utak ko.