My Make-Believe Boyfriend...

Av dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... Mer

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo

7.9K 200 54
Av dyosathewriter

ASHLEY

SEVEN YEARS AGO

THIS PARTY IS full of shit, sabi ko sa isip.

It was true. The party was full of shit. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sumabit-sabit pa ako kina Joan at sa boyfriend niyang 'matanda' na.

Joan was my classmate and we were in our freshman year in high school. Ang eighteen years old at nasa kolehiyo niyang boyfriend na si Sherwin ang nang-imbita sa amin sa party na ito na puro ‘matatanda’ na katulad ni Sherwin ang dumalo.

Hindi ko gusto ang ganitong klase ng party. Medyo nakakatakot para sa isang first year high school na tulad ko.

Tipong wild na ginanap sa isang mansyon ng kaibigan ng kakilala ni Sherwin. Nasa abroad ang mga magulang kaya nagawang magpa-party.

Pero nag-decide akong sumama dahil ayoko pang umuwi sa bahay namin. Ang lasing na mommy ko na naman ang madadatnan ko sa bahay.

Nagpakalasing si mommy dahil nag-away na naman sila ni daddy dahil sa isang pangakong hindi na naman nagawang tuparin ni daddy.

It was always like that in my life. A bad and shitty cycle.

Mga pangakong hindi natutupad. Sanay na ako roon. Pero minsan, gaano ko isiksik sa utak ko na sanay na ako, may mga pagkakataong naapektuhan ako.

Kaya kaysa maapektuhan ako sa lasing na nanay na madadatnan ko sa bahay, sumama na lang ako kina Joan at Sherwin. Malamang ay hindi ako magawang mahanap ni Mommy dahil sa kalasingan. She would not even know if I got home safely from school or not.

Hindi ko na makita sina Joan at Sherwin kanina pa. Baka tulad ng ibang mga couple ay naghahalikan na rin sila sa mga gilid-gilid ng nakapalaking mansyon kaya hindi ko mahanap.

Joan was wild and would want to try new things. Katulad na lang ng pakikipag-boyfriend sa isang college student na tulad ni Sherwin. Gusto ko ring gayahin si Joan kasi mukhang masaya siya sa ginagawa niya. Gusto ko ring sumaya katulad niya para malimutan ang mga problema sa bahay.

Pero may kung anong pumipigil sa akin. Saka wala akong makitang cute o kaya ay gwapo na papasa sa standards ko ng cute at gwapo. Baka hindi ko pa name-meet. O baka nariyan lang sa tabi-tabi at may kasamang girlfriend.

Luminga-linga ako sa maingay na paligid. Ingay na kung hindi galing sa malakas na tugtog ay galing naman sa sigawan ng mga dumalo. Binitiwan ko ang basong hawak ko na nang matikman ko ang laman ay pineapple juice na may halong alak. Ayokong malasing. Hindi naman kaila sa akin ang mga nangyayari sa mga kabataang babaeng nari-rape dahil sa sobrang kalasingan.

Hindi ko gustong maging ganoon ang kapalaran ko dahil lang may pagrerebelde akong nararamdaman sa dibdib ko.

Lumabas ako sa garden. Doon ay mas konti ang tao. Mas maraming tao sa pool area dahil naroroon ang mga tugtugan, pagkain at alak. Then my eyes caught something. A pair of hooded eyes. Eyelids shrunk and looked like drowsy.

Eyes like that of Robert Pattinson from the movie Twilight.

The owner of those hooded eyes was a guy with long hair and a stubbled chin that made him look so rugged. Nakaupo siya sa damuhan. Ang mga braso ay nakapatong sa magkabilang-tuhod habang may nakaipit na sigarilyo sa gitna ng mga daliri. Sa tabi niya ay ang bote ng beer. He was alone.

He was cute--in my standards, alright. Ruggedly cute. Maduming tingnan dahil may mahabang hanggang-balikat na buhok, stubbled chin na parang kinatamarang mag-ahit ngayong araw at may malaking tattoo sa braso. Pero siya iyong tipong kahit ganoon ay may angas. Parang ang lakas ng confidence sa sarili. He was wearing an all black attire--plain black t-shirt, black maong jeans at black sneakers.

A rocker look.

Binawi ko ang pag-la-lock ng mga tingin namin. Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng minuto ko ang ‘matandang’ lalaking ito? Mukha kasing mas matanda pa siya kay Sherwin.

Lalakad na sana ako palayo nang may biglang umakbay sa akin.

“Hello, babe…” the guy said in a slurred voice. Naamoy ko kaagad ang hininga niyang amoy-alak. “Bakit nag-iisa ka?” aniya habang ang mga mata ay namumungay sa kalasingan.

Biglang nanayo ang mga balahibo ko sa may malisyang akbay niyang iyon.
Nakakabastos.

Buong lakas ko siyang siniko. “Bitiwan mo nga ako!” matapang kong sigaw.

Pero tila hindi ininda ng lalaki ang buong lakas kong pagsikong iyon. Nakakalokong ngumisi pa siya. “Feisty… I kinda’ like that in my babe…” Itinaas-baba niya ang mga kilay.

Nagdulot iyon ng panginginig sa kalamnan ko. Para siyang iyong mga kontrabida sa pelikula. Ang kilos at ang pagngisi niya. Nakakadiri.

Hindi ako madaling matakot. Malakas ang loob ko. Pero sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng takot sa dibdib. Paano kung gawan ako ng masama ng lalaking ito na kabilang sa mga tinatawag kong ‘matatanda’ dahil kaedaran ni Sherwin? Ano ang laban ko? Wala akong kilala sa mga naririto bukod kina Sherwin at Joan na ngayon ay hindi ko pa rin nasisilayan?

But I am Ashley Grace Lim. Matapang ako, hindi basta-basta sumusuko at lalong hindi marunong umiyak!

Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa direksyon ng lalaking may hooded eyes. He was casually looking at us na para bang kampanteng nanonood ng isang eksena sa pelikula. He met my gaze at pagkatapos ay lumagok sa hawak na bote ng beer, humitit at nagbuga ng sigarilyo nang hindi inaalis ang pag-la-lock ng mga tingin namin.

Nag-ipon ako ng lakas at inubos ko iyon sa pagtulak sa lalaki. “Pwede ba lumayo ka nga sa akin!” matapang kong sigaw na hindi man lang naka-attract ng atensyon dahil nilamon lang ang sigaw ko ng malakas na tugtog at tawanan sa paligid.

Ngumisi ang lalaki. “Pa’no kung ayaw ko, babe?” There was an edge in his voice. Waring nasaling ko na ang pride niya.

Itinaas ko ang kamay ko. “Talk to the hand!” sigaw ko.

Tinalikuran ko siya pero maagap niya akong napigilan sa balikat.

“Get your hands off me!” mataray kong sabi.

“’Wag kang masyadong mataray, babe…”

Sasagot pa sana ako pero naagaw ni Hooded Eyes ang atensyon ko dahil bigla siyang tumayo. Itinapon ang hawak na sigarilyo at inapakan iyon, marahang pinagpag ang puwitan at pagkatapos ay lumapit sa kinaroroonan namin.

“Pare…” ani Hooded Eyes. His voice was raspy. Parang bagong gising. But it sounded good in one’s ears.

Pareho kaming napatingin sa kanya. Pero hindi pa rin binibitiwan ng lasing na animal ang balikat ko.
“’Wag kang makialam, dude. Akin ‘to!” sabi ng lasing na lalaki.

Pinandilatan ko siya. I was not anybody’s!

Ikinangiti ni Hooded Eyes ang reaction ko. Hinila niya ako mula sa pagkakahawak ng lasing na lalaki. “Ibalato mo na siya sa akin. Kaibigan ko siya,” malumanay niyang sabi.

“Kaibigan mo ‘to?” hindi makapaniwalang sabi ng lasing na tila nawala panandalian ang kalasingan. “Itong mataray na ‘to?” Itinuro pa niya ako.

Inakbayan ako ni Hooded Eyes pero agad akong pumiksi. “Best of friends kami,” natatawa niyang sabi at pinagkrus pa ang dalawang daliri. “As in sanggang-dikit.” When our eyes locked, he was looking at me with an amused look. “Kasama ko siyang dumating kanina kaya ibalato mo na lang siya sa akin.”

Best of friends? Ni hindi ko nga siyang kilala! Effing duh!

Sasagot sana ang lasing na lalaki nang tumingin si Hooded Eyes sa likuran nito. Itinuro niya ang lalaki. Maya-maya ay may dalawang lalaking lumapit at pilit na niyaya ang lasing na lalaki sa pool area. Nag-thumbs up si Hooded Eyes sa dalawang lalaki matapos na mapaalis sa kinatatayuan namin ang lalaking lasing.

“Bwisit!” I muttered nang makalayo sa amin ang mga lalaki. Pinukol ko pa ang lasing na iyon ng isang matalim na tingin.

Bahagya ko lang tinapunan ng tingin si Hooded Eyes at lumakad palayo sa kanya.

Humarang siya sa akin. “You’re welcome…”
aniya at ngumiti nang maluwang.

Napahinto ako sa paglalakad at sinimangutan siya. “Hindi ko kailangang mag-thank you sa ‘yo,” nakataas ang isang kilay na sabi ko.

Hooded Eyes bit his lower lip. Parang ayaw ipakita ang paglabas ng isang ngiti sa takot marahil na baka lalo akong magtaray. But amusement was written all over his face. “Why not?” he asked back. “I just saved you from that drunk dimwit.”

“I didn’t ask you to,” matigas kong sabi. “Kayang-kaya ko siya. At kung hindi ka dumating, malamang ay nasuntok ko na siya,” buong kumpiyansa kong sabi.

Hooded Eyes laughed quietly. “Nasuntok? ‘Yang liit mong ‘yan?” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko. “Ang laking mama n’un. Hahawakan ka lang niya sa ulo--“ Hinawakan niya ako sa tuktok ng ulo pero padaskol kong tinabig ang kamay niya. “Hindi mo na siya maaabot at ‘yang suntok na ipinagmamalaki mo, sa hangin na lang ang bagsak n’yan,” natatawa niyang dagdag. “Ni hindi dadapo ‘yan maski sa balat ng panga niya.”

Inirapan ko lang siya at bahagyang itinulak para hindi siya makaharang sa daraanan ko. Tama naman ang sinabi ng lalaki. Tapang lang ang meron ako. Pero hindi kami magkasukat ng lakas ng lasing na lalaki.

Nakahanap ako ng isang tagong spot sa garden na may mababang plant box. Umupo ako roon.
Maya-maya ay tumabi sa akin si Hooded Eyes. His arms gently brushed mine.

I tsked nang maramdaman kong dumampi ang braso niya sa braso ko.

“Sungit mo naman…” nakangiting komento niya. Imbes na mapikon sa katarayan ko, he did find it amusing to my surpise.

He stretched his right leg and put his hand inside his pocket. Paglabas ng kamay ay may hawak na siyang lighter at kaha ng sigarilyo. He smiled at me. “Pwedeng magyosi?” paalam niya.

I threw a sideway glance at him. “Hindi mo kailangang magpaalam. Hindi ko hawak ang baga mo,” pamaldita kong sagot.

Natawa siya nang mahina. “Sungit talaga. Parang may galit sa mundo…” bulong niya. Bulong na sadyang ipinarinig sa akin.

I let out an exaggerated sigh. Hindi ko gustong katabi si Hooded Eyes. Pero mas gusto ko naman ang company niya kaysa sa mga katulad ng lasing na lalaki kanina. Surprisingly, I felt safe knowing he was beside me. Parang kilala siya rito. Parang walang pwedeng sumalbahe sa akin dahil kasama ko siya.

Tumingin ako sa paligid at hinanap ng mga mata ko sina Sherwin at Joan. They were still nowhere in sight. Dinig ko ang malakas na sigawan ng mga party-goers sa pool area. Parang may ihahagis sila sa pool dahil may narinig akong bumilang at kasunod niyon ay hiyawan na naman. Tumingin ako sa relo ko. It was already ten o ‘clock in the evening. Hinahanap na kaya ako ni Mommy?

Nagsisisi na talaga ako kung bakit ako sumama kina Sherwin at Joan.

“So…” agaw ni Hooded Eyes sa atensyon ko. “Ano ang ginagawa ng isang batang tulad mo rito, young lady?” he asked softly. Humitit siya sa sa sigarilyong hawak at bumuga sa taliwas na direksyon mula sa akin.

Pinukol ko siya ng isang matalim ng tingin. “Hindi na ako bata!”

He cocked an eyebrow at me. Waring nagulat na d-in-eny ko pa ang obvious naman. “Talaga? Sige nga, ilang taon ka na?” he challenged me.

Tumikhim ako. Masasabi ko bang going thirteen lang ako in a few hours time? Siyempre hindi.
“S-seventeen,” pagsisinungaling ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa pag-stammer ko. Baka mabisto niya akong nagsisinungaling lang ako.

“Disisyete ka na?” nandidilat ang mga mata tanong niya. “Baka naman seventeen minus four?” May kahalong pang-aasar iyon. “Eh, bahagya pa lang umuumbok ‘yang dibdib mo tapos ang lakas ng loob mong sabihing disisyete ka na.” Hindi na nang-aasar ang tinig niya. Bagkus ay may concern ng kalakip.

Binigyan ko siya ng isang masamang tingin na kung nakakamatay lang ay bumulagta na siya sa damuhan. Agad kong ipinatong ang dibdib ko sa tuhod. “Do not look at my…” I stopped in mid-sentence. Hindi ko magawang ituloy ang salitang iyon.

Itinaas ni Hooded Eyes ang dalawang kamay na parang sumusuko. “I’m just stating a fact here. Hindi mo dapat ikagalit ang katotohanang iyon.”

I kept my silence. Nirespeto niya iyon.

Maya-maya ay kinalabit niya ako. “Anong ginagawa mo sa ganitong klaseng party, young lady?” Tumingin siya sa relo. “It’s way past your bedtime. Hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo?”

Hindi ako sumagot. Bitterness filled my heart. Lasing na lasing si Mommy. Paano niya akong hahanapin? Si Daddy, hindi ko alam kung sumagi ba ako sa isipan niya ngayong gabi. His legitimate family was in Hong Kong tonight. Ni wala nga akong text message na nari-receive mula sa kanilang dalawa.

Bumuga siya ng hangin sa kabilang direksyon mula sa hinitit na sigarilyo. “Sino ang kasama mo? Hindi ka bagay sa ganitong party. Ang bagay sa ‘yo children’s party,” biro niya.

“Wala kang pakialam.”

“I know,” kaswal niyang sagot at mataman akong tiningnan. “Buhay mo ‘yan, eh. Pero kung may galit ka sa mundo, ‘wag mong sirain ang buhay mo. Ang ganda-ganda mo pa naman.”

I looked at him and he met my gaze head on. Pinamulahan ako ng pisngi. Hindi ko alam kung dahil sa tinging ibinigay niya o dahil sa sinabi niyang maganda ako.

Binunggo niya ang balikat ko. “Concerned lang ako sa ‘yo. Hindi ka bagay sa ganitong party. Lalo pa at napansin kong hindi ka sanay sa ganitong party. Nakita mo naman ang nangyari sa ‘yo kanina. Is this your first time in a wild party like this? I saw fear in your eyes when you met my gaze. Parang nagpapasaklolo ka. So…”

“Hindi ako natatakot sa lalaking ‘yun at lalong hindi ako nagpapasaklolo sa ‘yo kanina!” I said vehemently. “Kaya ko ang sarili ko.”

Tumaas lang ang isang sulok ng bibig ni Hooded Eyes. Binigyan niya ako ng tingin ng hindi siya naniniwala. “Hindi magandang narito ka. Bakit ginagawa mo ang isang bagay na hindi maganda at makakasama sa ‘yo?” There was a hint of concern in his voice. Parang matandang pinangangaralan niya ako.

Sabagay, ‘matanda’ na siya para sa akin. He looked like he was twenty or twenty-one.

Tumingin ako sa hawak niyang sigarilyo at pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya. “Parang ikaw?” sarkastiko kong tanong. “Alam mong masama sa katawan ang paninigarilyo pero ginagawa mo.”

Tila nagulantang si Hooded Eyes. Napakamot siya sa ulo at pagkatapos ay idinutdot ang sigarilyo sa bermuda grass. “Whew! Ayan tinigil ko na. Sabi kasi, ang ginagawa ng mga matatanda ay ginagaya ng mga bata.”

Inirapan ko lang siya.

Naglabas siya ng candies mula sa bulsa. “Gusto mo?” alok niya at nang umiling ako ay nagbalat ng isa at itinago sa bulsa ang iba. “Kumain ka na ba? Gusto mong ikuha kita ng matinong pagkain?”

I cannot pinpoint what was it in his raspy voice. It was a mixture of concern and fondness.

Marahan akong umiling.

“Sinong kasama mo? Baka kilala ko at nang mapahanap ko na para makauwi na kayo.”

“Si Sherwin Bergeta.”

He furrowed his eyebrows. “Taga-HFU?”

Umiling ako.

Tumangu-tango siya. “Ah, I don’t know him. Halos taga-HFU ang karamihan dito except for that dimwit who tried to harass you. Kaibigan lang s’ya ng isang taga-HFU. Taga-HFU ang nagpa-party.”

Sherwin was from Santo Dominico. Pero hindi ko alam kung bakit napunta siya sa party ng taga-HFU.

“Gusto mo bang ipahanap ko ang Sherwin na ‘yun?”

I made face. “Pa’no mo siya mahahanap, eh, hindi mo nga s’ya kilala. Saka ang laki ng mansyon na ‘to.” Nilinga ko ang paligid. Dumarami na ang mga party-goers. May mga dumarating pa.

“I can borrow the mic from the DJ and shout his name. Imposibleng hindi niya marinig saan man s’yang panig sa mansyon na ‘to. Maliban na lang kung umalis na sila.”

Bigla akong kinabahan. Baka nga iniwan na ako nina Joan at Sherwin. Pero hindi naman siguro gagawin iyon ni Joan sa akin.

“Gusto mong gawin ko?” he asked, cocking an eyebrow.

“You’d do that?”

"I can do that,” confident niyang sabi. “For you.” Then he winked at me.

I blushed with that wink. Why, oh why?

“’Wag na. Ayoko pang umuwi,” sabi ko na hindi ko na napigilan dahil nalakipan ko iyon ng bitterness nang maalala ko ang mga magulang kong hindi man lang inaalam kung nasaan ako.

“Bakit naman? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?”

“Basta,” kibit-balikat kong sagot. Umalis ako sa bahay habang natutulog ang lasing kong mommy. Ni hindi ako nagpaalam dahil sa sama ng loob ko.
Binalot ako ng lungkot. Pero hindi nangangahulugan niyon na ikukuwento ko na sa isang estranghero ang kwento ng buhay ko. Hindi ko gawain ang ibilad ang sarili kong buhay sa iba.

“Kung hindi lang ako bangenge na--“ Ngumiti siya nang makitang kumunot ang noo ko sa salitang ginamit niya. “I mean, tipsy. Nakalimang bote na kasi ako ng beer. At kung hindi lang ako bangenge na, ako na ang maghahatid sa ‘yo pauwi. But I strictly don’t drive when I am just tipsy more so drunk. Safety first.” Proud niyang tinapik ang dibdib.

I rolled my eyeballs. “Eh, ‘di ikaw na ang responsableng driver.”

He chuckled. “At ikaw na rin ang may pagkamasungit.” Marahan niyang binunggo ng balikat niya ang balikat ko. “Magandang batang masungit.” There was a smile in his hooded eyes.

“Tch…” Inirapan ko siya.

Kinuha niya ang isang rubber band na nasa wrist niya at itinali ang buhok. Mas tumambad ang mukha niyang natatabunan naman ng stubbles ang paligid ng mukha. Pati na rin ang maliit na white gold loop earring sa tenga niya. Pati na rin ang kulay orange at pula niyang tattoo sa braso.

He did look a lot ruggedly cuter. Pumasa siya sa standard ko ng cute. Sa cute lang. Hindi pa sa standard ko ng gwapo.

I wrinkled my nose. Bakit ko ba naiisip iyon?

Napansin siguro niyang nakatingin ako sa tattoo niya. Marahan niyang hinipo iyon.
“Maganda ba? I had this inked a week ago,” pagbibigay niya ng impormasyon.

The tattoo was a flaming arrow na tila pabulusok papuntang biceps niya. Nag-aapoy ang dulo niyon kaya kitang-kita ang pula at orange sa braso niya.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

16.4K 1.5K 6
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
Mom at 16 Av tamad na nilalang

Allmän skönlitteratur

6.3M 170K 65
Inspired by Mom at 16 MOVIE ..
24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
The Only Heiress(COMPLETED) Av Ely

Allmän skönlitteratur

41K 352 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...