My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Special Chapter 13 : Dudong At Grasya

8.5K 221 161
By dyosathewriter

Trivia : Habang sinusulat ko ang chapter na 'to, a certain childhood memory flashbacked. A memory of a 21-year old guy and a 13-year old me. He was my choirmate, one of the seniors and pambato sa choir. He admitted may crush daw s'ya sa akin kasi cute (?) raw ako pero ayon sa kanya ay hindi raw pwede kasi malaki ang aming age gap. He was my crush, too kasi sobrang funny n'ya bukod pa sa maganda ang boses. Pero secret lang ang pagkaka-crush ko kasi mahiyain ako at sinasarili ko lang ang mga crushes ko noon.
Naalala kong um-attend ang buong choir ng birthday party ng isang member ng parish youth formation. He never left me that night, always holding my hand and making me laugh. Kilig si ako. Pero n'ung nalaman ng lola ko ang nangyari, sobrang pinagalitan ako maski na hindi naman ako lumampas sa curfew. As in pinag-quit ako ng choir. The fact that a guy daw was holding my hand at hindi ko s'ya nobyo, was a little scandalous para sa kanya. Haha! Susme. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko nakitaan ng mali iyon noon at pumayag akong hawakan niya ang kamay ko. Siguro kasi crush ko s'ya? Haha! Gosh. Nakakahiya ang 13-year old me. 'Wag tularan. 😂
Oh well, ang balita ko, he's already married to an optometrist now and has 3 kids already. 😊
Some memories. Pero nakakatuwang maalala 😂
Kaya may mga parts sa story na totoong nangyari sa akin. Minus lang 'yung pagtataray ni Ashley kasi hindi naman ako mataray 🤣
Pasenya na at na-share ko pa. Sobrang natuwa lang ako sa alaala ng guy. He was my Rome del Mundo in some ways sa 13-year old me.
Kayo ba nagka-Rome del Mundo din at some point in your life? 😊 -- Dyosa

*******************************
I dedicate this to WriterIntheStars. Thank you for supporting my stories since day one ❤ -- Dyosa

*******************************
ASHLEY

KINUHA NI HOODED eyes ang isang rubber band na nasa wrist niya at itinali ang buhok. Mas tumambad ang mukha niyang natatabunan ng stubbles ang paligid ng mukha. Pati na rin ang maliit na white gold loop earring sa tenga niya. At ang kulay orange at pula niyang tattoo sa braso.

He did look a lot ruggedly cuter. Pumasa siya sa standard ko ng cute. Sa cute lang. Hindi pa sa standard ko ng gwapo.

I wrinkled my nose. Bakit ko ba naiisip iyon?

Napansin siguro niyang nakatingin ako sa tattoo niya. Marahan niyang hinipo iyon.
“Maganda ba? I had this inked a week ago,” pagbibigay niya ng impormasyon.

The tattoo was a flaming arrow na tila pabulusok papuntang biceps niya. Nag-aapoy ang dulo niyon kaya kitang-kita ang pula at orange sa braso niya.

Maangas…” komento ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko gayong matipid akong magbigay ng papuri sa mga tao lalo na sa mga estrangherong tulad niya.

But it was true. Maangas ang tattoo niya. Takot ako sa mga lalaking may tattoo dahil ang bad boy lang tingnan. But this time, Hooded Eyes’ tattoo was something to be admired of.

Marahil nadala niya nang maangas ang tattoo. O marahil magaling ang tattoo artist niya.
But whatever, his tattoo was maangas.

Lumuwang ang ngiti ni Hooded Eyes halatang nagustuhan ang papuri ko. “Gusto mong malaman kung bakit ko pina-tattoo ‘to?”

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. “’Wag na. Hindi ako interesado.

Isang malakas na hagalpak ang lumabas mula sa kanya. May traces pa ng ngiti sa labi niya ang humarap siya sa akin. “Pero ikukuwento ko pa rin sa ‘yo, magandang batang mataray,” masuyo niyang sabi na marahang pinitik ang braso ko.

Napangiti ako. Nahawa ako sa ngiti niya. Unti-unti ay parang gumagaan ang loob ko sa kanya. He was so persistent kahit na tinarayan ko na at lahat-lahat.

“You’d bore me to death with your tattoo story.”

He laughed quietly. “No, young lady. This is interesting.” He locked eyes with me. “Try me.”

Exaggerated akong bumuntong-hininga. “Oh-kay. Sabi mo, eh.” May halong biro ang boses ko.

Saglit siyang tumahimik na tila inaalala ang isang pangyayari habang bumubunot ng Bermuda grass.

“A week before I had this tattoo inked, I had been dreaming for four days of a flaming arrow fired at me by a young lady warrior.  Paulit-ulit ‘yun sa panaginip ko sa loob ng apat na gabi. A big flaming arrow shooting me right here on my left chest--“ Itinuro niya ang kaliwang dibdib. “Through my heart.

Mataman akong nakikinig kay Hooded Eyes. Nakuha ng kwento niya ang atensyon ko. “Anong hitsura ng young lady warrior sa panaginip mo?”

He squinted his eyes and shook his head. “Malabo ang mukha niya pero mukhang batang babaeng warrior noong unang panahon. Like Katniss Everdeen in Hunger Games. Just a little younger and shorter.”

“Baka naman kakabasa mo ng Hunger Games, eh, napanaginipan mo na.”

He squared his shoulders. “Matagal ko nang nabasa ang libro na halos kalahati lang ang nabasa ko. Bakit ngayon lang siya lumitaw sa panaginip ko? Iyon ang malaking palaisipan sa akin.”

Humarap ako sa kanya. “Hindi kaya siya ang papatay sa ‘yo? Sabi mo pinana ka ng flaming arrow sa puso, eh.”

Natawa siya nang malakas. His eyes were twinkling when he looked at me. “That’s morbid. But she could be… Maybe…”

Napangiti ako sa sinabi niya. It was kind of morbid but he did not take it against me. Hindi siya pikon. Tinatawanan lang ang pagtataray at pang-aasar ko.

I was beginning to get comfortable with his presence.

Pinitik ko ang mga daliri ko. “Aha, alam ko na!”

He threw a sideways glance at him. And he looked cute with that. “Ano ‘yun, batang masungit?” Sinundan niya ng ngiti ang sinabi.

Effing duh, Ashley Grace. Bakit kailangang mapansin mo ang cuteness ng ‘matandang’ katabi mo?

I squinted my eyes, imagining the young lady warrior he was seeing in his dreams. “This young lady warrior could be your downfall… I mean, baka may makilala kang girl na magbi-break ng puso mo? Or baka siya ang girlfriend mo ngayon at makikipag-break na siya sa ‘yo kaya magiging brokenhearted ka. Kasi sa puso ka niya tinamaan, eh.”

Isang malakas na tawa mula sa kanya ang pumailanlang sa paligid. A hearty laugh with a raspy voice. Gusto kong mainis na pinagtawanan niya ang ideya ko pero hindi ko magawang mainis. Nakakatuwa kasi siyang pagmasdan habang tumatawa.

Inilapit niya ang mukha sa mukha ko. “Kahit pala masungit at mataray ka, young lady ay matalino ka pala. I like your ideas… Crazy and wild yet…” His hooded eyes scanned face with s afot expression on his face. “Entertaining… See? It made me laugh.”

Autimatic na inilayo ko ang mukha ko sa mukha niya. I wrinkled my nose when I smelled his breath. Naghalo ang mint, amoy-sigarilyo at alak sa hininga niya. It was not that bad. But it was not good either. Hindi ko gusto ko ang amoy-alak at sigarilyo.

Sawa na ako sa amoy-alak at amoy-sigarilyo na hininga mula sa mommy ko.

He blinked several times na parang natauhan sa ginawa. Napahilamos siya sa mukha. “Sorry, amoy-alak at sigarilyo ako… It’s bad for you…” he sincerely apologized. Kumuha siya ng candy mula sa bulsa at isinubo iyon.

Dumiretso ako nang upo. “Matalino naman ako. I belong to the top in our class.”

Masuyo niyang binunggo ang balikat ko. “Good job. Keep it up, magandang batang masungit na matalino pala.” Itinaas niya ang dalawang kilay. Like he was really proud of me.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam bakit parang na-proud naman ako sa sarili ko.

Inipit niya ang buhok na umaalpas sa ponytailed hair niya. “Zero ang lovelife ko ngayon. Kaya walang girlfriend na makikipaghiwalay at magbi-break ng puso ko,” he said, so casually.

Tumaas ang isang kilay ko. I wondered bakit wala siyang girlfriend. Wala sa tipo niya ang nazi-zero ang lovelife. Or baka sinungaling lang siya.

Palihim ko siyang sinulyapan. Wala naman sa hitsura niya ang nagsisinungaling.

And I have yet to meet this girl who’s going to break my heartMy downfall…” Itinapat niya ang kamay sa kaliwang dibdib. His eyes twinkled when he said that. Amusement evident in his voice. Like he was excited for that.

“Lagot ka…” pananakot ko, wiggling my index finger.

He just laughed quietly. Then he narrowed his eyes on me. “Hindi ka ba nagugutom? It’s almost eleven o’ clock? Kumain ka na ba? Uminom ka na ba ng gatas mo?” biro niya sa huling pangungusap.

“H-hindi ako gutom…”

Pero hindi sumang-ayon ang tiyan ko. Kasabay ng pagdi-deny ko ay ang pagra-ramble ng mga bituka ko sa tiyan. Hindi ko na matandaan ang huling pagkakataon sa araw na iyon na nilamnan ko ang tiyan ko.

Namula ang magkabilang-pisngi ko nang salubungin ko ang tingin ni Hooded Eyes at may pigil na ngiti sa labi.

Tumayo siya at inilahad ang kamay niya. “Halika, ihahanap kita ng matinong makakain na bagay sa ‘yo, magandang batang masungit na matalino pala pero medyo may pagkasinungaling naman.

Tinapik ko ang kamay niya at inirapan siya. Pero may pigil na ngiti sa labi ko. “Ayoko. Dito na lang ako.”

“Hindi pwede. Baka mawala ka.”

“Eh, ano naman sa ‘yo kung mawala ako?” I said, pouting my lips.

“Hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. Kargo na kita, young lady.”

He met my gaze and held it. His hooded eyes were serious. Hindi ko alam bakit nagdulot iyon ng pag-skip ng heartbeat ko. Bakit kaya? Baka naiingayan lang ako sa tugtog.

I gave him my hand at marahan niya akong hinila para tumayo. Ang buong akala ko, sa sandaling makatayo ako ay bibitiwan na niya ang kamay ko. Pero hindi iyon nangyari. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya.

Sinundan niya ang tingin ko. “Hindi ko pwedeng bitiwan ang kamay mo kasi baka mawala ka. Ayokong mawala ka,” esplika niya. “Halika na,” yaya niya sabay marahang hila sa akin papasok sa loob ng mansyon.

Pagpasok namin ay nakasalubong namin ang isang matandang babaeng ang edad ay nasa fifty pataas.

“Manang Zeny, bakit gising pa kayo?” tanong ni Hooded Eyes.

Sumimangot ang matanda. “Sino ba naman ang makakatulog kapag ganito kaingay? Kailan ba matatapos ang ingay na ‘to.”

Tumawa si Hooded Eyes at minasahe ang balikat ng matanda gamit ang libreng kamay. “Tanong n’yo ‘yan sa alaga n’yo. Pingutin n’yo na kasi sa tenga.”

“Kuu, malapit ko na talagang gawin ‘yan.”

“Gawin n’yo na,” natatawang sulsol ni Hooded Eyes at hinila na ako papuntang kusina.
Walang tao roon at hindi gaanong dinig ang ingay hindi katulad sa labas na dumadagundong sa dibdib ang music na naririnig.

Binuksan ni Hooded Eyes ang ref nang hindi pa rin binibitiwan ang kamay. Naglabas siya ng hotdog at inilagay iyon sa microwave. Nasa likuran niya ako habang ginagawa iyon.

“Pwede mo nang bitiwan ang kamay ko. Hindi na ako mawawala rito.”

Nilingon niya ako at niyuko ang kamay niyang hawak ang kamay ko. Nang salubungin niyang muli ang tingin ko, there was smile in his hooded eyes. “Ayoko nga...” parang batang sabi niya.

Sinimangutan ko siya at hinila ang kamay ko mula sa kamay niya.

He chuckled. “Taray talaga…” bulong niya. Iyong bulong na sadya na namang ipinaririnig sa akin.

“Bakit parang at home na at home ka rito?” curious kong tanong at nilibot ng tingin ang kabuuan ng kusina.

“My friend slash bandmate owns this house. Madalas ako rito.” Inilabas niya ang hotdog sa microwave at inihatag counter island table. Binigyan niya rin ako bread loaf. “Eat,” masuyo niyang utos sabay bigay sa akin ng tinidor. “Para hindi na mag-ramble-an ang mga bituka mo sa tiyan.” Sinundan niya nang mahinang tawa ang sinabi.

Pinalo ko siya sa braso. “Tch. Bwisit ka.”

Pagkakita ko sa pagkain na nasa harapan ko ay sobrang naramdaman ko ang pagkagutom. Agad kong nilantakan iyon. “If your friend owns this house at siyang nagpa-party, bakit hindi mo siya kasama? Bakit hindi ka nakikihalubilo sa kanila?”

He shrugged his shoulders. “Halos araw-araw ko na siyang kasama. Gusto ko munang ipahinga ang sarili ko sa pagmumukha niya,” biro niya.
Tiningnan niya ang ubos na pagkain sa harap ko. “Hindi ka talaga gutom, ‘no?” Marahan pa niyang hinimas ang likod ko at binigyan ako ng isang basong tubig.

I rolled my eyeballs at him at uminom ng tubig. Matamang nakatingin sa akin si Hooded Eyes. Bigla tuloy akong na-conscious.

“Ano?” mataray kong tanong.

His lips twisted in a smile. “You’re welcome…” he teased.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. I crossed my arms over my chest. “Hindi ko hininging pakainin mo ako,” mataray kong sabi.

Natawa siya nang mahina at pagkatapos ay malambing niya akong pinitik nang mahina sa braso. Nangingiting napahimas ako sa braso ko.

Silence fell between us. Magkatabi lang kaming nakasandal sa counter island na parang naghihintay ng kung sino mang papasok sa loob ng kusina.

Tinapunan ko siya ng tingin pero nakatitig na pala siya sa akin. Hindi naman ako natakot katulad ng takot ko kanina sa lalaking lasing.

Hooded Eyes flashed me a smile and let out a long sigh. “You know what? I’m happy I met you here. Medyo nawala ang kung anumang gumugulo sa utak ko. You make me laugh.”

He sounded serious kaya naantig ang damdamin ko. Hindi ko Gawain ang mag-usisa sa kung anong pinagdadaanan ng isang tao pero may kung anong nagtulak sa akin para magtanong.

“Ano bang gumugulo sa isipan mo? Hindi ka pa naman masyadong matanda para problemahin ang mundo.”

Naisip ko kaya pala kanina ay mag-isa lang siya at hindi sumasama ng mga grupo ng kalalakihang nag-iingay.

Tumaas ang isang sulok ng bibig niya. Naglabas ulit siya ng isang malalim na buntong-hininga at isang pilit na ngiti ang lumabas sa labi. “Me and my bandmates will submit tomorrow a demo tape in one of the big recording companies. It’s a make or break thing for us. Kapag hindi pa kami nag-succeed sa pagkakataong ito, iiwan ko na ang banda at maghahanap na ng matinong trabaho katulad ng usapan namin ng daddy ko.” Nahihiyang napakamot siya sa likod ng ulo. “Hindi ko na kasi matandaan kung ilang beses na kaming na-reject ng mga recording companies.”

I felt his frustrations and disappointment. They radiated through his words.

Napahilamos siya sa mukha. “Bakit ko ba sinasabi ito sa isang batang tulad mo?” Mas sa sarili niya iyon tinatanong.

Humarap ako sa kanya at matamang tumingin sa kanya. “Baka naman hindi talaga para sa ‘yo ang pagkanta? I mean… Sa dami ng rejections…”

Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko. I hated rejections. So much. Takot akong ma-reject lalo na ng taong mahalaga sa akin. Kaya paano ako magbibigay ng pampalakas ng loob tungkol sa rejections kung ako mismo ay takot roon?

Tumangu-tango si Hooded Eyes. “Kapag hindi pumasa ang demo tape namin bukas, I’d take it a sign that it’s not for me. Tutal ilang taon rin ang nailaan ko sa pag-compose at pagkanta na nauuwi rin naman sa rejections. But hey, singing and composing make me happy, mind you. Frustrating lang dahil mailap ang tagumpay.”

Hindi ako kumibo. Hindi kasi ako iyong tipo ng taong mahilig magbigay ng advice dahil sa takot na baka mali ang advice na maibigay ko. I was only thirteen. Konti pa lang ang experience ko sa buhay. Although marami sa rejections at heartaches, still, ayoko pa ring magbigay ng advice.

Nagbuga ng hangin si Hooded Eyes at pinasaya ang malungkot na expression ng mukha. “Let’s go out. Bumalik na tayo sa dati nating pwesto. Mas madali kang makikita ng mga kasama mo roon kaysa rito.”

Walang sabi-sabing hinawakan ulit niya ang kamay ko at marahan akong hinila palabas.

Paglabas namin sa garden ay nakasalubong namin sina Joan at Sherwin.

Agad kong hinila ang kamay ko mula kay Hooded Eyes bago pa makita ni Joan ang magkahawak naming kamay.

Hinampas ko sa braso si Joan at pinandilatan siya. “Kanina ko pa kayo hinahanap!” sigaw ko. “Saan ba kayo galing?!”

Nagkatinginan ang dalawa at parehong hindi sumagot.

“Tara, uwi na tayo. Malalagot ako sa papa ko dahil sobrang gabi na at dala ko ang kotse,” ani Sherwin.

Sumingit sa amin si Hooded Eyes. Hinawakan niya sa braso si Sherwin. “Nakainom ka ba?” seryosong tanong niya.

Para namang natakot si Sherwin sa sobrang pagkaseryoso ni Hooded Eyes. Nandidilat ang mga matang inginuso ni Joan si Hooded Eyes para itanong kung sino siya. Hindi ko na lang pinansin. Hindi ko gustong magkwento.

“H-hindi, boss…” ang nahihintatakutang sagot ni Sherwin.

“Good,” hindi ngumingiting sagot ni Hooded Eyes. He radiated so much air of authority. Bad boy ang datingan lalo pa at may tattoo.

Hinila ako ni Joan sa kamay. “Halika na, umuwi na tayo…”

Napilitan akong sumama kay Joan. “Bye!” ang mabilis kong sabi kay Hooded Eyes at saka tumalikod na. Pero may kung anong nagtulak sa akin na lumingon pagkaraan ng ilang hakbang.
He was looking at us--at me, in particular. When I met his gaze, he smiled and waved.

And there was this unknown force that pushed me to go back to him.

“Wait lang…” sabi ko kay Joan at tumakbo pabalik kay Hooded Eyes.

He was smiling when he saw me running back to him. Both Hands inside his pockets.

Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko. “Thank you…” mahina pero galing sa puso kong sabi. “Sa pag-save sa akin d’un sa lasing at sa pagpapakain sa akin ng matinong pagkain.” I followed it with a genuine smile.

Masuyo niya akong pinitik sa braso. Pagkatapos ay tumitig sa akin. His eyes glistened. “My pleasure, magandang batang masungit na matalino pala pero may pagkasinungaling lang… "

I giggled. Oh, God. He was making me laugh. Nakakatuwa lang kasi kapag sinasabi niya ang mahabang description na iyon.

Napangiti siya nang maluwang nang humagikgik ako. Like he was happy to see me giggle.

“Thank you, too, for making me laugh. And for listening to my woes. Alam kong wala ka nang pakialam sa mga--”

Good luck, sa ‘yo!” ang mabilis kong sabi bago ko pa mapigilan ang sarili ko. “Kung talagang gusto mo ang pagkanta at pag-compose ng mga kanta, huwag kang sumuko. Ipaglaban mo ang gusto mo kasi…” I stopped and groped for words. “Gusto mo ‘yan at ‘yan ang nakakapagpasaya sa ‘yo.”

For a fleeting moment, Hooded Eyes was expressionless. Pero unti-unti ay sumilay ang isang cute na ngiti sa labi niya. Cute na ngiting nagustuhan ko.

I bit my lower lip. “Tama ba ang advice ko?” alanganin kong tanong. “Kung mali, ‘wag mo na lang sundin… Stick to your original plan na lang.”

Kasi para sa akin, dapat lang ipaglaban ang mga bagay na gusto mo. Katulad na lang ng pakikipaglaban naming mag-ina sa oras ng daddy ko.
Ipinaglalaban namin kasi gusto namin. Gusto naming makasama ang daddy ko kahit na sandali lang.

He cocked his head on side, his eyes were smiling “No, I guess you’re right.” Nag-thumbs up pa siya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Inalis ko ang cover niyon at kinuha ang Chinese character tag sa likod ng cellphone ko. The Chinese character was ‘fu’ that means good luck. Manipis iyon pero gawa sa Chinese gold na bigay sa akin ng daddy ko. May red tag iyon pero mas pinili kong ilagay sa likod ng cellphone ko.

“This is a character ‘Fu’ that means good luck in Chinese. Sa ‘yo na ‘yan. Pang-good luck mo para sa presentation ninyo bukas ng demo tape ninyo,” sabi ko.

Halatang nagulat si Hooded Eyes. Hindi niya siguro akalain na ibibigay ko iyon sa kanya. “Well, thank you,” natutuwa niyang sabi at ikinulong sa palad ang ibinigay ko. “Wait, can I get your number?”

“No!” I said vehemently kasabay ang iling.

“Sad…” ani Hooded Eyes, exaggeratingly pouting his lips. “Number ko na lang ang kunin mo. At kapag nakauwi ka, please, please, text me. Para lang alam kong nakauwi ka nang safe.”

Hindi ako sumagot. Bakas sa mukha ko ang pagdadalawang-isip.

Pinagsalikop ni Hooded Eyes ang mga palad niya. “Please? Please?” he pleaded. “Para sa ikakatahimik ng kaluluwa ko…” He smiled after.

I rolled my eyeballs. Kinuha ko ang cellphone ko at pina-dictate ko ang number niya.

Please text, okay? Please, young lady? Hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi ka nag-text.”

“Tch. Ang morbid mo,” nakasimangot kong sabi pero may ngiti naman sa labi ko.

Nilingon ko sina Sherwin at Joan.
“Bye! Pinandidilatan na ako ni Joan,” sabi ko at agad na tinalikuran si Hooded Eyes.

“Hey! Magandang batang masungit na matalino pala pero may pagkasinungaling naman!” sigaw niya. “I didn’t get your name.”

Nilingon ko siya habang patalikod na naglalakad. “Grace…” sigaw ko sabay talikod sa kanya.

I hated that second name of mine. Pero hindi ko alam kung bakit iyon ang ibinigay ko. Maybe because in my heart, I did not want him to get to know me.

Walls. I would always put up my walls. Ayokong malaman niya ang nakakaawang kwento ng buhay ko.

Grasya!”

Lumingon ako.

He grinned widely. “Lumingon ka sa ‘Grasya’…” aniyang halatang natutuwa. “Iyon na ang tawag ko sa ‘yo.”

I waved at him. “Okay,” ang tanging sinabi ko, shrugging my shoulders. Pagkatapos ay tinalikuran na ulit siya.

“Grasya!”

Nilingon ko ulit siya.
“Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?”

“Ashley, tara na…” pamimilit ni Joan at hinila na ako sa braso.

“Hindi ako interesado!” I jokingly shouted.

Hinawakan niya ang kaliwang dibdib. “Ouch! Ang sakit naman!” natatawa niyang sabi.

Natawa ako nang mahina. Pero bago ko pa tanungin ang pangalan niya. Someone at his back shouted.

Dudong!” sigaw ng lalaki at tinapik sa braso si Hooded Eyes. “Kanina ka pa namin hinahanap, ah. Sa’n ka nagtago?”

I cocked at eyebrow at him. I mouthed ‘Dudong’.

He grinned while biting his lower lip.

Oh, he was ultimately cute.
Kumaway ako sa kanya kasabay nang paghila sa akin ni Joan.

“Grasya!”

Nilingon ko ulit siya at pinandilatan. “Ano?! Aalis na kami, ano ba?!” naiirita kong sigaw.

It’s a pleasure knowing you. Until we meet again…”

Hindi ako sumagot. Kumaway lang ako sa kanya.

Until we meet again.

Wala akong balak na kilalanin pa siya nang husto. I did not need a new friend at this point in my life. Madadagdagan lang ang taong maaawa sa akin at ayokong mangyari iyon.
Ayokong kinaaawaan ako.

As soon as I jump inside Sherwin’s car. I deleted Hooded Eyes’ number.

Si Dudong.

Alam kong iyon na ang magiging huli naming pagkikita.

Continue Reading

You'll Also Like

25.3M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
1.4M 56K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
24.4M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.4M 49.2K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...